Total Pageviews

Nissy's Personal Blogging Purpose

I started this blog on August 5, 2021, as a space where I can freely share my thoughts and emotions. Opening up to others has always been hard for me, but this blog helps me work through my feelings and be real with myself. Feel free to read anything here, but please do so with kindness and without judgment. ^_^

Sunday, August 18, 2024

Lord, Bakit?



It is currently 2:30a.m. and as usual, gising yung utak ko kapag oras ng madaling araw. I am listening to the ridleys, para yung kung ano mang negative thought na pumasok sa isip ko, harangin ng mga kalmadong kanta nila. 

The content for today's blog is all about my "whys."  Bakit nga ba? Lagi kong pinanghahawakan yung salitang "May plano si Lord na nakalaan" pero ngayong nasa proseso ako, hindi ko masyadong maintindihan. Ano po bang plano niyo Lord? Bakit ko ito nararanasan? Bakit ganito yung mga binibigay sa'kin na pagsubok? Bakit parang ang tagal kong makabangon? Bakit pakiramdam ko lagi akong pinaparusahan? Bakit laging hindi nakaayon sa mga plano ko yung plano niyo?

Pero sa kabila ng lahat ng bakit, lagi kong iisipin na kayo yung nakakaalam ng mas makakabuti sa'kin, kaya kahit maraming katanungan dito sa isip at puso ko, mananatili yung paniniwala ko na balang araw, lahat ng pangamba at pagkabahala, mapapalitan ng linaw at ng kasagutan.

Lord, sana balang araw, malaman ko yung rason, kasi ngayong mga panahong ito, hindi ko talaga maintindihan.

Bakit sila "ganito ganyan" , bakit ako laging dehado? Bakit ba lagi kong kinukumpara yung sarili ko? Hindi ko gusto na lagi akong ganito.

Sa lahat ng pinagdadaanan ko, hindi ko maiwasang isipin na masyado ba akong nagkulang?, marami ba akong nagawang mali para ganito yung iganti sa'kin ng mundo? O baka nagkataon lang talaga lahat at sadyang hindi ko lang talaga kontrolado yung mga nangyayari sa paligid ko?



No comments: