If only I could talk to you right now my dear past self, gusto ko lang sabihin sa'yo na I'm really so proud of you dahil kinaya mo, at ngayong mga panahong ito, alam kong okay na ako.
Oh damn girl, pagang-paga yung mata mo at buong mukha mo dati kakaiyak, naaawa ako sa'yo huhu. So... that video was taken exactly a year ago. August 26, 2023. It was Saturday afternoon, kakagising ko lang kasi galing ako sa pagod because of ROTC class. Around 5:45p.m. gosh I remember it so vividly, sobrang pagod pa talaga yung buong pagkatao ko non, tapos sumabay yung pagsabi na tapusin na, something like that, though I always had a hunch na matatapos din naman talaga, nagpaka-martyr lang ako. Nung time na 'yon, sobra akong nawasak, masyado mang oa pakinggan pero that's what I really felt. Daming tanong na pumasok sa isip ko, pero hindi ko magawang ibuhos lahat kasi hindi ko na kayang ilaban, kasi wala na naman akong dapat pang sabihin, kasi pagod na pagod na talaga ako sa lahat.
Anyway... since one year na yung nakalipas, inaamin kong hindi naging madali yung moving forward phase ko. Maraming taong dumaan sa buhay ko after ni guy, pero I didn't entertain kasi hindi ko gugustuhing maging komplikado, hindi ko gustong ilipat sa iba yung paghilom ng puso ko, pero may isang girl talaga na nagpaconfuse sa takbo ng feelings ko HAHAHAHAH but past is past, I don't want to talk about her in this blog entry.
Well... I only want na sa'kin lang umikot yung buong story, wala akong babanggitin na kahit sino man, dahil alam kong payapa na ang mga buhay nila. I just want to tell to my dear nissy, both past and future, na looking back, ang dami ko talagang mga pinagdaanan na akala ko hindi ko kakayanin, ang dami kong mga maling desisyon sa buhay, also my actions and words, nakasakit din ng iba. Nag-iba talaga ako at hindi ko nakilala kung sino ako nung mga panahong yun, but now that I am finally healed, panghahawakan ko nalang yung fact na hindi ko man mababago yung nangyari dati, atleast natuto ako sa mga pagkakamali ko at hindi ko na ulit gagawin 'yon in the future.
Ang aking healing era ay umabot ng isang taon, na akala ko nung una, aabot ng dekada. I remember, sinabi ko nun sa college friends ko, hindi ako makakamove on dito kasi iba yung love ko sakanya, but here I am right now, only prioritizing my own self, and focusing on loving myself more. Hmmm... ano pa bang pwede kong sabihin? Kahit hindi man nila mabasa itong mga sinusulat ko, I really do appreciate my girlies, kasi sila yung nandiyan nung mga panahong kailangan ko talaga ng iiyakan. Hindi nila jinudge ever yung mga breakdown moments ko. Si guy friend na di ko na nakakausap, na halos liham na ang advice sa'kin mapagaan lang yung loob ko, haaay sometimes I wonder, what if we're still close right now? anyway... and also to this kind girl, who always tells me na she's proud of me, for how far I've become, during those random days na akala ko sa sarili ko, puro atraso lang dala-dala ko sa mundong ito.
To all the people na gusto kong pasalamatan, I want to appreciate myself, kasi kung hindi ko naman kinaya dati, hindi ako magiging ganito ngayon. Buti nalang pala natapos din lahat, kasi hindi ko kakayaning magkaroon ng uncertaintines sa kalagitnaan ng school year. I don't want distractions, hindi na muli papakamartyr!
Nandito na rin ako sa point ng life ko na tinatawanan ko nalang lahat ng mga kagagahan na pinaggagawa ko dati out of love. Siguro pagtanda ko, yung mga ganitong kuwentong love life yung gusto kong i-kuwento sa mga pamangkin ko... kuya! Bigyan niyo ako ni Ate Camela ng pamangkin in the future ha? Wala kasi sa plano kong mag-anak... HAHAHAHAH :D
Sa ngayon, I am working on myself more and more, at hindi ko na ulit hahayaan yung sarili ko na mapunta ulit sa ganong sitwasyon kasi now that I finally realized, loving someone can be so detrimental, nakakasira ng peace of mind. Hindi ko nakilala kung sino ako dati, yung mga ginawa ko, out of control na, kaya ang focus ko right now, yung sarili kong kapayapaan. Cheers to self love era!!! Gusto kong mas makilala pa yung sarili ko, at yun ang top priority ko ngayon, ano bang purpose ko dito sa mundong ibabaw?
as I end this blog entry, here's a friendly reminder to myself, Future nissy, 'wag nang magpakatanga sa love love na 'yan ha? Para saan pa yung mga na-experience natin kung 'di ka matututo? hehe love you mwah!
dahil swak na swak yung pinapakinggan kong kanta ngayon ng the ridleys... syempre ilalagay ko rito! <3
You've reached the end
No more tears to cry
No broken hearts to mend
We've reached sweet land
After sailing through the storm
On the ship that you command
No comments:
Post a Comment