Total Pageviews

Nissy's Personal Blogging Purpose

I started this blog on August 5, 2021, as a space where I can freely share my thoughts and emotions. Opening up to others has always been hard for me, but this blog helps me work through my feelings and be real with myself. Feel free to read anything here, but please do so with kindness and without judgment. ^_^

Saturday, September 21, 2024

What If I'm Doing It All Wrong?

What if it's not about right or wrong? But about figuring out how to do it in your own way and on your own timeline? 

Hello there my future nissy, it is currently 5:20 in the afternoon. Today is September 21, SATURDAY. I feel so tired, ang sakit ng buong katawan ko ngayon, pati lalamunan ko, hindi ko na alam yung gagawin ko, masyado nang pagod yung katawan ko physically.

Mentally naman, nagsasabay na ulit lahat, and I can't help myself but to overthink, buti nakatulog ako kagabi kahit ang daming dumadaloy na thoughts sa isip ko. Kahapon, hindi ko na masyado kinaya kaya nagpahinga ako buong araw. 

Nagsisimula nanaman yung mga negatibong thoughts, how I wish I could stop myself from overthinking, it is driving me sooo crazy. 

Wala akong masyadong mai-kuwento, pero sobrang crowded ng utak ko. Kaya pipilitin kong pagtagpi-tagpiin yung mga naiisip ko. Isa na roon ay ang pagiging center ng buhay ko ay academics. A lot of people told me na puro aral lang daw ako nang aral, they always remind me na I should just enjoy, and don't pressure myself too much. But how can I possibly do that if that's the only thing that I can do? Magiging sino ba si nissy if she's not an achiever?

Despite all that, I have this thinking na bakit ko ba binibigyan ng expectations yung sarili when I am supposedly the one who should be proud of myself no matter what I do or what I achieve in my own life?

Ako yung may control nung mga desisyon ko, pero aware ako by the fact na yung mga nangyayari sa buhay ko yung hindi ko kontrolado. I never imagined myself being an it student to begin with, I always dreamt of being a dentistry student. Punong-puno ako ng pangarap nung bata ako. Minsan ko na ring pinangarap na maging dj sa radyo kasi hilig akong makinig ng musika sa lumang radyo ni papa. Mahilig din akong mag-ayos ng buhok kaya pinangarap kong maging hairstylist. Mahilig din akong maglaro ng teacher-teacher-an kaya ginusto ko maging isang elementary teacher. Pero sa lahat ng gusto kong maging, pagiging dentista ang totga course ko.

In relation to the title of my blog, why do I feel like sa pagtagal ko dito sa course ko na ito, palala nang palala yung pagdududa ko. Pero may mga taong nagiging rason para ipagpatuloy ko ito, kasi kung naniniwala sila sa potential ko, dapat din akong maniwala sa sarili ko.

Patuloy na magtiwala at huwag mawalan ng pag-asa, kaya natin ito!

No comments: