How can you expect to bloom when your eyes never rained?
I'm always vocal about my experiences and my true feelings whenever I wrote on this blog of mine.
It was August 2023, the month na kung saan punong-puno ng adjustment, at sumabay pa yung heartbreak stuff ko which is sobra talaga akong nahirapan nung time na 'yon kasi I feel like na-disappoint ko yung sarili ko, kumbaga alam ko naman ever since yung magiging ending pero tinuloy ko pa rin. A canon event that I can't really control.
Akala ko talaga dati, end of the world na, halos araw-araw akong umiiyak, naaawa na ako sa sarili ko because of the neverending cycle na gusto ko nang makawala sa sakit na naramdaman ko. It's been so long since I had a heartbreak and the fact that I made a promise to my past self na I will protect my heart, hindi ko nagawa kasi I was so inlove, and I wasn't able to control myself anymore.
But despite all that, sa dinami-daming atras abante na ginawa ko, sa mga maling desisyon na pinili ko, ngayon nasasabi ko na talaga sa sarili ko na okay na ako at hindi ko na pinanghahawakan yung mga nangyari on the past.
To my dear future self, iiyak mo lang nang iiyak lahat kasi darating talaga yung time na mauubos na lahat ng luha mo and eventually, marerealize mo lang din na hindi na pala ganon kabigat, hindi na pala masakit.
And therefore, now I know na kaya ko naman pala talaga, oo nung una masyado pa akong attached, pero after a year, I can finally say that I've already moved on.
Anyway, since today is August 17, 2 days nalang pasukan na talaga. Darating na naman yung time na ma-pre-pressure ako sa academics stuff kahit na lagi kong paalala sa sarili ko na huwag akong masyadong mag-worry. May mga times na I might cry and doubt myself, I can foresee that, but I know that I have enough dedication and perseverance para ma-survive ito lahat.
Goodluck my future nissy! Paulit-ulit na pagdarasal at pag-hope para sa'yo. : )
No comments:
Post a Comment