This photo was taken a minute ago...
Today is July 19. FRIDAY. It is currently 11:11 p.m. Sabi ko kanina habang nilalagay yung memory card sa old digicam namin, "oh please, sana gumana ito. I will be at my happiest kapag gumana ito", and there we go! After a lot of tries, finally! Na-read na ng digicam yung memory card ni kuya. As a sentimental girlie talaga, things like this excites me the most!
Based on the title of my blog for tonight's entry, saktong 1 month nalang, simula na ng pasukan namin. August 19, oh dear I don't like to go to school yet. Inaamin kong ang boring talaga ng bakasyon kong ito, pero hindi ko pa gugustuhing pumasok.
Kanina, nung nalaman kong maayos pa pala yung digicam namin, dun ko na-realize na meron kami nung mga bagay na makakapagpasaya talaga sakin. Like we have all the resources, and all I just have to do is that to cherish it all well. Isingit ko rin lang itong PC na pinag-ty-type-an ko ngayong mga oras na ito. How fortunate I am to have this, tapos swak na swak sa course ko, oh dear nissy huwag ka mapanghinaan ng loob. Daming beses na mangyayari sa'yo, na papasok sa isip mo na "para sa'kin ba talaga ito?", "may future ba ako dito?".
Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan, right? : )
No comments:
Post a Comment