Today is August 30, FRIDAY. Bukas pa yung katapusan ng August but I want to do my end of the month blog entry today. I was just listening to spotify, shuffle mode, tapos nag-play yung "bibingka" which reminds me of the Christmas season. Ang bilis ng panahon, miss nissy!
Ang summary ng August 2024 ko ay... kalahating month ay bakasyon and the other half ay class. Nahihirapan ako honestly, nangangapa na naman ako. Mas lumala yung imposter syndrome ko. "Kakayanin ko ba ito?" Paulit-ulit na pagdududa sa sarili ko.
Sa lahat ng subjects, so far... oop and dbms lang yung pinoproblema ko. Yung others ay malakas pa yung loob ko. Iba kasi talaga yung way nung professor namin dun sa oop and dbms, tipong imbis na ganahan ako sa subjects niya, natatakot pa ako kasi ang hirap magkamali sakanya. Sadista kasi 'yun.
Pero anyway, bahala na! Go with the flow! Pero knowing myself, I'd like to go everything according to the plan, but dear nissy, what's the plan ba? ISTJ mbti personality ko pero bakit indecisive akong tao. Saka kapag sisimulan ko yung isang bagay, nahihirapan ako. Gusto kong magka-urge na makapagsimula, pero saan ba at paano? Nat-trigger din ako sa sarili ko kasi nararamdaman kong may comparison na naman na nangyayari, na ayaw ko na talaga gawin because it's too negative. Yung sanity ko, nasisira.
Sa pagtagal, naiisip ko na I am a person that is full of complex mix of contradictions, parehas may bad and good sides. Like the yin and yang symbol. Kaya yung perspective sa'kin ng mga tao na mabait ako, sobrang taliwas sa alam kong mga ginagawa ko. I don't want to make it into detail here in my blog since I don't want to tell that other side of me, but I think I have to improve myself more kasi hindi ko kakayanin kung mananatiling mataas yung bad side ko, dapat laging balance.
Ang dami kong mga pangaral sa sarili ko sa mga past blogs ko, pero bakit hindi ko magawang i-apply yung mga lesson na 'yon sa buhay ko? Bakit ba ako napre-pressure sa takbo ng buhay ko? At our own pace 'di ba?
No comments:
Post a Comment