Hello my dear Nissy, today is August 19, dapat first day of class ngayon kaso naudlot because of the Volcanic Smog caused by the bulkang taal. Noong una, pinagsusuot lang kami ng facemask but eventually, the government of malvar suspended the face to face class for today.
It is currently 6:32 p .m. right now and I am watching Umbrella Academy, random series lang na matagal ko nang alam, like nung 2019 pa but hindi ako nagkaroon ng interest panoorin until today.
Walang masyadong relevant na nangyari sa araw ko na ito. Nagkaroon lang kami ng maikling orientation sa PathFit class namin kaninang 2 p.m. Actually, nanonood ako ng Legally Blonde tapos bigla nalang nag-notif sa phone ko na may online class pala. Hmmm, ano pa bang nangyari? Wala na talaga-- ganon halos yung ganap ko sa buong bakasyon na ito.
Oh! Kanina pala nung nagpahinga ako at gustong magmuni-muni, I listened to dear MOR entitled "Paniniwala." I shared on this blog na I like to listen to podcast whenever I want to ease my mind. Anyway, the specific podcast is all about a girl na kinuha agad sakanya ni Lord yung mom niya and yung lola niya tapos may tumulong sa kanya na guy, and they fell in love with each other but yung guy, plinano niyang mag-pari even before he met the girl and mas pinanindigan niya yung matagal na niyang decision na magpapari nga siya.
Eventually, years after, the girl married another guy and they had a child tapos she felt na something was missing so binisita nila yung guy na naging pari na and then nagtalk sila about their past.
The main point kung bakit ko ito kinukuwento is all because of my last blog entitled "Lord, Bakit?" Parang somehow connected yung napakinggan kong kuwento sa last blog ko. Though I'm not saying na same kami nung story ni girl, it's just that I felt na it's destined for me na mapakinggan yon kasi I just realized na may nangyayari talaga sa'tin during the present moment na talagang magte-test sa'tin ng faith natin kay Lord but dadating ndin yung time na marerealize nalang na "it was bound to happen for you to become wiser, stronger, and better." Dahil lagi ko ngang paalala sa sarili ko, everything has its own reason, kaya hindi ako mapanghihinaan ng loob! : )
Okay 7:30 p.m. update, wala ulit pasok bukas! Yeheyyy >.<
No comments:
Post a Comment