Total Pageviews

Nissy's Personal Blogging Purpose

I started this blog on August 5, 2021, as a space where I can freely share my thoughts and emotions. Opening up to others has always been hard for me, but this blog helps me work through my feelings and be real with myself. Feel free to read anything here, but please do so with kindness and without judgment. ^_^

Sunday, September 29, 2024

End Of Month, September 2024: Hiraya Manawari:

May All Your Dreams Come True ✨

    Kung tatanungin ako, "ano nga bang mga pangarap ko?" Honestly... hindi ko alam yung isasagot ko. Wala akong plano sa buhay, pero isa lang ang gusto kong makamtan, yun ay ang maging isang successful balang araw. I've always seen myself as a person who always achieves things, a consistent honor student since elementary. But now that I am looking back, parang hindi na yun mahalaga lahat, hindi na doon masusukat kung sino ako ngayon, kasi nasa college na ako, which means after this real world na. No grades and GWA will define me anymore, at kapag nangyari 'yon, paano ko ba malalaman yung worth ko as a person?

    Hindi ko na gugustuhin pang ilagay yung sarili ko sa standards and expectations sa'kin ng mga tao. I don't want to be seen as a woman na weak, na lagi nalang oo nang oo sa mga request ng iba, yung sinasabi nilang mala-anghel na ugali ko, mali yung nakikita nila. Hindi dapat ako masyadong maging mabait. Anyway... napapalayo na sa mismong content, ang gusto ko lang naman na mangyari ay matupad yung mga gusto ko para sa sarili ko. 

   Ngayong malapit na ang katapusan ng buwan ng septyembre, ang gusto ko lang sabihin kay nissy ay sana, hindi ka na masyadong maging people pleaser oh please ako na yung naaawa sa'yo. And don't pressure yourself too much, don't put too much expectation on yourself, kahit ano mang ma-achieve mo, be proud of what you do. 

   I am also so proud of myself kasi literal na isang beses lang akong umiyak ngayong buwan na ito, which is completely an achievement for me. At ang dahilan ng pag-iyak na 'yun ay dahil sa movie na how to make a million before grandma dies. It is so nice to cry about those things and not because of something na emotionally damaging. 

    I've been through a lot, learned a lot, kitang-kita ko yung mga pagbabago ko dito sa blog ko and that action alone totally proves that once na may target ako na gusto ko talagang mangyari, I have that dedication and perseverance na I can make it happen. So please nissy, whenever you are feeling so tired and you feel like giving up, just always remember that there will be better days ahead of you, huwag masyadong magpapalamon sa kalungkutan! Kayang-kaya mo 'yan lagpasan!

My future and past nissy, salamat sa patuloy na pagtitiwala. Sa present moment na ito, pangako ko sainyo, mas lalo kong pagbubutihan!

    

Setting My Priorities Straight

 I admit that these past few days, I've been distracted. I won't mention something about it though, it's just that I feel like I'm not totally focused on my goals, at nasasayang ko yung oras ko. Our midterms are finally coming up, it was announced na it will happen on October 14-20. I have to prepare, 2 weeks nalang. Masyado akong nangangapa sa major subjects, and isama na yung mga minor na may pinapagawa rin. So what can I do right now? I have to set my goals and priorities straight, hindi dapat ako masyadong nagpapaapekto sa nangyayari sa paligid ko. Remember miss nissy, we've got it all under control. Kayang-kaya mo ito, kasi kinaya mo dati. Naniniwala ako sa'yo!

Now that midterms of 1st sem as a 2nd  year student ay malapit-lapit na, hindi ko masyadong ilalaan yung oras ko sa mga bagay na hindi mahalaga. Kaya kailangan, huwag masyadong magpaka-stress and just enjoy studying and learning. Do not overthink too much miss nissy, you have a lot of time to prepare, kaya mo ito! Punong-puno ng reassurance from your past self kasi I feel like you will totally be needing it once na hindi mo na kinakaya, once na maramdaman mo na pagod ka na.

Honestly right now, kahit na maraming thoughts na isip ko na hindi ko na ito gustong ipagpatuloy ito, kahit na gusto ko nang sumuko, may natitira pa ring pag-asa at dahilan kung bakit ko ba ito ginagawa lahat. Para sa sarili ko, para sa pangarap naming dalawa. Being in this field that was not in my first choice and not been part of my future plans during shs is making it hard for me to continue pursuing it. Alam kong kailangan ko ng suporta, pero hindi ko alam kung kanino, kaya alam kong sarili ko lang yung makakatulong sa'kin para itatak sa isip ko na kaya ko itong ituloy.

Monday, September 23, 2024

Bottled Up Emotions

 Growing up, I've always dealt with my emotions alone, hindi ko kailanman ginustong humingi ng comfort sa iba just because I don't want na ipasa o i-kuwento sa kanila yung mga dinadala kong problema. I've always see myself as a person who bottles everything up, afraid of getting judgements from other people kasi masyado akong sensitive, emotional, mababaw yung luha ko, and most especially, minsan hindi ko na naco-control yung mga nararamdaman ko kaya sinasarili ko nalang, ayaw ko nang mandamay ng ibang tao. 

Yung ganoong personality ko, sometimes it affects me, lalo na ngayon na nare-realize ko na whenever may mga times na kailagan kong i-express yung thoughts ko, hindi ko masyadong masabi kasi sobrang gulo nung utak ko to the point na a lot we're going on inside my mind but I can't make a sentence out of it.

It is a struggle for me right now kasi minsan may mga pagkakataon na kinakailangan talaga na malaman ng ibang tao yung tunay kong nararamdaman to avoid misunderstandings and conflict but I cannot force myself na sabihin yung mga gusto kong sabihin just because I just can't, lumaki akong hindi sanay na mag-open. 

Siguro ito yung pinaka-reason kung bakit I do not see myself as someone na may lover or something na ka-share ng romantic feelings with because I always tend to keep everything to myself, though I know naman na it's not my top priority right now but I feel like I have a lot to improve to myself at kailangan ko talagang matutunan na mas maging open kasi it affects my relationship with my friends and families right now.

But despite everything that I've been through, masasabi kong paunti-unti akong nagkakaroon ng improvements, hindi ko na masyadong sinasarado yung sarili ko para makilala ako ng ibang tao, but there will always be an underlying fact na kaya surface level lang yung alam sa'kin ng halos lahat ng taong nasa paligid ko, is because I am afraid that someday, everything that they know about me, will be taken up against me, because that is something that had happened to me before.

Saturday, September 21, 2024

What If I'm Doing It All Wrong?

What if it's not about right or wrong? But about figuring out how to do it in your own way and on your own timeline? 

Hello there my future nissy, it is currently 5:20 in the afternoon. Today is September 21, SATURDAY. I feel so tired, ang sakit ng buong katawan ko ngayon, pati lalamunan ko, hindi ko na alam yung gagawin ko, masyado nang pagod yung katawan ko physically.

Mentally naman, nagsasabay na ulit lahat, and I can't help myself but to overthink, buti nakatulog ako kagabi kahit ang daming dumadaloy na thoughts sa isip ko. Kahapon, hindi ko na masyado kinaya kaya nagpahinga ako buong araw. 

Nagsisimula nanaman yung mga negatibong thoughts, how I wish I could stop myself from overthinking, it is driving me sooo crazy. 

Wala akong masyadong mai-kuwento, pero sobrang crowded ng utak ko. Kaya pipilitin kong pagtagpi-tagpiin yung mga naiisip ko. Isa na roon ay ang pagiging center ng buhay ko ay academics. A lot of people told me na puro aral lang daw ako nang aral, they always remind me na I should just enjoy, and don't pressure myself too much. But how can I possibly do that if that's the only thing that I can do? Magiging sino ba si nissy if she's not an achiever?

Despite all that, I have this thinking na bakit ko ba binibigyan ng expectations yung sarili when I am supposedly the one who should be proud of myself no matter what I do or what I achieve in my own life?

Ako yung may control nung mga desisyon ko, pero aware ako by the fact na yung mga nangyayari sa buhay ko yung hindi ko kontrolado. I never imagined myself being an it student to begin with, I always dreamt of being a dentistry student. Punong-puno ako ng pangarap nung bata ako. Minsan ko na ring pinangarap na maging dj sa radyo kasi hilig akong makinig ng musika sa lumang radyo ni papa. Mahilig din akong mag-ayos ng buhok kaya pinangarap kong maging hairstylist. Mahilig din akong maglaro ng teacher-teacher-an kaya ginusto ko maging isang elementary teacher. Pero sa lahat ng gusto kong maging, pagiging dentista ang totga course ko.

In relation to the title of my blog, why do I feel like sa pagtagal ko dito sa course ko na ito, palala nang palala yung pagdududa ko. Pero may mga taong nagiging rason para ipagpatuloy ko ito, kasi kung naniniwala sila sa potential ko, dapat din akong maniwala sa sarili ko.

Patuloy na magtiwala at huwag mawalan ng pag-asa, kaya natin ito!

Monday, September 16, 2024

Encouragement Will Always What Keeps Me Motivated

    Hindi na bago sa'kin yung pagdudahan yung sarili ko... lagi ko 'yun nababanggit sa mga blog ko. Pero what happened today is something that made me believe na I have the potential, kaya ko pala talaga. Iba-iba tayo ng paces sa buhay, may mga taong sobrang advance na ng mga inaaral, tapos ako... one step at a time. Meron din namang mga pagkakataon na nakikita ko sa sarili ko na kung magsusumikap lang ako at mas lalo kong sisipagan, kaya ko ring maabot yung mga goals ko.
    I have this professor nung 1st year, he always encourages me to do better. Sa tuwing may activities, lagi niya akong pinupuri, na nagiging dahilan para mas mahalin ko yung course ko na ito. I thought his subject will be my least like among all of the subject, pero it turns out na naging paborito ko dahil sakanya. What I am right now, I owe it to sir a lot kasi siya yung nag-start nung foundation na binubuo ko ngayon. Sakanya ko natutunan na hindi dapat madaliin yung mga bagay-bagay. Everything takes time when learning programming.
    During the first month as a 2nd year college student, there is this one prof again that keeps on motivating me. Kanina, we had an activity tapos nung nagawa ko yung mga pinagawa niya sa'kin, he seems so proud of me. He gently patted my shoulder, telling me na I did a great job, and that action alone, yung nagiging rason kung bakit ko mas pinagbubutihan, yung malalaman ko na may mga tao pala talagang nagtitiwala sa'kin, kaya hindi ko dapat pagkaitan yung sarili ko ng tiwala na ibinibigay ng iba. Kaya nissy, you have to continue believing in yourself, you have to put faith in everything that you do.
    Lastly, I just want to appreciate my friends, for always being my support system, lalo na this kind girlie na nasa ibang circle but also one of my closest friend, who always tells me na she's so proud of me, lalo na during those times na akala ko I am a failure. These people that I have met during this college life has gave so much meaning onto my life. Ano kayang mangyayari in the future? Will we be able to catch up to each other? Sana maging successful ang bawat isa.
    There will always be a way para mas magkaroon ng motivation, at sa mga panahong ito, gagawin kong rason para mas maniwala sa sarili ko, ay yung mga binibitawang salita ng mga taong malalapit sa buhay ko, alam kong darating yung araw na maaaring pumalya ako, pero kahit na ganon, mas pipiliin kong maniwala na kaya kong lagpasan lahat ng pwedeng mangyari, as long as may tiwala ako sa sarili ko.
        

Sunday, September 15, 2024

Become The Person Your Past Self Desperately Needed

 A Lot Goes Wrong Before Everything Turns Right...

        To my past self, if only I could talk to you right now, ang dami-dami kong gustong i-kuwento sa'yo. Para kay nissy of June 2024, gustong-gusto kitang yakapin. Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula. Hindi ko gugustuhing halungkatin yung mga nangyari sa past, so focus nalang ako sa nangyayari ngayong present time. Today is September 15, kalahating buwan na ang nakakaraan. Actually, nung nag ber months talaga, punong-puno ako ng pag-asa. Ber months means malapit na mag-pasko! Ano na nga bang ganap sa buhay ko ngayon? Kasalukuyang umiikot lang sa buhay acads, walang bago, walang exciting na nangyayari. Parang consistent lang yung mga araw ko na wala akong masyadong ginagawa. Ang tanging highlight lang na nangyari sa'kin ngayong month na ito ay sumali ako sa isang spoken word poetry na hindi ako nag-dalawang isip. Naisip ko, chance ko na ito! Papalampasin ko pa ba?

    Ano pa bang pwede kong i-kuwento sa'yo my dear nissy? Sorry ha, bulok kasi talaga ako mag-kuwento hahahahaha. Anyway... yung isip ko ngayon, parang payapa na-- matagal ko na itong pinagdarasal at hinihiling na mangyari sa'kin, tapos unti-unti ko nang nagagawa and I'm really so proud of you my past self for always trying to be better, salamat kasi naging matatag ka. Usapang academics... hindi pa rin nababago yung pagkakaroon ko ng pagdududa sa sarili ko, lagi ko paring iniisip na tama ba itong ginagawa ko? Tama ba na nandito ako? Tama ba yung mga naging desisyon ko? Sobrang hindi ko sigurado, pero minsan, may mga pangyayari na nakakapag-realize sa'kin na nissy, kaya mo naman talaga, magtiwala ka lang sa sarili.

    Lastly, sa usapang puso, I recently shared on my past blog my current struggles about this feeling that I am feeling right now in this moment of my life. If malaman ito ng ibang tao, lalo ng mga kaklase ko, hindi ko alam yung iisipin nila. Hindi ko rin nga maintindihan yung sarili ko, bakit nga ba ganito yung nararamdaman ko sakanya? Sa kabila ng lahat ng mga nangyari, gusto ko pa rin siya? In-denial... sobrang komplikado. Pero mas magiging safe if ako lang yung makakaalam nito, at kung sino mang makabasa nitong blog ko, sana hindi niyo makilala kung sino yung tinutukoy ko. Pero kung aware kayo kung sino, make a promise with me, sa'tin-sa'tin nalang ito, ha?

For the conclusion part, balik tayo sa mismong title nitong blog ko... Become The Person Your Past Self Desperately Needed, honestly, ang pinaka kailangan ng past self ko ay pagmamahal mula sa sarili. Kasi for the past months, matagal kong hinanap yung sarili ko, matagal kong ipinagkait yung pagmamahal na ako pala yung magbibigay, kaya lahat ng love na kailangan ko ngayon, alam kong ako lang yun makakapuna, na dapat hindi ko ibinibigay sa iba. Self love all the way! 

:)

The Cage Is Open, Why Are You Still There?


Grief really does hit you on a random day. it doesn’t get smaller, you just learn to grow around it


    A wise person once told me, "nasa sa'yo kung paano ka makakatakas sa sarili mong sikulo." Lagi kong itinuturing yung sarili ko na isang ibong nakakulong sa hawla and that cage was always my safe space, tipong natatakot akong makalabas kaya mas pinipili kong maging reserved na tao na hindi open sa mga posibilidad. I kept on clinging on those things that are not in my life anymore, I stumbled upon this reel na yung girl, nililinis yung isang skeleton and it's just like me, holding on to the past.
    But here I am right now, taking a huge step, I know may mas magandang babalik at yun ang mas pagtutuunan ng pansin. I want to be free, gusto kong makalaya sa nakaraan, gusto kong maramdaman yung liberty na matagal ko nang gustong makamtan, and to have that, the first step should start by having this mindset na makakatakas ako kung papanindigan ko yung desisyon ko na makatakas.

Saturday, September 14, 2024

Have You Ever Had Any Suicidal Thoughts Before?

    It was September 05 when our GC announced na there is this poetry contest for suicide prevention month. I was just scrolling on my feed tapos biglang nag-notif yung messenger ko and that's when I saw it. Nung una, punong-puno ako ng excitement kasi gagawa ako ng tula, eh nung mga panahong yun, puro suspended yung pasok so walang klase, kaya I had free time to do a poem. 

I don't want this blog to be about her but I just want to take this opportunity for appreciating her existence onto my life, though just like what I have said to my past blog, we were not okay like it was before but because of her, nakawala ako ng paunti-unti sa comfort zone ko. Her being just an inspiration, from afar, just like a star. I stopped making poems a long time ago, 2020 to be exact but ayun nga, bigla nalang bumalik yung love ko for poetries nung nov 2023 because of "that day". Doon ko na-realize na kaya ko pala talaga, at kaya ko pa rin na gumawa ng tula kahit na matagal ko nang hindi ginagawa.

Okay, back to my poetry about suicide prrevention, I also would like to take this opportunity for appreciating myself, kasi sobrang kailangan na kailangan ko yung mga salitang binitawan ko sa sarili kong tula. Tipong kahit para sa iba na nangangailangan ng tulong, kinailangan ko ring tulungan yung sarili ko. Dumating ako sa point ng buhay ko na hinihiling ko sa tuwing tutulog ako na "sana panghabambuhay na ito", kasi pumasok na rin sa isip ko na gusto kong wakasan lahat.

Kanina, habang naghihintay kami ng prof namin, may mga kuwentuhan... at doon ko nalaman na sobrang magkakaiba pala talaga yung pinagdadaanan ng mga tao. Nung narinig ko yung mga problema nila sa buhay, parang nahiya ako sa sarili ko. Nagawa ko pang isipin dati na gusto ko nalang mamatay, I think it is unfair for others na hirap na hirap na sa buhay, pero tuloy pa rin ang paglaban.

I am not validating my own feelings, pero yung mga naiisip kong suicidal thoughts dati, sobrang mali. Naaalala ko tuloy dito yung blog ko about sa "sa panahong pagod na pagod ako, si Lord yung pahinga ko" at yun yung nararanasan ko ngayon. Ang dami na namang negatibong thoughts na pumapasok sa isip ko, pero lagi ko nalang pinagdarasal na sana maging payapa na itong utak ko.

Anyway, nanalo tayo sa spoken word nissy! I'm so so proud of you, dito mo napakita sa sarili mo na may interest at hobby ka talaga, kailangan mo lang mahanap.

At sa mga panahong alam mong nawawala ka at naliligaw sa tamang landas, lagi mong tatandaan na laging naka-gabay si Lord, hinding-hindi ka nun pababayaan!


Saturday, September 7, 2024

What's Meant To Be Will Always Be


Take a deep breath, enjoy the moment, and live a life with no regrets...

    I always reminds myself, "Nissy, huwag ka nang masyadong mag-worry", but as each days and time passes, papalapit na ako nang papalapit sa future na kinakatakutan ko. Bakit ba ako natatakot? Hindi ko rin alam, I've been living my whole life with the fear of failure, because I am always chasing success and achievements. So anong mangyayari kapag dumating yung araw na ma-disappoint ako sa sarili ko? Anong gagawin ko?

Yung isip ko ngayon, katulad na katulad nung sa tula ko. Punong-puno ng katanungan at pagkabahala, ang hirap kapag nasa ganitong edad na, gusto ko nalang bumalik sa pagkabata, puno ng saya. Tipong simpleng candy lang, gagaan na yung pakiramdam ko. Hindi ko kailangang maging seryoso sa buhay, pakain-kain lang tuwing merienda ng tinapay.

Hmmm... napapaisip ako, paano kaya yung mga pinagdaanang dati ng mga taong college na at the age of 16 years old. How did they able to figure their life? Kasi ngayon, sobrang nawawala ako, I feel like I am not on the right path, parang naliligaw na hindi ko alam kung saan ba yung tamang daan.

Hindi talaga maiiwasan yung mga ganitong worries and thinking ko once na lumitaw na yung buwan at dumilim na yung kalangitan. Nagsisimula nanaman akong magduda, paulit-ulit nalang ako sa cycle na ito, walang ibang makaktulong sa'kin kundi ako. Kailan ba darating yung oras na payapa na yung isip ko?

Lagi kong pinanghahawakan yung bible verse na Isaiah 60:22 "When the time is right, I the Lord will make it happen." Naniniwala talaga ako sa right timing, at kahit hindi ako sigurado sa magiging kapalaran ko, yun nalang yung magsisilbing "assurance" ko na hindi ko kailangang ipilit yung mga mangyayari, kasi kung ano yung nakalaan para sa'kin, I know hinahanda ako ni Lord para doon.

Thursday, September 5, 2024

Pagbangon: A Special Poetry For World Suicide Prevention



Sa bawat pagpatak ng ulan at malamig na simoy ng hangin

Marahan akong tumingin sa kalangitan at tahimik na nanalangin

Isipan ngayo'y napupuno ng katanungan at pagkabahala

Paano nga ba gagaan ang mabibigat na mga problema?


Sabi nila, ang buhay ng tao ay tuwirang isang sikulo

Minsan nasa taas, minsan nasa baba, sobrang komplikado

May mga bagay talaga na nangyayari na hindi natin inaasahan 

"Bakit ba ganito ang takbo ng buhay ko? Hindi ko maintindihan"

 

May mga tao tayong nakakasalamuha na may pinagdadaanan

At hindi nila ito naipapakita sa panlabas na kaanyuan

Maaaring nakangiti ang mga labi ngunit sa likod ng maskara

May itinatagong mga luha at pasakit na nadarama


Sa patuloy na pag-ikot ng mundo 

May mga pangyayari sa buhay na hindi natin kontrolado

Huwag sanang pagkaitan ang sarili ng pagmamahal

Ating pahalagahan ang buhay na ibinigay ng maykapal


Kailangan nating buksan ang mga mata at isipan

Hindi dapat husgahan ang mga taong nasa sukdulan

Sapagkat sila ay nahihirapan na magpatuloy 

Labis na kalungkutan at paghihirap ang sakanila'y dumadaloy


Sa kabila ng lahat ng mga pagsubok, may kalakip na pag-asa

Isang bagong simula, panibagong yugto na masagana.

Kaya't kahit hindi sigurado sa maaaring mangyari sa kinabukasan

Huwag iisipin ang pagsuko, patuloy parin tayong lumaban. 


Hindi masamang humingi ng tulong sa kahit kanino man

Maaaring sa kapatid, sa magulang, o kaibigan

Sa nakakapagod na mundong ito, sila ang ating magsisilbing pahinga

na makakapagbigay ng labis na pang-unawa at simpatya


sa paglipas ng oras at paglaon ng mga panahon, 

Tayo ay makakausad, makakaahon at makakabangon

Ang puso at isipan ay muling magiging payapa at malaya

Naniniwala akong ito ang tunay na nakatakda

Wednesday, September 4, 2024

We Are All Bad Person Trying To Be Better

Siguro we have that moment in our life na we have done something wrong to others or to ourselves and it's totally fine because we make mistakes, we aren't perfect human beings to begin with... 

Tuwing may pagkakataon talaga na wala akong kahit anong iniisip, nagkakaroon ako ng self realization sa utak ko. Madalas kapag mag-isa ako, gusto kong kausapin yung sarili ko. Not in a way na matatawag na akong insane or crazy, but in a way na I am reflecting..."am I doing good? Am I kind enough?" 

When a person done something wrong to me, may 3 stages talaga ng emotions na nagci-circulate sa utak ko. The first one is anger, "bakit mo ba ito ginawa sa'kin? Ano bang atraso ko sa'yo?! Deserve ko ba ito?" Ang sumunod naman ay empathy, "ahhh siguro may pinagdadaanan lang ito, deeper reason or traumatic past kaya niya nagawa sa'kin ito", and the last one is... acceptance "hindi naman perfect lahat ng tao, minsan nagkakamali pero ang mahalaga, matuto sa pagkakamali niya. Hindi na uulitin, hindi na gagawin sa iba."

In the first place, alam ko namang hindi ako palaging nasa tama, may mga pagkukulang din ako sa sarili ko at sa ibang tao. Minsan, nagagalit din ako. Hindi ko na-co-control easily yung emotions ko. May mga pagkakataon din na nakakasakit din ako ng ibang tao unintentionally. Itong pagiging introvert ko rin ang nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng misundertanding. I always see myself as a woman with few words, in real life. Pero kapag ganitong online at sarili ko lang yung kausap ko, I tend to talk about a lot, like a looot. 

