Total Pageviews

Nissy's Personal Blogging Purpose

I started this blog on August 5, 2021, as a space where I can freely share my thoughts and emotions. Opening up to others has always been hard for me, but this blog helps me work through my feelings and be real with myself. Feel free to read anything here, but please do so with kindness and without judgment. ^_^

Wednesday, August 21, 2024

I Won't Deprive Myself Anymore

I think I won't update on this blog for a moment in time, maybe every katapusan ng months, meron, I'm not sure, let's see...

But before I say goodbye temporarily, I just want to make a promise to my future self


     Just like what I have told on yesterday's blog, ngayon yung first day ng face to face namin. Since first year, kami na lagi yung nag-iintayan ng girlies sa vm at ako yung nauna. Halos 30 minutes akong naghintay but I don't mind at all, sadyang early lang ako. Ang ginawa lang buong araw ay nag-kuwentuhan pero kung ako yung tatanungin, ang ginawa ko lang ay makinig sa kuwentuhan nila. Kapag may gusto akong itanong, syempre makikipag-usap ako, pero most of the time kanina, wala akong ginagawa, nag-pipicture lang ng random, kasi dala ko yung digicam ko.

    Anyway, ang nangyari lang talaga ay naghintay ako nang naghintay from 5:40 - 6:10 sa vm para sa girlies ko at 7:00 - 10:00 para sa klase naming late notice na hindi pala kami ime-meet. 10:00 - 10:15 na attendance sa 2nd period at... uwian na!

    Nag-aayaan ang mga kaklase na mag-jollibee daw, tapos ako, sabi ko sa sarili ko, hindi nalang ako sasama kasi mag-iipon ako this school year, pero napilit naman ako and sumama in the end. Kanina sa walter, parang habang kasama ko sila, dun ko naisip na, hindi ko naman kailangang i-deprive yung sarili ko sa mga bagay na ikakasaya ko. Mahabang bakasyon ang nagdaan, matagal-tagal ko din silang hindi nakita, kaya kahit simpleng pag-kain lang sa labas, sige go na!

    To my future self, here's our promise to ourselves. Huwag masyadong magpapakasasa sa pag-aaral ha? Huwag sanang umikot yung mundo mo sa aral lang. Maraming tao na ang nagsabi sa'kin na mag-enjoy naman daw ako, huwag laging seryoso. Kahit minsan man lang, bigyan ko ng credits at reward yung sarili ko, sa mga achievements ko, no matter how small or big it is. In terms of eating naman, hindi ko na pagkakaitan yung sarili kong kumain, hindi ko na papahirapan pa yung sarili ko.

    Honestly, kaya ko ginawa itong blog na ito... mainly because I want to appreciate myself more and more. Hindi ko gugustuhing tumagal pa nang matagal na panahon yung pagkamuhi ko sa sarili ko, in everything I do. I always feel like I am a person na trying hard, para lang maramdaman ko sa sarili ko na magaling ako. Lagi ko ring pine-pressure yung sarili ko, na sa tuwing may achievements, hindi ako matutuwa, sasabihin ko lang talaga "dapat ganyan ka lagi." Sa tuwing kakain ako, lagi kong binabawasan yung kanin kasi nandoon lagi yung takot na tataba ulit ako, kaya sa bandang huli, hindi ko na masyadong nae-enjoy yung meal time ko. 

    My dear past self, sobrang dami kong pagkukulang sa'yo, sana dumating yung time na, maging okay na tayo. Sana mapatawad na natin yung sarili natin. May pinanghuhugutan talaga lahat kaya ako masyadong naging harsh sa sarili ko, pero isasarili ko nalang 'yun. Anyway, as I end this blog entry, I just want to tell to you my nissy, na you are loved by yourself, yourself alone, is already enough. Bonus point na yung may family and friends kang nakapaligid sa'yo... but sometimes I wonder, nasho-show ko ba yung care and love ko para sa kanila? Hmmm...






No comments: