May All Your Dreams Come True ✨
Kung tatanungin ako, "ano nga bang mga pangarap ko?" Honestly... hindi ko alam yung isasagot ko. Wala akong plano sa buhay, pero isa lang ang gusto kong makamtan, yun ay ang maging isang successful balang araw. I've always seen myself as a person who always achieves things, a consistent honor student since elementary. But now that I am looking back, parang hindi na yun mahalaga lahat, hindi na doon masusukat kung sino ako ngayon, kasi nasa college na ako, which means after this real world na. No grades and GWA will define me anymore, at kapag nangyari 'yon, paano ko ba malalaman yung worth ko as a person?
Hindi ko na gugustuhin pang ilagay yung sarili ko sa standards and expectations sa'kin ng mga tao. I don't want to be seen as a woman na weak, na lagi nalang oo nang oo sa mga request ng iba, yung sinasabi nilang mala-anghel na ugali ko, mali yung nakikita nila. Hindi dapat ako masyadong maging mabait. Anyway... napapalayo na sa mismong content, ang gusto ko lang naman na mangyari ay matupad yung mga gusto ko para sa sarili ko.
Ngayong malapit na ang katapusan ng buwan ng septyembre, ang gusto ko lang sabihin kay nissy ay sana, hindi ka na masyadong maging people pleaser oh please ako na yung naaawa sa'yo. And don't pressure yourself too much, don't put too much expectation on yourself, kahit ano mang ma-achieve mo, be proud of what you do.
I am also so proud of myself kasi literal na isang beses lang akong umiyak ngayong buwan na ito, which is completely an achievement for me. At ang dahilan ng pag-iyak na 'yun ay dahil sa movie na how to make a million before grandma dies. It is so nice to cry about those things and not because of something na emotionally damaging.
I've been through a lot, learned a lot, kitang-kita ko yung mga pagbabago ko dito sa blog ko and that action alone totally proves that once na may target ako na gusto ko talagang mangyari, I have that dedication and perseverance na I can make it happen. So please nissy, whenever you are feeling so tired and you feel like giving up, just always remember that there will be better days ahead of you, huwag masyadong magpapalamon sa kalungkutan! Kayang-kaya mo 'yan lagpasan!
My future and past nissy, salamat sa patuloy na pagtitiwala. Sa present moment na ito, pangako ko sainyo, mas lalo kong pagbubutihan!
No comments:
Post a Comment