Total Pageviews

Nissy's Personal Blogging Purpose

I started this blog on August 5, 2021, as a space where I can freely share my thoughts and emotions. Opening up to others has always been hard for me, but this blog helps me work through my feelings and be real with myself. Feel free to read anything here, but please do so with kindness and without judgment. ^_^

Saturday, August 31, 2024

It's Their First Time Of Living, Too

I am not an affectionate daughter to begin with...

Growing up, nasanay na akong laging nagwo-work yung both parents ko. Ilang kasama sa bahay na din yung dumaan sa buhay ng pamilya namin. Mayroong Ate Noverlyn at Ate Charish pero sabi ni mama, lampas lima daw yung nanilbihan sa bahay namin tapos hindi ko na maalala kasi masyado pa akong bata noon. I remember there was one time, matutulog ako noon pero hindi ako makatulog kasi kaabay ko si mama, mas sanay ako na yung kasama namin sa bahay yung kaabay ko.

The moment I turned 14 years old, dun ko na natutunan na tumayo sa sarili kong mga paa kasi tumigil na si mama sa paghahanap ng mag-aalaga samin ni kuya. I was grade 9 at that time tapos si kuya, Senior High School na. Yung huling nag-alaga sa'min dati ay si Ate Charish, siya yung nag-influence sakin sa k-drama and k-pop world, na hanggang ngayon dala-dala ko pa rin pero si ate, maagang kinuha ni Lord, sa hindi inaasahang pangyayari.

Hmmm, going back to my parents, since the beginning of my blogspot, I told that I was not close to them, hindi ko masyadong nakakausap kasi yung kinalakihan ko, hindi ko sila nakakasama. Though there are still moments na bumabawi sila, pero merong paring parang gap na namamagitan samin.

Hindi ko naman ever kinukwestiyon yung mga ganoong bagay, kasi alam ko na ginawa nila yon para samin ni kuya. Actually, kaya ako napapasulat ngayon, for the appreciation of how they raised me. Hindi sila naging mahigpit ever in my life. Syempre, mayroon pa rin yung hindi nila ako pinapayagan pero dati 'yun.

Naging maluwag sila sa akin in a way na they made me experience na magkaroon ng crush, though it's not something deep but being open to them in terms of my feelings towards other people is something na macoconsider ko na they are supported to me. Sa halos buong buhay ko, dalawang tao palang yung nakikilala nila na "guy" na naging parte ng buhay ko. Yung first and yung second love ko-- na halos magkaparehas ng pangalan.

Naging maluwag din sila sa part na kapag may mga gala, pinapayagan na nila ako. Though dati before I turned 18, there were some curfews but again, gets ko talaga.

In terms of academics, I always appreciate them for not pressuring me sa pagkakaroon ng high grades. Hindi naman sa kanila mahalaga yung honors pero kusa ko nalang ginagawa, pero alam ko naman na kahit meron o wala, they are proud of what I am achieving. 

Mga ganitong bagay, sobrang tinuturing ko na privilege kasi hindi lahat ganito yung nararanasan. Kaya kahit hindi ko man maparamdam throughout words yung pagmamahal ko sakanila, dun ko nalang irerepricocate sa pamamagitan ng pagbawi ng mga sakripisyo nila samin ni kuya, sa simpleng pagtatapos ng kolehiyo. Mama, papa, gusto kong i-spoil kayo ng mga magagandang bagay in the future, sana maging successful ako ! :D


Friday, August 30, 2024

End Of Month, August 2024: Ber Months Are Finally Coming!

 


Today is August 30, FRIDAY. Bukas pa yung katapusan ng August but I want to do my end of the month blog entry today. I was just listening to spotify, shuffle mode, tapos nag-play yung "bibingka" which reminds me of the Christmas season. Ang bilis ng panahon, miss nissy! 

Ang summary ng August 2024 ko ay... kalahating month ay bakasyon and the other half ay class. Nahihirapan ako honestly, nangangapa na naman ako. Mas lumala yung imposter syndrome ko. "Kakayanin ko ba ito?" Paulit-ulit na pagdududa sa sarili ko.

Sa lahat ng subjects, so far... oop and dbms lang yung pinoproblema ko. Yung others ay malakas pa yung loob ko. Iba kasi talaga yung way nung professor namin dun sa oop and dbms, tipong imbis na ganahan ako sa subjects niya, natatakot pa ako kasi ang hirap magkamali sakanya. Sadista kasi 'yun.

Pero anyway, bahala na! Go with the flow! Pero knowing myself, I'd like to go everything according to the plan, but dear nissy, what's the plan ba? ISTJ mbti personality ko pero bakit indecisive akong tao. Saka kapag sisimulan ko yung isang bagay, nahihirapan ako. Gusto kong magka-urge na makapagsimula, pero saan ba at paano? Nat-trigger din ako sa sarili ko kasi nararamdaman kong may comparison na naman na nangyayari, na ayaw ko na talaga gawin because it's too negative. Yung sanity ko, nasisira. 

Sa pagtagal, naiisip ko na I am a person that is full of complex  mix of contradictions, parehas may bad and good sides. Like the yin and yang symbol. Kaya yung perspective sa'kin ng mga tao na mabait ako, sobrang taliwas sa alam kong mga ginagawa ko. I don't want to make it into detail here in my blog since I don't want to tell that other side of me, but I think I have to improve myself more kasi hindi ko kakayanin kung mananatiling mataas yung bad side ko, dapat laging balance. 

Ang dami kong mga pangaral sa sarili ko sa mga past blogs ko, pero bakit hindi ko magawang i-apply yung mga lesson na 'yon sa buhay ko? Bakit ba ako napre-pressure sa takbo ng buhay ko? At our own pace 'di ba?


Tuesday, August 27, 2024

An Ice Cream After A Draining Day Will Make Me Feel Instantly Okay

     Since I had no one to talk to or to rant on due to the fact that I fear that I might get judged for being "mababaw", dito ko nalang sasabihin lahat ng nararamdaman ko sa araw na ito. 

Today is August 27, TUESDAY. Ngayong araw yung official na legit na pasukan na kasi last week ay orientation week so ngayon yung may discussion na talaga. Our first period earlier was Object Oriented Programming, alam ko na talaga na simula palang, off na talaga. I don't like the way that person talks, he is not professional enough to be in this kind of field, sobrang unethical. Am I judging too much? Bakit kasi punong-puno siya ng useless bad words,  and also he admits na "tarantado" siya. Maybe, for some of my classmates, gets nila yung humor niya, but I don't like him in general. Since may respeto naman ako, and ofcourse manners, I still do smile at that person but deep inside, hindi ko talaga gusto ito. Mababago kaya pananaw ko sakanya sa mga susunod na meetings? Hmmm...

Siguro magtitiis nalang ako sa kalahating school year na ito. A kind girlie once told me (non-verbatim), iba na sa real world, may mga taong susubukin talaga yung pasensiya natin, masasama yung ugali, suplado, suplada etc. kaya this college life should be enjoyed. And after a 5 minute of breakdown, since naisumbong ko na naman kay kuya at sa gf niya lahat ng mga negative na naramdaman ko sa "person" na binabanggit ko kanina, alam ko sa sarili kong okay na ako, and eventually after time passes, makakalimutan ko din itong pamamahiya sa'kin na naranasan ko.

There will be moments like this talaga sa college, mas harsh pa nga sa law school, siguro ano lang ito nasa 5% pa ng nararanasan ng ibang estudyante but as my kuya said, my feelings were valid at hindi naman talaga tama yung ginawa sa'kin, but he also included na make it the reason para mas igihan ko raw yung pag-aaral sa java. Oh 'di ba! Motivator talaga si kuya, pero yeah, instead of crying over something like that, I'll make it an inspiration nalang to do better.

After a long tiring day, I stopped by our barangay's dali and bought a strawberry ice cream, haaay my comfort food, tapos since walking distance yung dali hanggang bahay namin, a simple peaceful walking made me calm my thoughts and feelings dep inside. Okay na okay na, hindi ko na iisipin pa. : )


Sunday, August 25, 2024

I Once Was Caged But Now I'm Free

 

 Retrieved on August 26, '23


Retrieved on August 26, '24

    If only I could talk to you right now my dear past self, gusto ko lang sabihin sa'yo na I'm really so proud of you dahil kinaya mo, at ngayong mga panahong ito, alam kong okay na ako.

Oh damn girl, pagang-paga yung mata mo at buong mukha mo dati kakaiyak, naaawa ako sa'yo huhu. So... that video was taken exactly a year ago. August 26, 2023. It was Saturday afternoon, kakagising ko lang kasi galing ako sa pagod because of ROTC class. Around 5:45p.m. gosh I remember it so vividly, sobrang pagod pa talaga yung buong pagkatao ko non, tapos sumabay yung pagsabi na tapusin na, something like that, though I always had a hunch na matatapos din naman talaga, nagpaka-martyr lang ako. Nung time na 'yon, sobra akong nawasak, masyado mang oa pakinggan pero that's what I really felt. Daming tanong na pumasok sa isip ko, pero hindi ko magawang ibuhos lahat kasi hindi ko na kayang ilaban, kasi wala na naman akong dapat pang sabihin, kasi pagod na pagod na talaga ako sa lahat.

