Total Pageviews
Nissy's Personal Blogging Purpose
Tuesday, July 30, 2024
End of Month, July 2024: It All Makes Sense
Wednesday, July 24, 2024
Midnight Thoughts
"You can't always win life, but you can always choose to fight. "
Monday, July 22, 2024
She's Finally Enrolled For 2nd Year!
oh dear may mga natanggal sa mga kaklase ko, baka naglipatan na sila pero may mga dumagdag. Sana maging maayos pa yung unity ng section namin ngayong taon at hindi na magkagulo pa TwT.
No more toxicity please!
Friday, July 19, 2024
Exactly 1 Month!
Thursday, July 18, 2024
When Was The Last Time You Were Genuinely Happy?
Monday, July 15, 2024
Take A Rest, My Dear Nissy
May your eyes that cried so much have some rest at last...
Saturday, July 13, 2024
Spy Family
Nakakamiss manood ng anime/cartoons na tagalog dubbed huhu ito ang childhood ko! Naalala ko dati lagi akong excited gumising para manood ng Sofia the first, Doc McStuffins, Handy Manny, Mickey Mouse ClubHouse, Detective Conan, Jackie Chan, Adventure time at marami pang iba.
Hayyy, good old days...
At ngayong mga panahong ito, may na-discover nga akong spy family tagalog dubbed sa youtube, syempre hindi ko pinalampas, I'm literally invested!
Midnight Thoughts
Oh my dear nissy, don't let anyone dull your shine ✨
It's currently 12:37 a.m., listening to spotify playlist entitled classic medley songs, tapos it's raining lightly, and I have my blanket, my pillow is so comfy and my eyes are kinda sleepy. Favorite time of the day ko talaga yung 11 p.m. to 2 a.m. na kung saan everything is so peaceful and quiet. Got to believe yung nagpla-play na song ngayon sa phone ko so yun yung ilalagay ko dito.
Hmm, ang ginawa ko lang nitong mga nakaraang araw ay manood sa YouTube ng random stuffs about coding. Nagse-search ako ng mga basic knowledge lang naman tapos ngayong araw sinubukan kong simulan yung SQL, napagana ko naman yung IDE, nakagawa ako kahit papano ng simpleng database.
Tapos kanina may na-discover akong tagalog dubbed ng favorite anime ko nung year 2022, I missed watching spy family! Sinimulan ko kanina habang nagt-try ng SQL, medyo okay ako sa multi-tasking, nag-e-enjoy akong manood at the same time natututo ako sa DBMS ng konti lang naman. Today is July 13, SATURDAY. Pasukan namin ay August 19. So I have 1 month and 6 days pa to do anything I want pero syempre matching with productivity dapat.
Tapos kanina, after ko manood ng spy family and mag-try ng SQL, napunta ako dito sa blog ko. Tuwing sasapit talaga ang gabi, hindi ko mapigilang hindi mag-reminisce, nakita ko yung photos ko nung bata ako, haaay I wish I could go back from being a child just to feel something again.
Kiddo nissy, huwag munang magmadaling tumanda ha? Mahirap pala kapag nasa 19 years old stage ka na, malapit na sa adulting stage. I think naging masaya naman ako sa pagiging bata ko dati, tapos kitang-kita ko at natatandaan ko na dumaan pala talaga ako sa awkward stage, teenager nissy was full of emotions. And syempre 18 years old nissy was full of love that was getting out of hand.
Sa 19 years na pamumuhay ko sa mundong ibabaw na ito, ang dami ko nang na-experience na mga bagay-bagay. Totoo pala talga yung sinabi ng ate ko dati na huwag ko raw papangarapin na mag-college kasi hindi ko raw magugustuhan. Yung totoo, okay lang naman kasi talaga sakin yung mga naranasan ko nung 1st year, ang nagho-hold back lang sakin ay yung mga bagay na kinakatakutan ko, natatakot akong pumalya, natatakot ako na baka hindi ko kayanin, na baka sa una lang ako magaling. Lagi akong napapangunahan ng takot. Pero ano naman kung mag-fail diba? Hindi naman end of the world kung mangyari yun.
Nakatatak na sa isip ko yung "hindi ka natatalo kung hindi ka gumagalaw" dami ko na namang what ifs ngayong gabi, pero what can I do, I just have to go with the flow, right?
Ano pa bang thoughts ko? Alam mo ba nissy, naiisip ko rin paminsan-minsan yung mga atraso ko sa mga tao, at ngayong lumipas na nga ang panahon, parang hindi ko na alam kung magiging maayos pa ba? pero sa part ko, I think bumabawi na ako sa sarili ko, masyado ko kasing sinisi yung sarili ko sa mga nangyari dati, kaya tuwing may pagkakataon na dapat masaya, iniisip ko na hindi ko ito deserve. Sa pagtagal, napapalaya ko na yung sarili ko sa mga maling nagawa ko.
Hmm, ano pa ba? Tumila na ang ulan. Wala na ring thoughts na dumadaloy sa aking isipan. 1 minute nalang 1 a.m. na, future nissy, I hope you're doing fine sa mga panahong binabasa mo ito. Okay 1 a.m na, bye! I'll read muna on medium to ease my mind. : )
Saturday, July 6, 2024
Do You Ever Wish You Could Go Back In Time?
Friday, July 5, 2024
Trust In His Perfect Timing
Reddit Is Full Of Problematic People
They can never make me hate you, skyfam ☁️
Thursday, July 4, 2024
Is Coding For Me?
The only limit is my imagination...
It's been almost 2 weeks since I started advanced studying for real. I admit, it's super challenging lalo na sa katulad kong napakaikli ng attention span. Naiintindihan ko naman yung topic, but hindi pa ako gaanong nakakapag-write ng code on my own.
Naalala ko nung mga paunang araw ng pag-aaral ko, yung laman lagi ng mga panaginip ko eh all about coding stuffs, but yung mga panaginip ko these days ay wala na akong natatandaan.
Honestly, sa pagtagal, parang nasasanay na ako na mag-aral tungkol sa mga stuffs na ganito. Totoo pala yun, pwede ko palang matutunan na mahalin yung course na pinili ko for practicality.
Dati, I thought coding is all about html, which is favorite topic ko dati nung grade 6 and 8 since lagi akong nag-e-excel don. But html is not a programming language pala. It's just for starters, I guess? Madaming types ng totoong programming language like Java, Python, SQL, C++ and many more.
Dati talaga masyado akong napanghihinaan ng loob kasi pinasok ko itong course na ito nang wala akong alam. Pero basta may sipag, lahat matututunan, lahat mapag-aaralan.
Tiwala lang, nissy! Rooting for you :)
Wednesday, July 3, 2024
The Peace of Not Knowing
These past few days, I've been working on myself
As much as I can, I am trying to keep myself away from social media-- that place ruined my mental being so much. Gusto ko after ng bakasyon na ito, better version na ako. I want to grow and become a better person. Gusto kong mag-aral talaga para hindi gaanong mahirapan yung sarili ko. Hindi ko na hahayaan na masyadong magpalamon sa mga nakikita ko sa net, I don't want to be stressed on those unnecessary things anymore. I think more than 2 weeks ko na rin dine-deprive yung sarili ko from socmeds, but I can't help myself to become COMPLETELY away from it, Youtube ang laging pinupuntahan ko.
Kaya ko naman palang mawalan ng pake on things that is going on around me, especially on other people. Hindi na ako masyadong interesado sa ganap ng ibang tao, I'm prioritizing more myself these days. Wala naman akong mapapala sa iba, dapat sa sarili ko lang fino-focus yung attention ko.
July 3, WEDNESDAY. Three days since the month of July has started. Self-isolation has always been my coping mechanism, at wala sigurong nakakapansin na lumalayo ako, maybe that's for the best. Gusto ko rin naman na mamuhay ng payapa at lumayo muna sa mga tao. Maiintindihan naman nila, siguro?
Feeling ko talaga they won't notice it in the first place, and that's completely okay. Mas gusto ko na ganito nalang yung nangyayari sa buhay ko ngayon. Walang masisira yung mga tao sa'kin kung hindi na nila alam yung nangyayari sa buhay ko.
Hmmm, basta all I want right now ay mangyari yung mga goal ko ngayong bakasyon. To work on becoming a better version of myself.
Monday, July 1, 2024
I Loved You, It Ruined My Life
Out of all Taylor Swift's songs, I relate to the Fortnight the most
Sa lahat ng napagdaanan ko, kahit ano mang maling desisyon yung nagawa ko, hindi ko deserve na maramdaman lahat ng yun. Walang kahit sinong may deserve. After all that I've been through, masyado akong nag-beg, masyado kong binaba yung sarili ko, masyado ko siyang minahal to the point na ubos na ubos na ako. Hindi ko na talaga makilala yung sarili ko non, at hindi ko na gugustuhing maranasan yun ulit.
Haaay Lord, hindi ko pa talaga kaya yung mga ganitong love, kasi grabe pala talaga ako magmahal. Hindi si nissy yon, ibang persona ko yon.
Yung totoong nissy, dapat laging sarili yung pinipili. Hindi masamang maging selfish minsan miss nissy, you have to make your walls and your boundaries higher, you should not let other people take advantage of your kindness.
Yeah, I admit it hindi naman ako nagbabait-baitan dito, syempre may atraso din ako sa mga taong nanakit sa'kin, wala na akong magagawa pa, wala na naman sila sa buhay ko para isipin ko pa 'di ba?
Hindi ko na gugustuhin pang makita sila. I guess the feeling is mutual, he doesn't want to associate with me anymore as far as I can remember. Maybe para na rin sa ikapapayapa ng lahat, mas mabuti pang isipin ko nalang na never ko siyang nakilala kasi masyado akong nawasak dahil sakanya.