Take a deep breath, enjoy the moment, and live a life with no regrets...
I always reminds myself, "Nissy, huwag ka nang masyadong mag-worry", but as each days and time passes, papalapit na ako nang papalapit sa future na kinakatakutan ko. Bakit ba ako natatakot? Hindi ko rin alam, I've been living my whole life with the fear of failure, because I am always chasing success and achievements. So anong mangyayari kapag dumating yung araw na ma-disappoint ako sa sarili ko? Anong gagawin ko?
Yung isip ko ngayon, katulad na katulad nung sa tula ko. Punong-puno ng katanungan at pagkabahala, ang hirap kapag nasa ganitong edad na, gusto ko nalang bumalik sa pagkabata, puno ng saya. Tipong simpleng candy lang, gagaan na yung pakiramdam ko. Hindi ko kailangang maging seryoso sa buhay, pakain-kain lang tuwing merienda ng tinapay.
Hmmm... napapaisip ako, paano kaya yung mga pinagdaanang dati ng mga taong college na at the age of 16 years old. How did they able to figure their life? Kasi ngayon, sobrang nawawala ako, I feel like I am not on the right path, parang naliligaw na hindi ko alam kung saan ba yung tamang daan.
Hindi talaga maiiwasan yung mga ganitong worries and thinking ko once na lumitaw na yung buwan at dumilim na yung kalangitan. Nagsisimula nanaman akong magduda, paulit-ulit nalang ako sa cycle na ito, walang ibang makaktulong sa'kin kundi ako. Kailan ba darating yung oras na payapa na yung isip ko?
Lagi kong pinanghahawakan yung bible verse na Isaiah 60:22 "When the time is right, I the Lord will make it happen." Naniniwala talaga ako sa right timing, at kahit hindi ako sigurado sa magiging kapalaran ko, yun nalang yung magsisilbing "assurance" ko na hindi ko kailangang ipilit yung mga mangyayari, kasi kung ano yung nakalaan para sa'kin, I know hinahanda ako ni Lord para doon.
No comments:
Post a Comment