Total Pageviews

Nissy's Personal Blogging Purpose

I started this blog on August 5, 2021, as a space where I can freely share my thoughts and emotions. Opening up to others has always been hard for me, but this blog helps me work through my feelings and be real with myself. Feel free to read anything here, but please do so with kindness and without judgment. ^_^

Saturday, September 14, 2024

Have You Ever Had Any Suicidal Thoughts Before?

    It was September 05 when our GC announced na there is this poetry contest for suicide prevention month. I was just scrolling on my feed tapos biglang nag-notif yung messenger ko and that's when I saw it. Nung una, punong-puno ako ng excitement kasi gagawa ako ng tula, eh nung mga panahong yun, puro suspended yung pasok so walang klase, kaya I had free time to do a poem. 

I don't want this blog to be about her but I just want to take this opportunity for appreciating her existence onto my life, though just like what I have said to my past blog, we were not okay like it was before but because of her, nakawala ako ng paunti-unti sa comfort zone ko. Her being just an inspiration, from afar, just like a star. I stopped making poems a long time ago, 2020 to be exact but ayun nga, bigla nalang bumalik yung love ko for poetries nung nov 2023 because of "that day". Doon ko na-realize na kaya ko pala talaga, at kaya ko pa rin na gumawa ng tula kahit na matagal ko nang hindi ginagawa.

Okay, back to my poetry about suicide prrevention, I also would like to take this opportunity for appreciating myself, kasi sobrang kailangan na kailangan ko yung mga salitang binitawan ko sa sarili kong tula. Tipong kahit para sa iba na nangangailangan ng tulong, kinailangan ko ring tulungan yung sarili ko. Dumating ako sa point ng buhay ko na hinihiling ko sa tuwing tutulog ako na "sana panghabambuhay na ito", kasi pumasok na rin sa isip ko na gusto kong wakasan lahat.

Kanina, habang naghihintay kami ng prof namin, may mga kuwentuhan... at doon ko nalaman na sobrang magkakaiba pala talaga yung pinagdadaanan ng mga tao. Nung narinig ko yung mga problema nila sa buhay, parang nahiya ako sa sarili ko. Nagawa ko pang isipin dati na gusto ko nalang mamatay, I think it is unfair for others na hirap na hirap na sa buhay, pero tuloy pa rin ang paglaban.

I am not validating my own feelings, pero yung mga naiisip kong suicidal thoughts dati, sobrang mali. Naaalala ko tuloy dito yung blog ko about sa "sa panahong pagod na pagod ako, si Lord yung pahinga ko" at yun yung nararanasan ko ngayon. Ang dami na namang negatibong thoughts na pumapasok sa isip ko, pero lagi ko nalang pinagdarasal na sana maging payapa na itong utak ko.

Anyway, nanalo tayo sa spoken word nissy! I'm so so proud of you, dito mo napakita sa sarili mo na may interest at hobby ka talaga, kailangan mo lang mahanap.

At sa mga panahong alam mong nawawala ka at naliligaw sa tamang landas, lagi mong tatandaan na laging naka-gabay si Lord, hinding-hindi ka nun pababayaan!


No comments: