Total Pageviews

Nissy's Personal Blogging Purpose

I started this blog on August 5, 2021, as a space where I can freely share my thoughts and emotions. Opening up to others has always been hard for me, but this blog helps me work through my feelings and be real with myself. Feel free to read anything here, but please do so with kindness and without judgment. ^_^

Tuesday, September 3, 2024

Encouragement Is Better Than Insult

Being an IT student was never my choice but a decision I have to make. 


I don't want to be a burden, hindi ko gugustuhing i-pursue yung isang course na mahihirapan kami financially. Being a dentist was always my dream, pero yung pangarap na 'yon, alam kong hindi ko maaabot, kaya dun ako sa mas practical. 

Pero sa kursong ito, sarili ko yung mismong kalaban. Araw-araw akong napupuno ng pagdududa, para saan pa yung mga inaral ko nung stem student ako kung dito pala ako? Ano bang purpose ko? Bakit ito yung pinili ko? Bakit ko pinili yung isang kurso na simula palang, wala na sa pagpipilian. Pero kung tatanungin ko yung sarili ko, wala naman talaga akong choice, wala akong plano. 

Pero sa kabila ng lahat ng hindi sigurado, may isang taong naging dahilan kung bakit ko naisip sa sarili ko na may potential ako. Hindi naman lahat ng tao nagsisimula ng may alam, kaya nga mag-aaral para matuto. 

Sino nga ba yung tao na tinutukoy ko? It was my first year college instructor, sir Rosal. Noong una, inaamin kong I was intimidated but as time goes by, natututunan kong mahalin yung course ko because of the way he teaches.

Full of encouragement, hinihimay yung detalye, gusto ko yung ganon, yun yung hinahanap ko ngayon.

Ano nga bang pinanghuhugutan ng blog entry ko today? I can't help but to compare him and my current instructor. Kung pwede lang, kung maaari lang sana, mabago yung pananaw ko sa current prof namin kasi hindi ko kakayaning bumalik sa dating ako na punong-puno ng pagdududa sa sarili ko. Inaamin kong meron pa rin akong doubts ngayon pero hindi na gaanong kalala dahil kay sir Rosal.

Pero why do I feel like mas lalong lalala pa ito compared sa dati dahil sa prof ko ngayon? Paano na ba? Sana kayanin, kasi natatakot akong pumalya. Hindi ko alam yung gagawin ko kapag pumalya ako. 

No comments: