Total Pageviews

Nissy's Personal Blogging Purpose

I started this blog on August 5, 2021, as a space where I can freely share my thoughts and emotions. Opening up to others has always been hard for me, but this blog helps me work through my feelings and be real with myself. Feel free to read anything here, but please do so with kindness and without judgment. ^_^

Sunday, September 15, 2024

Become The Person Your Past Self Desperately Needed

 A Lot Goes Wrong Before Everything Turns Right...

        To my past self, if only I could talk to you right now, ang dami-dami kong gustong i-kuwento sa'yo. Para kay nissy of June 2024, gustong-gusto kitang yakapin. Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula. Hindi ko gugustuhing halungkatin yung mga nangyari sa past, so focus nalang ako sa nangyayari ngayong present time. Today is September 15, kalahating buwan na ang nakakaraan. Actually, nung nag ber months talaga, punong-puno ako ng pag-asa. Ber months means malapit na mag-pasko! Ano na nga bang ganap sa buhay ko ngayon? Kasalukuyang umiikot lang sa buhay acads, walang bago, walang exciting na nangyayari. Parang consistent lang yung mga araw ko na wala akong masyadong ginagawa. Ang tanging highlight lang na nangyari sa'kin ngayong month na ito ay sumali ako sa isang spoken word poetry na hindi ako nag-dalawang isip. Naisip ko, chance ko na ito! Papalampasin ko pa ba?

    Ano pa bang pwede kong i-kuwento sa'yo my dear nissy? Sorry ha, bulok kasi talaga ako mag-kuwento hahahahaha. Anyway... yung isip ko ngayon, parang payapa na-- matagal ko na itong pinagdarasal at hinihiling na mangyari sa'kin, tapos unti-unti ko nang nagagawa and I'm really so proud of you my past self for always trying to be better, salamat kasi naging matatag ka. Usapang academics... hindi pa rin nababago yung pagkakaroon ko ng pagdududa sa sarili ko, lagi ko paring iniisip na tama ba itong ginagawa ko? Tama ba na nandito ako? Tama ba yung mga naging desisyon ko? Sobrang hindi ko sigurado, pero minsan, may mga pangyayari na nakakapag-realize sa'kin na nissy, kaya mo naman talaga, magtiwala ka lang sa sarili.

    Lastly, sa usapang puso, I recently shared on my past blog my current struggles about this feeling that I am feeling right now in this moment of my life. If malaman ito ng ibang tao, lalo ng mga kaklase ko, hindi ko alam yung iisipin nila. Hindi ko rin nga maintindihan yung sarili ko, bakit nga ba ganito yung nararamdaman ko sakanya? Sa kabila ng lahat ng mga nangyari, gusto ko pa rin siya? In-denial... sobrang komplikado. Pero mas magiging safe if ako lang yung makakaalam nito, at kung sino mang makabasa nitong blog ko, sana hindi niyo makilala kung sino yung tinutukoy ko. Pero kung aware kayo kung sino, make a promise with me, sa'tin-sa'tin nalang ito, ha?

For the conclusion part, balik tayo sa mismong title nitong blog ko... Become The Person Your Past Self Desperately Needed, honestly, ang pinaka kailangan ng past self ko ay pagmamahal mula sa sarili. Kasi for the past months, matagal kong hinanap yung sarili ko, matagal kong ipinagkait yung pagmamahal na ako pala yung magbibigay, kaya lahat ng love na kailangan ko ngayon, alam kong ako lang yun makakapuna, na dapat hindi ko ibinibigay sa iba. Self love all the way! 

:)

No comments: