Hindi na bago sa'kin yung pagdudahan yung sarili ko... lagi ko 'yun nababanggit sa mga blog ko. Pero what happened today is something that made me believe na I have the potential, kaya ko pala talaga. Iba-iba tayo ng paces sa buhay, may mga taong sobrang advance na ng mga inaaral, tapos ako... one step at a time. Meron din namang mga pagkakataon na nakikita ko sa sarili ko na kung magsusumikap lang ako at mas lalo kong sisipagan, kaya ko ring maabot yung mga goals ko.
I have this professor nung 1st year, he always encourages me to do better. Sa tuwing may activities, lagi niya akong pinupuri, na nagiging dahilan para mas mahalin ko yung course ko na ito. I thought his subject will be my least like among all of the subject, pero it turns out na naging paborito ko dahil sakanya. What I am right now, I owe it to sir a lot kasi siya yung nag-start nung foundation na binubuo ko ngayon. Sakanya ko natutunan na hindi dapat madaliin yung mga bagay-bagay. Everything takes time when learning programming.
During the first month as a 2nd year college student, there is this one prof again that keeps on motivating me. Kanina, we had an activity tapos nung nagawa ko yung mga pinagawa niya sa'kin, he seems so proud of me. He gently patted my shoulder, telling me na I did a great job, and that action alone, yung nagiging rason kung bakit ko mas pinagbubutihan, yung malalaman ko na may mga tao pala talagang nagtitiwala sa'kin, kaya hindi ko dapat pagkaitan yung sarili ko ng tiwala na ibinibigay ng iba. Kaya nissy, you have to continue believing in yourself, you have to put faith in everything that you do.
Lastly, I just want to appreciate my friends, for always being my support system, lalo na this kind girlie na nasa ibang circle but also one of my closest friend, who always tells me na she's so proud of me, lalo na during those times na akala ko I am a failure. These people that I have met during this college life has gave so much meaning onto my life. Ano kayang mangyayari in the future? Will we be able to catch up to each other? Sana maging successful ang bawat isa.
There will always be a way para mas magkaroon ng motivation, at sa mga panahong ito, gagawin kong rason para mas maniwala sa sarili ko, ay yung mga binibitawang salita ng mga taong malalapit sa buhay ko, alam kong darating yung araw na maaaring pumalya ako, pero kahit na ganon, mas pipiliin kong maniwala na kaya kong lagpasan lahat ng pwedeng mangyari, as long as may tiwala ako sa sarili ko.
No comments:
Post a Comment