Anyway... since one year na yung nakalipas, inaamin kong hindi naging madali yung moving forward phase ko. Maraming taong dumaan sa buhay ko after ni guy, pero I didn't entertain kasi hindi ko gugustuhing maging komplikado, hindi ko gustong ilipat sa iba yung paghilom ng puso ko, pero may isang girl talaga na nagpaconfuse sa takbo ng feelings ko HAHAHAHAH but past is past, I don't want to talk about her in this blog entry. 


Well... I only want na sa'kin lang umikot yung buong story, wala akong babanggitin na kahit sino man, dahil alam kong payapa na ang mga buhay nila. I just want to tell to my dear nissy, both past and future, na looking back, ang dami ko talagang mga pinagdaanan na akala ko hindi ko kakayanin, ang dami kong mga maling desisyon sa buhay, also my actions and words, nakasakit din ng iba. Nag-iba talaga ako at hindi ko nakilala kung sino ako nung mga panahong yun, but now that I am finally healed, panghahawakan ko nalang yung fact na hindi ko man mababago yung nangyari dati, atleast natuto ako sa mga pagkakamali ko at hindi ko na ulit gagawin 'yon in the future.

Ang aking healing era ay umabot ng isang taon, na akala ko nung una, aabot ng dekada. I remember, sinabi ko nun sa college friends ko, hindi ako makakamove on dito kasi iba yung love ko sakanya, but here I am right now, only prioritizing my own self, and focusing on loving myself more. Hmmm... ano pa bang pwede kong sabihin? Kahit hindi man nila mabasa itong mga sinusulat ko, I really do appreciate my girlies, kasi sila yung nandiyan nung mga panahong kailangan ko talaga ng iiyakan. Hindi nila jinudge ever yung mga breakdown moments ko. Si guy friend na di ko na nakakausap, na halos liham na ang advice sa'kin mapagaan lang yung loob ko, haaay sometimes I wonder, what if we're still close right now? anyway... and also to this kind girl, who always tells me na she's proud of me, for how far I've become, during those random days na akala ko sa sarili ko, puro atraso lang dala-dala ko sa mundong ito.

To all the people na gusto kong pasalamatan, I want to appreciate myself, kasi kung hindi ko naman kinaya dati, hindi ako magiging ganito ngayon. Buti nalang pala natapos din lahat, kasi hindi ko kakayaning magkaroon ng uncertaintines sa kalagitnaan ng school year. I don't want distractions, hindi na muli papakamartyr!

Nandito na rin ako sa point ng life ko na tinatawanan ko nalang lahat ng mga kagagahan na pinaggagawa ko dati out of love. Siguro pagtanda ko, yung mga ganitong kuwentong love life yung gusto kong i-kuwento sa mga pamangkin ko... kuya! Bigyan niyo ako ni Ate Camela ng pamangkin in the future ha? Wala kasi sa plano kong mag-anak... HAHAHAHAH :D

Sa ngayon, I am working on myself more and more, at hindi ko na ulit hahayaan yung sarili ko na mapunta ulit sa ganong sitwasyon kasi now that I finally realized, loving someone can be so detrimental, nakakasira ng peace of mind. Hindi ko nakilala kung sino ako dati, yung mga ginawa ko, out of control na, kaya ang focus ko right now, yung sarili kong kapayapaan. Cheers to self love era!!! Gusto kong mas makilala pa yung sarili ko, at yun ang top priority ko ngayon, ano bang purpose ko dito sa mundong ibabaw?

as I end this blog entry, here's a friendly reminder to myself,  Future nissy, 'wag nang magpakatanga sa love love na 'yan ha? Para saan pa yung mga na-experience natin kung 'di ka matututo? hehe love you mwah!

dahil swak na swak yung pinapakinggan kong kanta ngayon ng the ridleys... syempre ilalagay ko rito! <3


You've reached the end
No more tears to cry
No broken hearts to mend

We've reached sweet land
After sailing through the storm
On the ship that you command



Saturday, August 24, 2024

Wiser, Stronger, And Bolder

Sabi ko, I'll limit myself on posting on this blog of mine kasi I promised not to overshare anymore. But today is a very difficult day for me since there is something that keeps on triggering me. I want to free my mind from these thoughts. 


I have this specific story na isang tao lang yung totoong nakakaalam ng buong detalye, and he is a very kind guy friend of mine. Long story short, my vulnerability was being taken advantage of, physically harassed to be exact. I thought it was okay, but now that I keep on remembering those memory, sobrang mali, at hindi ko alam kung bakit wala akong ginawa nung mga oras 'yun. Everytime I see this person, I feel so uneasy and uncomfortable. But I don't want to make it a big deal, I don't want to make it complicated. 


Now that I think of it from time to time, paano kaya kapag dumating yung time na mangyari ulit 'yon, at sa ibang tao pa? I don't want to be weak, gusto kong maipaglaban yung sarili ko. Sana dumating yung time na mapatawad ko na yung sarili ko kasi hindi ko nagawang ipaglaban. Ayaw ko nang maging mahina, hindi ko na ulit hahayaan yung sarili ko na maging mahina.

Wednesday, August 21, 2024

I Won't Deprive Myself Anymore

I think I won't update on this blog for a moment in time, maybe every katapusan ng months, meron, I'm not sure, let's see...

But before I say goodbye temporarily, I just want to make a promise to my future self


     Just like what I have told on yesterday's blog, ngayon yung first day ng face to face namin. Since first year, kami na lagi yung nag-iintayan ng girlies sa vm at ako yung nauna. Halos 30 minutes akong naghintay but I don't mind at all, sadyang early lang ako. Ang ginawa lang buong araw ay nag-kuwentuhan pero kung ako yung tatanungin, ang ginawa ko lang ay makinig sa kuwentuhan nila. Kapag may gusto akong itanong, syempre makikipag-usap ako, pero most of the time kanina, wala akong ginagawa, nag-pipicture lang ng random, kasi dala ko yung digicam ko.

    Anyway, ang nangyari lang talaga ay naghintay ako nang naghintay from 5:40 - 6:10 sa vm para sa girlies ko at 7:00 - 10:00 para sa klase naming late notice na hindi pala kami ime-meet. 10:00 - 10:15 na attendance sa 2nd period at... uwian na!

    Nag-aayaan ang mga kaklase na mag-jollibee daw, tapos ako, sabi ko sa sarili ko, hindi nalang ako sasama kasi mag-iipon ako this school year, pero napilit naman ako and sumama in the end. Kanina sa walter, parang habang kasama ko sila, dun ko naisip na, hindi ko naman kailangang i-deprive yung sarili ko sa mga bagay na ikakasaya ko. Mahabang bakasyon ang nagdaan, matagal-tagal ko din silang hindi nakita, kaya kahit simpleng pag-kain lang sa labas, sige go na!

    To my future self, here's our promise to ourselves. Huwag masyadong magpapakasasa sa pag-aaral ha? Huwag sanang umikot yung mundo mo sa aral lang. Maraming tao na ang nagsabi sa'kin na mag-enjoy naman daw ako, huwag laging seryoso. Kahit minsan man lang, bigyan ko ng credits at reward yung sarili ko, sa mga achievements ko, no matter how small or big it is. In terms of eating naman, hindi ko na pagkakaitan yung sarili kong kumain, hindi ko na papahirapan pa yung sarili ko.

    Honestly, kaya ko ginawa itong blog na ito... mainly because I want to appreciate myself more and more. Hindi ko gugustuhing tumagal pa nang matagal na panahon yung pagkamuhi ko sa sarili ko, in everything I do. I always feel like I am a person na trying hard, para lang maramdaman ko sa sarili ko na magaling ako. Lagi ko ring pine-pressure yung sarili ko, na sa tuwing may achievements, hindi ako matutuwa, sasabihin ko lang talaga "dapat ganyan ka lagi." Sa tuwing kakain ako, lagi kong binabawasan yung kanin kasi nandoon lagi yung takot na tataba ulit ako, kaya sa bandang huli, hindi ko na masyadong nae-enjoy yung meal time ko. 

    My dear past self, sobrang dami kong pagkukulang sa'yo, sana dumating yung time na, maging okay na tayo. Sana mapatawad na natin yung sarili natin. May pinanghuhugutan talaga lahat kaya ako masyadong naging harsh sa sarili ko, pero isasarili ko nalang 'yun. Anyway, as I end this blog entry, I just want to tell to you my nissy, na you are loved by yourself, yourself alone, is already enough. Bonus point na yung may family and friends kang nakapaligid sa'yo... but sometimes I wonder, nasho-show ko ba yung care and love ko para sa kanila? Hmmm...






Tuesday, August 20, 2024

Tomorrow Is The Day!

 


Hello my dear nissy! So... that photo was taken seconds ago and then bigla kong naisipan mag-blog habang nanonood ng Episode 6 ng Umbrella Academy. Wala talagang masyadong content yung blog na ito for today basta gusto ko lang sabihin na bukas na yun first day ng face to face class. May iilan sa mga kaklase ko ang lumipat ng ibang section, meron din namang dumagdag. 

Medyo natatatakot ako sa Calculus namin, kasi yun yung pinaka-hate subejct ko nung SHS mainly because wala akong maintindihan, paano kaya ngayon kung yung prof namin, masyadong unreachable, tipong hindi katulad ni sir burgos na mabait. Marami daw binagsak, and I am overthinking a lot, ayaw kong bumaba yung grades ko.

Wala na talaga akong masabi huhu, hindi pa rin ayos ang gamit ko. Future Nissy, ano kayang mangyayari? Balitaan mo nalang ako ha! : )

Oh! Isingit ko rin lang na kanina palang umaga, 10:30 a.m. na ako nagising tapos late notice na may online class pala sa first period, oh edi hindi ako bigla naka-attend kaagad, eh oop pa naman 'yun. Base naman sa backread ko sa gc namin, mabait daw yung prof, palagi nga lang busy. Tapos yung 2nd period naman eh yung sinasabi ko na strict na prof, na isang tingin palang sakanya, takot na agad ako.

Pero isang malaking achievement para sa'kin kung mag-excel ako sa subject niya, kung mag-o-overthink man ako, dun nalang sa positive side 'di ba? I don't want na simula palang mapanghihinaan na ako ng loob, malay natin nissy diba, maganda yung way of teaching niya? Sana : D

Monday, August 19, 2024

1 Day Extended Vacation


Hello my dear Nissy, today is August 19, dapat first day of class ngayon kaso naudlot because of the Volcanic Smog caused by the bulkang taal. Noong una, pinagsusuot lang kami ng facemask but eventually, the government of malvar suspended the face to face class for today.

It is currently 6:32 p .m. right now and I am watching Umbrella Academy, random series lang na matagal ko nang alam, like nung 2019 pa but hindi ako nagkaroon ng interest panoorin until today. 

Walang masyadong relevant na nangyari sa araw ko na ito. Nagkaroon lang kami ng maikling orientation sa PathFit class namin kaninang 2 p.m. Actually, nanonood ako ng Legally Blonde tapos bigla nalang nag-notif sa phone ko na may online class pala. Hmmm, ano pa bang nangyari? Wala na talaga-- ganon halos yung ganap ko sa buong bakasyon na ito.

Oh! Kanina pala nung nagpahinga ako at gustong magmuni-muni, I listened to dear MOR entitled "Paniniwala." I shared on this blog na I like to listen to podcast whenever I want to ease my mind. Anyway, the specific podcast is all about a girl na kinuha agad sakanya ni Lord yung mom niya and yung lola niya tapos may tumulong sa kanya na guy, and they fell in love with each other but yung guy, plinano niyang mag-pari even before he met the girl and mas pinanindigan niya yung matagal na niyang decision na magpapari nga siya.

Eventually, years after, the girl married another guy and they had a child tapos she felt na something was missing so binisita nila yung guy na naging pari na and then nagtalk sila about their past.

The main point kung bakit ko ito kinukuwento is all because of my last blog entitled "Lord, Bakit?" Parang somehow connected yung napakinggan kong kuwento sa last blog ko. Though I'm not saying na same kami nung story ni girl, it's just that I felt na it's destined for me na mapakinggan yon kasi I just realized na may nangyayari talaga sa'tin during the present moment na talagang magte-test sa'tin ng faith natin kay Lord but dadating ndin yung time na marerealize nalang na "it was bound to happen for you to become wiser,  stronger, and better." Dahil lagi ko ngang paalala sa sarili ko, everything has its own reason, kaya hindi ako mapanghihinaan ng loob! : )

Okay 7:30 p.m. update, wala ulit pasok bukas!  Yeheyyy >.<

And For The First Time, I'm Not Crying Over The Song I Cried About Before


If I could ask my old self, "what specific song does he reminds you of?" I would say About You in a heartbeat.

It all started because of the trend Spiral Betty. Hanggang sa eventually, without me knowing, yun pala yung magiging dahilan kung paano ko nalaman na "shocks, gusto kita, gustong-gusto" 

During 2022-2023, it was the time na I met him, tapos around 18 years old ako non, at first, inaamin kong masaya. I ever promised myself na happy crush that motivates me everyday lang ang mangyayari, but things didn't go as I planned, I want to know more something about him.

I want to be his friend, I want to get close to him, but as an introvert, I wasn't able to do that at all, torpe-girl version.

I admit that I liked him first, and it was just a 10% crush because of how soft spoken he is during our online class, he's just so chill, and he has looks.

Anyway, it was August 26 last year, as I vividly remember, I don't want to force myself to him

"hanapin ang sarili", "huwag maging dependent sa'kin", "Unahin mo yung sarili mo", "lagi akong proud sa'yo" 

Since today is August 19, I would like to appreciate myself, for not crying anymore to the songs that I used to cry before! Ito na yung pinakahihintay natin nissy, okay na tayo! 






An Epic First Day of 2nd Year

It is currently 1:08a.m. Today is supposed to be our first day of school pero kanina, in-announce na need magsuot ng facemask because of the Volcanic smog tapos biglang nagkaroon ng mga announcement na no class sa Tanauan at sumunod yung sa Sto. Tomas. 

Tapos ayun na nga, after waiting and waiting, nag-post na no face to face daw. Yay!!!


Actually minamanifest ko talaga ito tapos kanina literal na kaka-search ko palang sa page ng mdrrmo at kakapost lang nila like seconds ago palang so I feel like it was a fate na makita ko ito sa exact na oras na 'yun hehe


Sunday, August 18, 2024

Lord, Bakit?



It is currently 2:30a.m. and as usual, gising yung utak ko kapag oras ng madaling araw. I am listening to the ridleys, para yung kung ano mang negative thought na pumasok sa isip ko, harangin ng mga kalmadong kanta nila. 

The content for today's blog is all about my "whys."  Bakit nga ba? Lagi kong pinanghahawakan yung salitang "May plano si Lord na nakalaan" pero ngayong nasa proseso ako, hindi ko masyadong maintindihan. Ano po bang plano niyo Lord? Bakit ko ito nararanasan? Bakit ganito yung mga binibigay sa'kin na pagsubok? Bakit parang ang tagal kong makabangon? Bakit pakiramdam ko lagi akong pinaparusahan? Bakit laging hindi nakaayon sa mga plano ko yung plano niyo?

Pero sa kabila ng lahat ng bakit, lagi kong iisipin na kayo yung nakakaalam ng mas makakabuti sa'kin, kaya kahit maraming katanungan dito sa isip at puso ko, mananatili yung paniniwala ko na balang araw, lahat ng pangamba at pagkabahala, mapapalitan ng linaw at ng kasagutan.

Lord, sana balang araw, malaman ko yung rason, kasi ngayong mga panahong ito, hindi ko talaga maintindihan.

Bakit sila "ganito ganyan" , bakit ako laging dehado? Bakit ba lagi kong kinukumpara yung sarili ko? Hindi ko gusto na lagi akong ganito.

Sa lahat ng pinagdadaanan ko, hindi ko maiwasang isipin na masyado ba akong nagkulang?, marami ba akong nagawang mali para ganito yung iganti sa'kin ng mundo? O baka nagkataon lang talaga lahat at sadyang hindi ko lang talaga kontrolado yung mga nangyayari sa paligid ko?



Saturday, August 17, 2024

It's Been A Year!

How can you expect to bloom when your eyes never rained? 

I'm always vocal about my experiences and my true feelings whenever I wrote on this blog of mine.

It was August 2023, the month na kung saan punong-puno ng adjustment, at sumabay pa yung heartbreak stuff ko which is sobra talaga akong nahirapan nung time na 'yon kasi I feel like na-disappoint ko yung sarili ko, kumbaga alam ko naman ever since yung magiging ending pero tinuloy ko pa rin. A canon event that I can't really control.

Akala ko talaga dati, end of the world na, halos araw-araw akong umiiyak, naaawa na ako sa sarili ko because of the neverending cycle na gusto ko nang makawala sa sakit na naramdaman ko. It's been so long since I had a heartbreak and the fact that I made a promise to my past self na I will protect my heart, hindi ko nagawa kasi I was so inlove, and I wasn't able to control myself anymore.

But despite all that, sa dinami-daming atras abante na ginawa ko, sa mga maling desisyon na pinili ko, ngayon nasasabi ko na talaga sa sarili ko na okay na ako at hindi ko na pinanghahawakan yung mga nangyari on the past.

To my dear future self, iiyak mo lang nang iiyak lahat kasi darating talaga yung time na mauubos na lahat ng luha mo and eventually, marerealize mo lang din na hindi na pala ganon kabigat, hindi na pala masakit. 

And therefore, now I know na kaya ko naman pala talaga, oo nung una masyado pa akong attached, pero after a year, I can finally say that I've already moved on. 

Anyway, since today is August 17, 2 days nalang pasukan na talaga. Darating na naman yung time na ma-pre-pressure ako sa academics stuff kahit na lagi kong paalala sa sarili ko na huwag akong masyadong mag-worry. May mga times na I might cry and doubt myself, I can foresee that, but I know that I have enough dedication and perseverance para ma-survive ito lahat. 

Goodluck my future nissy! Paulit-ulit na pagdarasal at pag-hope para sa'yo. : )

Friday, August 16, 2024

My Life During September To October 2022


09/13/22

Late lang itong entry ko pero kahapon, prayer service namin and then medyo masama yung bungad ng umaga ko. Tapos nung hapon, bumili kami ng sapatos ni mama. Hindi ko alam kung paano yung pagninilay ko pero ang natutunan ko lang kahapon, huwag masyado dibdibin yung mga nangyayari sa paligid, kasi kung ikukumpara sa iba pang nangyayari, mababaw lang yung nangyari kahapon.

09/14/22

Hmmm, ginagawa ko lahat ng mga dapat na gawin pero umaabot sa point na worth it pa ba itong ginagawa ko? Baka ma-disappoint lang ako sa sarili ko. Nangangamba ako sa kakalabasan ng future ko. Hindi ko alam yung kakalabasan ng entry ko sa journal kong ito, pero sana pag natapos na ako sa pagninilay ko, may matutunan ako . Ang dami palang quizzes bukas tapos nagtitiktok lang ako, gosh I studied last weekend pero enough na ba yung inaral ko? Baka habang nagsasagot ako bukas mahirapan ako, o baka di ko magustuhan yung score ko. Mamaya mag-aaral ulit ako, infolit, empotek at filitri ang quizzes bukas. Triny ko rin gumawa kanina ng activity sa introphil, pero nakatulog lang ako at nagising nang walang kuryente. Tapos may bagong pt sa theo, gagawa raw ng kanta. Tapos sa empotek sinabi yung group, kagroup ko si van at ryle. Ang daming pinapagawa. Pero ang pagninilay ko ngayong araw na ito, it's okay to take a rest, magpahinga ka hangga't gusto mo, pero huwag mong papabayaan yung mga responsibilidad mo.

09/15/22

hmmm, yung outputs ko today is not that bad, pero hindi rin maganda. Feeling ko I can do better, medyo disappointed, pero lagi kong nireremind sa sarili ko na no more pressure on myself this school year. Hindi ko na gustong pagdaanan yung mga nangyari dati, na kung saan lagi kong sinasabi na dapat laging ganito yung maging resulta ng mga gagawin ko, kasi at the end of the day, ako lang rin naman yung napapagod. So ayun, even if di ko ma-meet yung expectations ko sa sarili ko, hindi ko iisipin na failure ako ayshux dito na kaya ako magjournal, wala namang magbabasa nito. or kung meron man, 17 na tao lang. Ayun nakakapagod ang araw na ito, buti friday na bukas. Ang comforting ng songs ni stephen speaks. Ano pa ba sasabihin ko, ilang buwan din akong di nakapag-update gusto kong ilabas lahat ng thoughts ko. Kaninang fili, danica yung tawag sakin kanina, danica na po ako from now on charot. Ano pa ba pwede q sabihin, gusto ko dumaldal here, wala akong makausap uhghwiofdsdheeheds ayun wowie isang bagsakan kong ittweet ito. Ang ingay ko nanaman sa twt araw-araw. hihi

09/16/22

hmmm, yung entry ko sa araw na ito is masyadong early pa. Kaninang umaga, dapat gising na ako ng 5 but tinulugan ko nalang, edi hindi ako nakapag-aral ulit. Nagkaron ng dalawang quiz today, sakto lang yung score, okay na rin. Ang nilalaman ng twt ko today ay ang pagkakaroon ko ng worries sa future ko. Hindi ko alam kung anong path yung patutunguhan ko, dati akala ko mahaba pa yung panahon na paglalalaanan ko para pag-isipan yung kukunin kong kurso sa kolehiyo. Pero ngayong papalapit na, isang taon nalang, hindi ko pa rin alam kung san ba talaga ako naka-destino. Saan nga ba talaga? Paano ba malalaman kung para sa'yo talaga? I always want to pursue dentistry, pero kailangan talaga ng pera, andami kong what if sa buhay, hahayaan ko nalang ba itong maging totga? Hindi ko nakikita yung sarili ko as a medical practioner, pero yun talaga yung gusto ko. Ang gulo diba? Ang labo-labo ng gusto ko. Hmmm, sana in the future, siguro magkaroon ako ng parang sense (?) o sana malaman ko kung saan nga ba talaga. Pano ko ba ito maicoconnect sa pagninilay, HAHAHAAH basta I know na He has a plan for me kaya I should worry less. Bakit ba ang indecisive ko sa mga bagay-bagay fhgdshiushrhf grabe ang ingay ko dito goodness gracious. Shucks may reporting pala na magaganap, my weakness.

09/17/22

Kaninang madaling araw, saktong ipapasa ko na dapat yung infographic ko pero mali pala yung size, so ginawa ko ulit and natapos ko naman. Ala-una na ako nakatulog, nag-alarm ng 7:30 so that I wake up early and nagising naman ako sa alarm. Pero pagkalinis at pagkasaing ko, nakatulog nanaman ulit ako. Tapos natulog ulit ako nung hapon. Medyo understandable naman kasi ginawa ko lahat ng dapat na tapusin kahapon, and para makabawi sa sarili ko, nagpahinga ako. At ang aking learning for today ay it's fine if I take a rest. Kasi kung gagawa lang ako nang gagawa, natapos ko nga yung mga ipapasa pero mararamdaman ko na dehado ako. Kaya whenever I feel like I'm so sooo tired, hindi ko na pipilitin pa yung sarili ko. Kanina naman, nag-try ako na simulan yung mga lesson na iqu-iquiz sa thursday, ang weird lang sa feeling na, kahit na nas-stress ako kakaaral, mas pinipili ko nalang na ituloy kasi it's my way para hindi mag-overthink. Ang daming bagay na gumugulo sa isipan ko, and kailangan kong matulog o maging busy para lang mawala lahat ng yun. Ayun lang entry q for this day bye bye

09/18/22

hmmm, kakauwi ko lang galing simbahan. Ang entry ko ngayon ay about sa pagiging volunteer ko. Nung grade 9, parang halos lahat ng kaklase ko katekista, gusto ko talagang maging isa sa kanila pero hindi ako pinayagan. Pero ngayon, ang saya ng puso ko kasi nakakapag-serve na ako kay Lord at sa simbahan. Hindi ako masyadong religious, hindi kumpleto yung pagsisimba ko kada linggo, pero ngayong nangyayari yung ganitong nag vovolunteer ako, sana makasama ako palagi as long as kaya ko. Parang gusto ko na rin bumawi, kasi bilang lang yung mga araw ng simba ko ngayong taon. Nagkakataon lang na kapag rest day ni mama. Laging sa radyo lang ako nakakakinig ng misa, kasi laging nasa veritas yung station ng radyo tuwing binubuksan ni mama. Kada umaga, tanghali, hapon, madaling araw, tuwing naaabutan ko, lagi kong napapakinggan. Ayun, ang natutuhan ko for this day is, hindi pa huli ang lahat para pagsilbihan siya, kaya dapat, kahit masakit na yung sakong ko, kahit na may sugat na ito, kahit na mainit, kahit na haggard, kahit na naka-longsleeves, at kahit na iisa lang uniform ko at f2f bukas, titiisin ko. I'm so so thankful for the peeps na nakasama ko kanina, lahat sila kakilala ko. Nakausap ko naman halos lahat, pero yung iba, nginitian ko naman sa mata so goods na rin. Feeling ko nagmukha akong fc dun sa isa HASHAHHA omg pero apakabait nilang lahat so so approachable kiyowo

09/19/22

hmmm, nung umaga habang naglalakad ako papuntang school, umulan sa may gilid and agad akong napasilong, pero 1 second lang yung ulan and ang weird weird nung pangyayaring yon, nag-glitch ba yung ulap? Tapos nakita ko si classmate na kanina pa palang nasa likod ko pero mabilis siyang naglakad. Nung papalapit na ako sa room, sobrang hirap na hirap na ako sa sapatos ko kasi natatanggal tapos nakita ko si 2 classmates and they said hi which made my morning huhu so so nice of them. Prayer service, puro may inaayos sa set-up and malayo sa upuan si mayor so naisip ko nalang na what if palit kami muna pero dinala niya yung bag niya then na-realize ko "ay hala dun na ba ako sa pwesto niya the whole day?" , nagbye bye ako kay seatmate and then nagpunta na sa pang-sampung upuan. Nag-hi si classmate na nasa unahan ko and nag-hi rin ako, so pretty ng eyes. Nung empotek pumunta kami ng Computer Lab and then nag-usap-usap kaming magkakagrupo about sa collab. Tapos etong si classmate may mga pinapakita na pictures tapos eto naman kami tawang-tawa kanina HAHAHAHAHAHAH uutasen talaga jusq. Recess, inaya ako ni friend na pumunta sa coop but hindi ako sumama kasi ang init-init sa labas, gusto ko tumambay sa room. Nakita ko nalang si sir physics na pumasok sa room, tapos after ilang minutes, kaming mga natira sa room, nagtipon-tipon na sa unahan, gulong-gulo sa mga sinasabi at sinusulat ni sir sa board. Introphil, nanood lang kami ng video, and dito ko na nasimulang makipachikahan kay classmate na nasa likod, nagngitian sa mata, hanggang sa naging tawanan na. Lunch, tatlo nalang kaming natira sa room, tapos pumasok uli si sir physics, dala-dala yung sasagutan, hanggang sa dumami na kaming mga magkakaklase tapos nagsimula na sa simpleng tanungan tungkol sa gagawin, hanggang sa nagkukumpulan na sa harapan ng board. Kung sino-sinong maalam nung gagawin, siya yung magtuturo sa lahat. Umabot din sa point na pinanood sa youtube kung paano gagawin, kasi maraming wala kanina nung dinidiscuss. Buong physics period, puro tanungan at compare-an ng sagot, na kahit umabot sa point na stress na stress na lahat, dito makikita yung totoong team work hashsfhdsfhdfsudu hala ano bang pwedeng learning ko today. Hmmm, akala ko I'm socially awkward, depende lang pala sa environment. Ang learning ko today ay kapag yung mga taong nakaksalamuha mo ay tama, pipiliin mo na magkaroon ng masasayang alaala kasama sila kaysa magmukmok sa gilid-gilid at magpakaisa. Marami pa akong bagay na gustong ikuwento dito, pero masyado na atang marami ito. May dapat pa akong tapusin, kaya ayun byebye na. Buti pala napalipat ako!

09/20/22

Hindi ako naglakad kaninang umaga kasi diniretso ako ni kuya driver, nung naglalakad ako sa may hallway, nakita ko si dating classmate. Nag-hi ako and nagkaroon kami ng small talk about something related sa strand na kinuha niya. Nung nakarating na ako sa room, nag-uusap sila About pe. ang boring naman ng kuwento ko.

Nung time ng rese, nanlalamig na ako, sobrang lamig sa room pero pawis na pawis yung palad ko. Tapos andaming tanong ni miss, gisadong-gisado. Dalawang sentence lang naman yung sasabihin ko kaso kinakabahan parin ako Pero hindi umabot yung group namin kasi recess na. Hmm, nung recess, kami-kami nalang yung tao na natira, so I'm so so bored kaya nilagay ko nalang phone ko sa may bintana and nag video ng random. Nung littera, sobrang lakas ng ulan, iniisip ko na nasa kama ako, nakakumot Nakahiga, kaya gustong gusto ko na kaninang humilata. Nung lunch, nag-usap lang about pe and then nung pe, hmmm nagsayaw kami hshshshsh okay lang kahit 5 claps atleast we survived. Ang cutie nung sa group 1, para silang mga batang naglalaro.

Uwian, naulan. Pero naglakad pa rin ako. Siomai talaga yung nag save sakin kasi medyo masama yung naging takbo ng araw ko. Ano bang pwedeng lesson na pwedeng iconnect dun sa journal, hmmmm wala akong maisip. Siguro just like siomai, we seek for His presence tuwing napapagod tayo.

Just like siomai na comfort food ko, He is my comfort tuwing nanghihina ako kasi si Lord yung pahinga ko.

Jfhgdjfdskgdgjdhhd omg bat ko kinumpara si Lord sa siomai 

09/21/22

Ang lesson today ay wag pangungunahan yung perfect timing na nakalaan, kasi we all have different journey in life, may mga bagay na hindi dumarating sa una tapos merong times na mamimiss yung opportunity sa buhay pero we should always remember na He already has a plan for us,
At malalaman lang natin yun sa tamang panahon

09/22/22

May apat na quiz na nangyari today. Kinaya, kahit na dun sa physics, medyo nakakastress. May another quiz bukas, dalawa pa. Pero buti nalang, Friday na. Actually hindi ko talaga alam kung sapat yung mga inaaral ko, minsan may konting disappointment pero mas pinipili ko nalang na tumingin on the positive side. Naalala ko yung line na let's always look at the brighter side of everything ni classmate. Lagi ko yung Iniisip kapag may mga times na hindi ko na kaya, kasi nakakamotivate naman talaga. Hmmm kanina, may nangyari tapos naisip ko ah siguro napindot lang ng mga tatlo na beses. Siguro nalilito lang ako kasi magkamukha sila, magkavibes, at magkaboses. Pero hindi ko na iniisip Masyado, di naman mahalaga. Ang hangad ko lang ngayong taon, magkaron ng madaming memories kasama sila, kasi last year ko na ito.

Ang learning ko today is hmmmm, if you work hard on something that you are aiming for, makukuha at makukuha mo yun. As long as may tiwala ka Na magagawa mo yung mga bagay na yon. Ikanga, "do your best, and God will do the rest"

Ano pa ba, medyo nakakapagod yung araw na ito, pero dahil sa nangyari kanina, na kahit alam kong unintentional, it made my day.

kiyowo simple interactions.

09/23/22

Ano bang pwedeng ikuwento, hmmm...

Nag-quiz and okay lang yung result tapos may gawain na iniwan dun sa ibang subjects. Medyo frustrated ngayon kasi hindi ko ma-gets. Actually hindi ko alam kung pinapasugatan lang ito tapos hindi naman ipapasa, pero sinasagutan ko para matapos na. Walang anything interesting today, birthday nung cousin ko so may dala na foods. I love anything na strawberry so berry knots saved me from this day. Na-sstress na naman aq jusq, whenever I'm so stressed, ikakain ko nalang pero in moderation. Tapos kanina pala nagpresent yung group namin sa rese, uutasen kanina sa mga pinagchachat nila HAHAHAHAHAHAH di lang ako pala-reply so tamang react-react nalang sa gilid-gilid. Gisahan kanina grabe di na ma-process nung utak ko yung nangyayari. Nung last subject, medyo lutang na utak q hinihiling na sana hindi magtawag kasi uwing-uwi na ako. Ang lesson today ayyyy

May mga pangyayari sa life natin na unexpected, kaya we should always be prepared. Hmmm, kanina sabi ni miss theo, yung mga problema sa buhay, hindi talaga si Lord yung nagbibigay, medyo malabo na sa memory ko yung kasunod non, pero kapag may darating na problems, He will always be with us, to guide us, and to help us na ma-conquer yung problem na yun. 

Pero shux why am I so stressed, sagutan ko nalang lahat ng alam ko byebye 

09/24/22

Hmmm, siguro sobrang pagod akong ngayong week na ito. Natulog ako buong araw, tapos gising na gising ako ngayon. Wala akong makukuwento ngayon, walang masyadong ganap. Nagsasagot lang ako ng physics, dalawa nalang yung sasagutan ko. Hoping na matapos ko ito ngayong gabi Medyo kaya naman pero di ko mamadaliin. Ang lesson today ay we should not overwork ourselves. Kapag pagod ka, magpahinga ka. Ang ikli lang nung ngayon, medyo wala akong gana, nakakapagod naman kasi ito pero matatapos ko naman na. :3

shux so ayun bat nila napipindot live q😭🤣

09/25/22


Hmmm, wala akong makukuwento, masyadong lipad yung isip ko kanina, gusto ko silang kausapin, pero hanggang ngiti lang sa mata. Ang dami kong iniisip kanina sa simbahan, "bakit ganito yung nangyayari?", hanggang sa pumayapa nalang yung utak ko nung homily na. Hindi maganda yung takbo ng araw ko, pero masaya parin ako na ginawa ko yun kahit na mistulang basang sisiw ako nung umuwi kanina. Ang lesson today ay dapat, kahit na mahirap, kakayanin. Umulan, bumagyo ayos lang. Ayun, naulanan ako, magkakasakit ata ako. :( Ang lakas ng ulan ngayon, kanina sobrang pagod ako kaya natulog ako ng maaga, pero akala ata ng katawan ko nap lang yon kaya nagising ako ngayon tapos wala yung antok ko, ang weird lang na natulog nga ako ng maaga, pero mapupuyat ulit ako??? 😭

Stay safe🙏🏻


09/26/22

hiii so nag-alarm ako ng 7:30 pero around 1 am na ako natulog. As usual, nag-live ako nung gabi hanggang madaling araw and ang cute lang nung interactions even if those comments were not directly meant for me. Antok pa ako so natulog, hanggang sa wala na akong ginawa buong mag-hapon kundi matulog. Thankful na papalabas na ng PAR yung bagyo, praying for those people na nasalanta. Hmmm, may usad yung precision ko, pero hindi parin tapos. Ang plano ko tonight ay i-check nalang yung essay ko and ituloy yung bionote. Ang lesson today ay hmmm, shocks wala akong maisip na lesson, siguro uhm 

there will always be a time in our life na mararamdaman natin na sobrang drain na drain na tayo sa mga nangyayari, and it is okay to take a rest. Sana sa mga susunod na araw, mawala na itong pangamba ko.

:)

09/27/22

hmmm, sobrang akong pagod today, itinulog ko lang buong hapon kanina. There's part inside of me na I wish kami rin, sana ganon din pero may circle within a circle kaya siguro hindi yun naganap. So so thankful for v, r ,j for making my f2f enjoyable. Sana same ulit and for those people na naka-talk ko, even if konting interaction lang, masaya ako na nakasama ko sila even for just a short period of time. Tumulog ako kanina habang nagsusulat ng notes, hindi kasi nagsulat kanina nung discussion ng notes kaya ngayon magdudusa HAHAHAAHAHAAH tapos yung physics ko, hindi parin tapos sa precision and accuracy, pero next next week pa ipapasa so I have plenty of time. Hindi naman ako abusado feeling ko matatapos ko ito sa weekends. Tapos may magaganap na quiz sa bio sa thursday so I should write my notes tonight and study narin. Hmmm, tapos may activity na ipapasa, sana matapos namin yung triad without cramming kasi I don't like cramming hdsjsdjhfdhdhssd

ang natutuhan ko this day, isipin natin yung mga masasayang bagay na nangyari satin, just don't ever think of anything negative tapos yung crushie ko, shala di ko ata pwede maging crushie pero pano ba yan wala oyat magagawa omg bakit ko sinasama si puno sa entry ko today HAHAAHAHAHAHAH HUY

okay I should write my notes na, buti nalang nag-nap ako kanina kasi gising na gising brain cells ko right now.

09/28/22

Maaga akong nagising today, hmmm kanina may prayer service and birthday celebrations. Ang cutie nung effort nila, tapos tawa lang ako nang tawa. Tapos may na-realize ako kanina "ay shocks di lang pala ako, may iba pa". May LES din, ayaw kong mag reci pero natawag parin ako unfortunately. Gutom na gutom ako nung time na yon so hindi ko alam kung may sense ba pinagsasasabi ko pero I hope nakarating yung message ko dun sa taong binanggit ko kanina. Anyway, what I'm doing rn is just tambay and hinihintay na mag 9:30, ano kayang ganap sa club? hiii so ang ganap kanina sa leah club is in-introduce yung activities, medyo sumaya ako kasi possible na magka-christmas party as a section, hoping na mangyari yon. Tapos nagpakilala, sinabi kung anong course sa college, and tinanong kung bakit leah club yung pinili Sasabihin ko sana, ipu-pursue ko dentistry but I'm not being honest with myself so I said I will pursue Information Technology. Kasi minsan, we have to choose practicality over passion. I know there are a lot of opportunities and scholarships out there, but I also love IT, so dun nalang. Oo, may konting regret na hindi infotech yung naging org ko, pero mas nangingibabaw parin na gusto ko mag leah kasi nandun yung mga kaibigan ko. Last year ko na ito sa LaCo, so as much as possible, gagawa ako ng memories na mababalikan ko in the future. I'm still thinking about dun sa shinare ko kanina nung les, siguro yung misunderstanding na yon yung naging dahilan ng growth ko as a person, and as a friend. Hindi ko na gustong maulit yon, at sana, mabalik yung bond between samin, kahit na hindi ko alam kung paano. Ang lesson today ay we should move on, and let go of our mistakes. Kasi kung ikukulong natin yung sarili natin sa mga ginawa natin na matagal nang lumipas, we will not be able to move forward and live our lives to the fullest

09/29/22

Hiii so yung alarm ko sobrang dami na umabot na sa point na sawang-sawa na ako sa alarm ko na GoSe intro HAAHHAHAAHAH jaljinaesseoyo modu bogosipeoseo urido nanananana jeongmal. Hmmm, wala namang anything na ganap today ang gusto ko lang ikuwento ay ang patung-patong na problema na dulot sa set a, charz keribelz naman :3

sana ma-survive namin yung lunes next week. Tapos this sunday, lampas 18 na yung sa 3pm which triggers my social anxiety kakayanin ko ba feeling ko mao-op ako sakanila kasi they have their circle of friends pero it's fine I can handle myself. Waiting nalang mag ala-una kasi physics na, ano kayang ganap mamaya? discussion ba? 

Dami ko pa need na gawin, maglalaba pa ako, magsesearch about rese, babasahin littera, magsusulat notes, and kailangan ko pa ibawi yung tulog ko, bahala na hindi ko na ito natapos, wala akong lesson na natutuhan today. Gusto ko nang matapos yung mga gawain, tapos panonood ng movies yung magiging reward ko sa sarili ko. Hmmm, soon promise.

09/30/22

Last day ng october kahapon, actually sa sobrang busy, nakalimutan kong mag entry, tapos nakalimutan ko rin yung mga ganap kaya iisipin ko on the spot yung mga happenings. Nagkaroon ng groupings, sunod-sunod na gawain and then nung hapon from 1pm to 6pm, tulog ako eksaktong paggising ko, nagpilian na ng parte sa bio, so ako ulit yung naubusan. Tapos napasabak sa physics, medyo lutang pa ako non kaya hindi ko alam pano siya sasagutin. Naglaba ako ng clothes pagkagising, tapos isinabay ko yung paggawa ng physics. Tanging 2.2 at 1.3 nalang talaga, hindi ko pa nagagawa yung essays and yung 2.2 na 7 and 8, hindi ko masagutan. Gusto kong magpatulong, kaso kanino? Hihintayin ko nalang sila wonders para sila yung tatanungin ko. Hmmm kaya ako napa-journal ngayong hapon na ito, sabi ipapasa daw ito, hala puro mema lang pinaglalalagay ko dito, sana yng quote lang ipasa huhu. Tapos andaming gawain, hindi ko alam pano ko tatapusin pero ang motto ko this school year "tatapusin ang mga gawain at patuloy na kakayanin"

oh diba HAHHAAHAHAHA mema ulit. Ang lesson ko kahapon ay dapat laging isipin na kaya mong gawin yung mga bagay na imposible, magtiwala lang sa sarili, kasi lahat ng bagay mangyayari, in His perfect timing. Promise, tatapusin ko na yung mga gawain ngayong araw, try ko. 

:D

10/01/22

Ang lesson ko for this day is kahit na maraming task you have to remind yourself na it is okay to take a break because ikaw lang din yung mahihirapan at susuko kapag pagod na pagod ka na. 

10/02/22

Nakalimutan ko nanaman mag-entry kahapon. Hmmm basta ang ginawa ko lang ay nagawa ng tasks. Hindi ko na maalala. Tapos kaninang umaga 9 na ako nagising. Alss tres ba naman natulog😭 tapos tinanggal na yung malaking cabinet sa kuwarto ko. Wala nang lalagyan yung journals ko Actually gusto ko talagang nagke-keep ng memories through photos, videos, and writing. May journal ako from Grade 6-Grade 8. Tapos year 2018 up until now, dito ko nalang sinusulat sa twitter yung thoughts ko. Matagal din akong nawala nung mid 2020's and kakabalik ko lang din last Month para sa taong ito. Hindi ako masyadong consistent mag-update ng mga araw ko. Pero gusto ko, someday, may mabalikan ako. Hindi ako pala-fb kaya sa ig ako nagpopost ng mga araw ko. Kaya laging active twt and ig ko. So bakit ko ba ito kinuwento bigla HAHAHAHAH Medyo may followers ako dati dito at sa ig, umabot ng 400+ pero bigla ko nalang narealize na hindi ko sila masyadong kilala, hindi rin naman nila ako nakilala ever, either schoolmates lang or friends of friends, kaya tinanggal ko sila as my followers but I'm still following them. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon, siguro dahil maraming tao mamaya, hindi ako sanay na marami kami. Pero atleast makikita ko yung mga former cmates ko and other cmates na set b, looking forward for interactions kahit smiles lang, ayun byebye later ulit :3 ineexpose ko na sarili ko dito pero I believe nagngitian kami ni puno kanina sa simbahan HAHAHAHAHAHA magtigil. Pagod na pagod ako ngayon. Bale kanina, 2:30 kami pumunta sa simbahan ni mama, and habang papunta kami don, nakita ni mama yung classmate ko, dali-dali siya Nakasakay kami non ni mama sa trike tapos si j, nagmamadali na maglakad. Nahihiya ako non na tawagin siya, pero si mama kusang ipinatigil yung trike na sinasakyan namin. Tapos tinawag niya si j, "totoy halika sabay ka na samin" tapos etong si j siya yung kaklase ko na Golden retriever vibes gusto ko talaga siya kachikahan hshshshsh. Then dumiretso na kami sa loob ng simbahan, nakita ko sila cmates then sinabi na kung san nakaassign. After the mass, nagkumpulan na sa may unahan, ang cutie nung interaction namin ngumiti siya sakin TwT tapos nag-picture. Dun dapat ako pupuwesto sa kaliwa kung nasan ako lagi, pero andun na yung circle of frennies so sa gilid nalang ako ng mga teachers. Hmmm, nasa likod ko lang sila kanina nung nagwawalk, tapos nag bye bye ako kay j nung paalis na silang tatlo. Pumunta kami Sa victoria, may birthday-an and then naglakad nang naglakad. May klase pa bukas f2f, kailangan ko pa labhan unif ko, kailangan ko pa tapusin balangkas ko, hindi ko parin naiinitindihan yung 7-8 ng 2.2 sa physics ko, pero antok na antok na ako. Ano bang pwedeng lesson today? About impossible and possible pero hindi na vivid sa memory ko TwT

Okie need ko na labhan unif ko, later na yung lesson :3

 

10/03/22

Hindi ko na nadagdagan yung kahapon. Kaninang umaga, malakas yung ulan. Buti nalang mabait si kuya driver, diniretso ako sa school. Konti palang yung tao, kaya hindi muna ako dumiretso sa room. Tapos nag-rosary kami. Ako yung pang-last na leader. Kabadong-kabado ako nung before ako pumunta sa harapan, pero nung nasa mismong unahan na ako, nawala yung kaba ko. Nawala yung panlalamig ko, kumalma ako. Pero hindi ako na-inform na babasahin pala yung intention after ng mystery so medyo nagkamali ako pero oks lang. Tapos kanina, medyo napagsabihan kami. Theo, nag family feud nung reporting. Natawag na naman ulit ako, masaya naman kami kanina sa unahan HAHAHAHAH. Yung dalawang period after recess, wala yung dalawang teachers. Tapos may time na nagkukumpulan kami para magcompare ng answers. Nung lunch pumunta kami sa third floor para dalhin si Mama Mary sa Assumption. Syempre kailangan pipila tapos ako yung pangalawa sa linya. Ganon ba ako kaliit? TwT

Nung physics, pagdating ni sir may index cards na dala, para sannn tapos kagulo habang nagsasagot ng seatwork. Nung uwian, kaming anim nalang yung natira. Inayos ko yung upuan, nagwawalis siya. Tapos biglang hindi masara yung parang drawer sa table. Pumasok nalang si sir B tapos inayos. Nagbyebye siya, nakatingin sa direksiyon ko, pero I know that byebye was meant for sir, nginitian ko nalang siya sa mata ng mga 5 seconds. Tapos kanina, laging nagkakataon na kapag lumilingon ako, napapalingon din siya. Very coincidental, walang malisya, kasi alam ko ngang may boundaries na. Secret happy crushie na lang ito for the rest of the sy, motivation lang>.<

10/04/22
hmmm, sobrang early ko kanina sa room. Tapos nag rosary kami, and then first period is biology. Tamang tambay kasi I don't know what to do, hindi makapag-isip ng maayos utak ko. 2nd period, sinadya ko talagang hindi ipakita yung name tag ko. Ang lamig-lamig Sa room sobrang nakakangatal kanina. Kahit na tinatago ko, tinawag parin ako ni miss. Green jacket😭 ayun buti naman tama yung sagot ko. Recess, kung anu-ano ginagawa ko kasi nakakabored tapos nagvideo nalang ako. Ang dami kong videos dito sa phone ko. Hindi na namin Namalayan yung oras. Earthscience na and then tulala ako sa kawalan. Wala na naman akong maisip. Feeling ko talaga wala akong natutulong, kasi yung utak ko gumagana lang talaga tuwing gabi, may sched😭😭

Littera, omg talaga kanina akala ko di na kami abot. Tapos Alam ko namang nakalimutan na ng halos lahat pero nagkamali ako kanina habang nagrereport. Late reaction pa yung tawa nila pero atleast diba tumawa sila kahit gutom na😭 di ko nalang masyado iisipin. Pero kapag nasa unahan ako ng maraming tao, pag nasakin yung center of Attention, para akong nanlalambot na hindi mapakali. Pero ang weird kasi kahapon nung nag-rosary, hindi ko naman yung naramdaman. Pero atleast tapos na yung report. Last subject, attendance is yung tunog ng favorite pet, ang cutie naman nung pagkakasabi niya 😩

Ayun tapos May parang ganap after last subj, nagsagot lang kami and nagbilog. Tapos hinintay naming matapos yung oras.

Nung uwian, nag-picture at nagtiktok, sinulit na. Ang cute cute😩

Nag -enjoy akong kasama at ka-set sila, kaso mababago na nga talaga. Afraid of the changes that will Happen, mahihirapan ulit ako mag adjust pero it's fine

Hmmm, ang lesson today is it's okay na magkamali, kahit na paulit-ulit akong nautal at tila nauubusan na ng hininga kanina sa sobrang kaba, ang mahalaga, natapos na.

:) 

10/05/22

Kaninang umaga, 6:56 ako nagising and bigla kong chineck phone ko tapos nakita ko yung chat ni miss na may prayer service kami ng 7 am so sobrang kabado kaya agad akong bumaba at binuksan yung pc. After non, naisip ko na mag-compile nung mga videos and pictures na tinake ko kahapon, I'm a memory keeper so super important sakin nung mga ganon

youtu.be/Ke7NqeoN2f8

and then natulog ako then 5 pm na ako nagising. Naglaba ng clothes at wala parin akong nagagawa na anything related sa school so I should start na. No lesson today, byebye

10/06/22

Tinatamad akong mag-entry. Walang ganap sa araw ko. Ang tanging highlight lang ng araw na ito ay ang hindi ako nakasagot sa introphil, sad TwT

Ako yung sharer bukas sa prayer service, wala pa rin akong maisip na pwede i-share. Ang sad ng life, may 3 quizzes pa.

:(

10/07/22

Hmmm, naudlot yung prayer service, prepared na ako sa sharing ko pero tuwing napapatapat na mag-shashare ako, laging busy si miss or nawawalan ng pasok. Well, dalawang beses palang naman nangyayari yun pero weird concidence. Tapos nanood ako ng mass, kahit na hindi kami belong. 2nd period, hmmm, papasa ba ako? :(
Esci, yun lang yung subject na nagka-quiz kami today and sa littera, reporting lang buong period. Pinaglalaruan ba naman ako ng tadhana, kaboses niya talaga. Theo, hmmm, report ulit.

Natulog ako and then nagising nalang kasi nawalan ng kuryente. Kailangan ko nang gawin yung mga dapat na gawin. Ang lesson ko today is may mga times talaga na nireregret natin yung decisions natin sa buhay, pero wala tayong magagawa kundi panindigan yon and just learn from it. Kasi once na nagawa na, hindi na mababawi pa

10/08/22

Patung-patong na yung problema ko. Nakaka-overwhelm yung mga nangyayari ngayon, kaya ko pa ba? Parang dati lang iniiyakan ko si mama pag may kaaway ako na kalaro tapos ngayon ang bigat na nung dahilan. Iyak nalang talaga yung solusyon. Ang lesson today ay kapag hindi mo na kaya, magpahinga ka muna. Huwag mong iisipin na kahinaan mo yung pag-iyak kasi it releases all your emotions. Iiyak mo lang yan nang iiyak, tapos pag alam mong ubos na yung luha mo, saka mo solusyunan mga problema mo. Hindi ko naman sinasabi na kailangan mo munang Mag-breakdown, ang point ko lang, hindi naman masama kung umiyak. 

🫂

10/09/22

Kaninang madaling araw, nag live ako around 12:40 and I was not expecting anyone na makikinig sa live ko. But then, puno listens to my midnight random kuwento the whole 25 minutes which is so so nice of him. We had a simple convo wherein I did most of the talking and he just commented several times and replied sa mga sinabi ko. Ang dami kong rants and kinuwento kanina tapos nakinig lang siya the whole time. I woke up early para tapusin yung explanation ko sa theo, hoping na hindi onsite kasi hindi ko kinakaya, nanlalambot ako sa unahan

hmmm... kakauwi ko lang galing church and I'm so so tired ubos na ubos na social battery ko anywayyy so so exciteddd for ü @/annieeee hshdhdhsjsjevjrd

ang approachable ni c kanina tapos yung circle of friends ang hirap iapproach kaya ayun di nalang ako kumausap ng tao 😭

ay jusq talaga bat ba kasi ako naiilang sa mga tao na di ko masyado naka interact dati, pano na pag nagpalitan ng set back to pagiging tahimik nanaman aq omayghad

Pero dati nung nagrereport sa rese nasita kami ng super slight ng seatmate q kasi nagdadaldalan kami pasensya miss😭
ay jusq talaga bat ba kasi ako naiilang sa mga tao na di ko masyado naka interact dati, pano na pag nagpalitan ng set back to pagiging tahimik nanaman aq omayghad

Pero dati nung nagrereport sa rese nasita kami ng super slight ng seatmate q kasi nagdadaldalan kami pasensya miss😭

 

10/10/22

nagkaroon ng simple celebration ang set b para sa teachers' day nung umaga and nakasama kami thru gmeet tapos ang cutie nung effort nila. Nung empotek, nangangapa ako ng sobra sa page-edit, kakayanin ba?:(

Introphil, nagsend si mawe ng pics and vids and omg di na ako naka-focus sa discussion HAHAHAHAHAH. Filipino, nambibigla si miss, hindi ko alam kung tama ba pinagsasasabi ko, feeling ko mali yung last part which is dapat di ko na iniisip ngayon. Lunch, omg nakalimutan q magsaing kanina TwT

physics, pinagsisisihan ko desisyon ko sa buhay hindi ko parin nakuha yung 80 Newton :(

uwian, I was so tired, I tried to work on some of our peta but my brain told me na I should take a rest. I woke up around 6 pm and jusq wala akong maisip na tulong sa isang peta namin, I feel so useless.
Hmm, nagawa ng sharing for tomorrow and then I'll try to think more ideas on our empotek. The pressure is real.

>.<

10/11/22

Ang lesson today is people come and go, I don't know kailan ulit siya magpaparamdam. I know there's a reason behind those weird things that he is doing, pero I'll wait for him to come back.

10/12/22

8 am ako nagising, buti walang prayer service. Naglinis ng bahay, nagsagot ng empotek, nag-edit ng empotek at naggawa ng littera. Kanina ko pa tina-try na mag-aral. Pabalik-balik ako sa pc at kama, hindi ko alam kung paano ako mag-aaral, paano ko ba ito sisimulan? Sana makatulog ako ng maaga, kasi need ko gumising ng 3:15 bukas. Bahala na kung anong mangyari, kailangan ko na talaga mag-start sayang yung oras pero nadidistract ako sa mga bagay-bagay.

:(

10/13/22

Today nangyari yung dawn procession and yung launching. Nakapagod man at nakakauhaw yung mahabang paglalakad, masaya parin yung experience with all of my classmates and friends. Tapos even if nag-fail yung program, I'm so so proud of her, kasi she's getting out of her comfort zone. Ang lesson today is nakakagaan sa puso kapag you are celebrating the success of other people. Darating din yung panahon na mararanasan mo yung own celebration mo, and hoping na kasama mo yung taong malalapit sa puso mo kapag nangyari yon. 

10/14/22

Hmmm, nung morning nagprayer service lang din kami andand inedit ko yung mga clips and videos na nangyari kahapon. Ang lesson today is treasure all those memories you have with your classmates and friends and there will come a time na you will miss bonding with them, but you know na during those times na kasama mo sila, you enjoyed each other's company and wish to make it happen again. Nag-aral lang din ako buong hapom to prepare for the incoming exams.

10/15/22

Ang lesson today is there will always be someone na handang makinig sa mga rants and kuwento mo sa buhay, and that someone will became your friend as time goes by. Super thankful for Mr. Tree kasi pinakinggan niya ako, mas gumaan yung puso ko ngayong alam ko na may handang makinig sa mga pinagdadaanan ko in life. Just like God who is always there, listening to us while we are praying wholeheartedly, guiding and protecting us each and everyday.

10/16/22

Exam week but I still chose to serve God, dahil nangako ako sakanya na babawi ako at linggo-linggo siyang bibisitahin sa simbahan. Pagkauwi, I felt so so tired, but atleast napakinggan ko nung umaga yung homily ni father na maiaapply ko in real life. 


10/17/22

Malapit na exams, actually last weekend ang ginawa ko lang ay nagpahinga at nag-aral. Tapos nung linggo nag-collect ulit ako. Nag-promise kasi ako na kukumpletuhin ko yung pagsimba ko para makabawi sa last 2 years na hindi ko pagsimba. Nagkaroon ng changes dun sa time. Buti nalang lumipat ako sa umaga. Kasi pagdating ng alas tres ng hapon, pagod na pagod yung mata ko kaya itinulog ko muna. Tapos there's this cutie interaction again, which keeps me motivated, ang dami kong nakuwento at nasabi sakanya, which is sobrang Genuine ng happiness ko that time. Actually I never expected this to happen, sabi ko last year na, no more pressure on myself pero I never imagined na there will be someone na basta. Malapit na exams and I don't know if sapat ba yu g mga inaaral ko. Tapos hindi ko rin Sigurado kung kakayanin ko ba. Then there's this someone earlier na nagsend sakin ng something which made my morning. Gusto ko nalang mag-breakdown. Ang dami pang aaralin and ang lesson ko for the last 3 days? I'm not sure. Basta don't put pressure on yourself too much basta always remind urself na you're doing your best, and that's already enough. If the result is kinda sad and dissapointing, it's alright. Just don't be stressed. Last year na sa LaCo, fill your memories with a lot of happy moments at huwag puro breakdown ha

Fighting peeps!!!

10/18/22

Eto yung time na two days nalang before exams, kaya pinag iigihan ko na yung pag-aaral ko. I should study hard, at magtiwala nalang talaga sa sarili ko. The kaba is real kasi eto na yung time na sinasabi na nga ng mga teachers na goodluck sa magiging exams namin and I feel so so nervous during this moment, kakayanin ko ba? Parang ang dami-dami masyado.

10/19/22-10/21/22 (MIDTERMS EXAMS D-DAY)

During these days, nawawalan ako ng motivation but I keep on trying, studying, and motivating myself na kaya ko ito. Maraming inaral at bawat pagkatapos ng exams, I feel like hindi pasok sa standards ko yung scores. Lalo na yung physics, rese, and fili, sobrang hindi ko alam kung maganda ba yubg result, o kung pasado ba ako pero sana pasado kahit papaano. Si Lord nalang yung bahala. During introphil exam, there's this one item na I forgot, but then suddenly, it popped up into my mind magically, literal na napathankyou Lord ako kasi sobrang blessing na nangyari yon, na naalala ko bigla. Hoping na pasado talaga. Yung physics and rese, nanghina talaga ako, iniyakan ko yung physics kasi grabe wala akong masyadong naisagot. Ang mahalaga nakaraos na, and maibabawi ko na lahat ng puyat ko. Nagpicture kaming girls nung last day uwian, so so nice of them;<33

10/22/22

Wala akong ibang ginawa kundi ibawi lahat ng tulog ko kasi sobrang kulang ako sa tulog nung exam days. Pinanood ko lahat ng pwedeng panoorin para lang mawala sa isipan ko yung nangyari nung exams. Basta ang mahalaga, naka-survive na, at tapos na. Kaya Jannice, mag move forward ka na. It's okay if your scores does not meet your own expectations, just don't pressure yourself too much. Chill ka lang.

10/23/22

nung morning, masyado akong napaaga sa simbahan. Nagkokordero ng Diyos palang pero nasa may moses na ako. Kaya naghintay muna ako sandali at nagpicture. Nakakamangha rin yung mga decorations. I met new people, and they are so kind. Don't be afraid of meeting new people on your life, malay mo they can be your new friends which can be an amazing experience

10/24/22

10 days din akong nawala. Between those 10 days, nag-prepare ako for the exams, nag-exam, nag-breakdown, naging stress, at nawalan ng pag-asa. Kung iisipin ngayon, I feel like bagsak ako sa rese at physics, hindi ko alam kung maibabawi ko ba. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang makita yung grades ko ron. Lalo na't hindi ako palasagot sa recitation. Mababa rin yung activities ko sa physics. And I feel so so hopeless, am I doing this right? Kakayanin ko pa ba? Hindi ko na alam kung makakabawi pa ba. Sa sobrang overwhelming ng pangyayari, iniyakan ko nalang kagabi. Kasi hindi ko na alam talaga kung paano. Tapos yung resetwo na wala akong alam kung makakaya ko bang ipasa. Hindi ako masyadong nakapag-aral nung gabi, mas na-prioritize ko yung filipino at introphil, which is mababa rin ako. Paano pa kaya yung rese ko na hindi ko masyadong naaral? Lalo na dun sa multiple choices.

10/25/22

First period is bio, inannounce na ni miss yung score, medyo confident ako sa exam ko but unexpected yung score. 55/70. Medyo okay narin, basta pasado. Sa Rese, halos manlambot na ako pagkatapos ng exam, halos hindi ko kayang pakinggan yung mga sinasabi na sagot ni miss kasi feeling ko sobrang baba ko sa rese. Nung time na inaaral ko yung rese before the exam 11-12:30 am na so medyo rush. Hindi ko alam kung sapat yung inaral ko kaya nablanko yung utak ko nung exam pero unexpectedly, sinabi sakin na 42/50 ako. Which is hindi ko talaga alam kung bakit ganon napaiyak nalang ako at nagpasalamat kay Lord, kasi parang miracle na sabi ko sana pasado, pero more than that pala yung ibibigay. Grabe. Nakakapanghina. Nung hapon nagpapirma ako para sa dost at bumili ng uniform kasama yung frenny ko. Ang lesson today is totoo pala talaga yung just do your best and God will do the rest, kasi sobrang miracle nung nangyari sakin, na hindi ako sigurado sa rese ko, pero ganon yung magiging resulta. 

10/26/22

tanging paggagawa lang ng pt yung ginawa ko. Tapos nagprayer service, les about gender and sex and then nag club meeting. Tapos nung hapon, nagkaroon kami ng guidance and about naman sa time management. Ang natutuhan ko sa araw na ito, it is okay to take things one step at a time. Siguro marami kang deadlines na hinahabol, and dapat talaga na tinatapos mo pero huwag mong mamadaliin. Kung ano yung pinakamahirap, yun yung uunahin, hanggang sa mapapansin mo nalang na tapos ka na sa mga gawain and as a reward, makakapagpahinga ka na. There are a lot of temptations, katulad ng stress eating, and sleep pero always remind yourself na don't let those distractions na makalimutan mo yung mga responsibiities mo as a student, and always trust yourself na you can finish all of those tasks.

-end

while compiling this journal of mine, I have realized a lot of things. Marami akong na-experience, naging problema, masasayang alaala with my classmates and friends which I will treasure the most. Hoping that all of my exams were passed, and hoping that I can think of the most genuine quote with special meaning out of all those journals/ memories that I made with the people I interacted each and everyday. :)

-Jannice Datingaling aka nissystory

I already passed this journal of mine but I decided to continue this, for the memories. I am a sentimental person, I always like to keep memories through videos, photos, and even diaries.