Since I had no one to talk to or to rant on due to the fact that I fear that I might get judged for being "mababaw", dito ko nalang sasabihin lahat ng nararamdaman ko sa araw na ito.
Today is August 27, TUESDAY. Ngayong araw yung official na legit na pasukan na kasi last week ay orientation week so ngayon yung may discussion na talaga. Our first period earlier was Object Oriented Programming, alam ko na talaga na simula palang, off na talaga. I don't like the way that person talks, he is not professional enough to be in this kind of field, sobrang unethical. Am I judging too much? Bakit kasi punong-puno siya ng useless bad words, and also he admits na "tarantado" siya. Maybe, for some of my classmates, gets nila yung humor niya, but I don't like him in general. Since may respeto naman ako, and ofcourse manners, I still do smile at that person but deep inside, hindi ko talaga gusto ito. Mababago kaya pananaw ko sakanya sa mga susunod na meetings? Hmmm...
Siguro magtitiis nalang ako sa kalahating school year na ito. A kind girlie once told me (non-verbatim), iba na sa real world, may mga taong susubukin talaga yung pasensiya natin, masasama yung ugali, suplado, suplada etc. kaya this college life should be enjoyed. And after a 5 minute of breakdown, since naisumbong ko na naman kay kuya at sa gf niya lahat ng mga negative na naramdaman ko sa "person" na binabanggit ko kanina, alam ko sa sarili kong okay na ako, and eventually after time passes, makakalimutan ko din itong pamamahiya sa'kin na naranasan ko.
There will be moments like this talaga sa college, mas harsh pa nga sa law school, siguro ano lang ito nasa 5% pa ng nararanasan ng ibang estudyante but as my kuya said, my feelings were valid at hindi naman talaga tama yung ginawa sa'kin, but he also included na make it the reason para mas igihan ko raw yung pag-aaral sa java. Oh 'di ba! Motivator talaga si kuya, pero yeah, instead of crying over something like that, I'll make it an inspiration nalang to do better.
After a long tiring day, I stopped by our barangay's dali and bought a strawberry ice cream, haaay my comfort food, tapos since walking distance yung dali hanggang bahay namin, a simple peaceful walking made me calm my thoughts and feelings dep inside. Okay na okay na, hindi ko na iisipin pa. : )
No comments:
Post a Comment