So here's the thing, kapag gumawa ng hindi mabuti yung isang tao, don't judge the person itself. Instead, yung mismong pagkakamali yung dapat na binibigyang focus, because our mistakes will never define us. Kapag may pagkakataon na bumawi, babawi.

At yun ang gagawin ko. 

Tuesday, September 3, 2024

Encouragement Is Better Than Insult

Being an IT student was never my choice but a decision I have to make. 


I don't want to be a burden, hindi ko gugustuhing i-pursue yung isang course na mahihirapan kami financially. Being a dentist was always my dream, pero yung pangarap na 'yon, alam kong hindi ko maaabot, kaya dun ako sa mas practical. 

Pero sa kursong ito, sarili ko yung mismong kalaban. Araw-araw akong napupuno ng pagdududa, para saan pa yung mga inaral ko nung stem student ako kung dito pala ako? Ano bang purpose ko? Bakit ito yung pinili ko? Bakit ko pinili yung isang kurso na simula palang, wala na sa pagpipilian. Pero kung tatanungin ko yung sarili ko, wala naman talaga akong choice, wala akong plano. 

Pero sa kabila ng lahat ng hindi sigurado, may isang taong naging dahilan kung bakit ko naisip sa sarili ko na may potential ako. Hindi naman lahat ng tao nagsisimula ng may alam, kaya nga mag-aaral para matuto. 

Sino nga ba yung tao na tinutukoy ko? It was my first year college instructor, sir Rosal. Noong una, inaamin kong I was intimidated but as time goes by, natututunan kong mahalin yung course ko because of the way he teaches.

Full of encouragement, hinihimay yung detalye, gusto ko yung ganon, yun yung hinahanap ko ngayon.

Ano nga bang pinanghuhugutan ng blog entry ko today? I can't help but to compare him and my current instructor. Kung pwede lang, kung maaari lang sana, mabago yung pananaw ko sa current prof namin kasi hindi ko kakayaning bumalik sa dating ako na punong-puno ng pagdududa sa sarili ko. Inaamin kong meron pa rin akong doubts ngayon pero hindi na gaanong kalala dahil kay sir Rosal.

Pero why do I feel like mas lalong lalala pa ito compared sa dati dahil sa prof ko ngayon? Paano na ba? Sana kayanin, kasi natatakot akong pumalya. Hindi ko alam yung gagawin ko kapag pumalya ako. 

Monday, September 2, 2024

I'm Not Crying Anymore Over The Songs I Used To Cry Before


Happy September 2nd my dear Nissy! As I was looking upon my Instagram Story Archives the other day, it was full of reels and posts about healing stuff, and may mga kanta din na I used to repost because it reminds me of everything about my past -- which is hindi ko na ginagawa ngayon. After a lot of tries of detoxification sa social media, I have finally achieved the peace of not knowing everything for the sake of my own sanity. 'Twas all started when I decided to delete my main account, for good. I always see myself as a sentimental girlie, na nirerelate sa kanta yung mga taong special sa buhay ko. Katulad nalang ng sa wonders, ride home by ben and ben. My girles, troubadour by the ridleys. My parents, against all odds. And most especially myself, take our time.

Hmmm, pero to all of the songs that I am listening dati, it all relates to that person who therefore shall not be named and shall forever be forgotten, now that more than a year has passed, yung mga kantang hindi ko kayang pakinggan dati, vibes ko na ulit ngayon. No more reminiscing memories, just vibing with the song! 

I totally believe that every song that we have listened during the past somehow correlates with some of our memories. It is both a blessing and a curse. But as time passes, nakakalimutan ko na talaga, and that's totally fine because it is all part of growing up. Maturing... 

Ang kasalukuyang mga kanta na pinapakinggan ko ngayon ay yung humihilom sa mental health ko, which is the therapeutic and calming songs of the ridleys and hillsong worship.  After a long... draining day, yung mga kanta nila yung laging takbuhan ko, like a recharge!

Rare nalang yung pakikinig ko sa cup of joe, was it all just a phase? But I will never deny the fact na listening to their soundtracks made me feel the excitement and thrill that I always loved chasing. 

Kahit ano pa mang mangyari, music will always be my therapy, the greatest invention of all time!