Total Pageviews

Nissy's Personal Blogging Purpose

I started this blog on August 5, 2021, as a space where I can freely share my thoughts and emotions. Opening up to others has always been hard for me, but this blog helps me work through my feelings and be real with myself. Feel free to read anything here, but please do so with kindness and without judgment. ^_^

Saturday, July 13, 2024

Midnight Thoughts

Oh my dear nissy, don't let anyone dull your shine ✨


It's currently 12:37 a.m., listening to spotify playlist entitled classic medley songs, tapos it's raining lightly, and I have my blanket, my pillow is so comfy and my eyes are kinda sleepy. Favorite time of the day ko talaga yung 11 p.m. to 2 a.m. na kung saan everything is so peaceful and quiet. Got to believe yung nagpla-play na song ngayon sa phone ko so yun yung ilalagay ko dito. 



Hmm, ang ginawa ko lang nitong mga nakaraang araw ay manood sa YouTube ng random stuffs about coding. Nagse-search ako ng mga basic knowledge lang naman tapos ngayong araw sinubukan kong simulan yung SQL, napagana ko naman yung IDE, nakagawa ako kahit papano ng simpleng database.

Tapos kanina may na-discover akong tagalog dubbed ng favorite anime ko nung year 2022, I missed watching spy family! Sinimulan ko kanina habang nagt-try ng SQL, medyo okay ako sa multi-tasking, nag-e-enjoy akong manood at the same time natututo ako sa DBMS ng konti lang naman. Today is July 13, SATURDAY. Pasukan namin ay August 19. So I have 1 month and 6 days pa to do anything I want pero syempre matching with productivity dapat.

Tapos kanina, after ko manood ng spy family and mag-try ng SQL, napunta ako dito sa blog ko. Tuwing sasapit talaga ang gabi, hindi ko mapigilang hindi mag-reminisce, nakita ko yung photos ko nung bata ako, haaay I wish I could go back from being a child just to feel something again.

Kiddo nissy, huwag munang magmadaling tumanda ha? Mahirap pala kapag nasa 19 years old stage ka na, malapit na sa adulting stage. I think naging masaya naman ako sa pagiging bata ko dati, tapos kitang-kita ko at natatandaan ko na dumaan pala talaga ako sa awkward stage, teenager nissy was full of emotions. And syempre 18 years old nissy was full of love that was getting out of hand.

Sa 19 years na pamumuhay ko sa mundong ibabaw na ito, ang dami ko nang na-experience na mga bagay-bagay. Totoo pala talga yung sinabi ng ate ko dati na huwag ko raw papangarapin na mag-college kasi hindi ko raw magugustuhan. Yung totoo, okay lang naman kasi talaga sakin yung mga naranasan ko nung 1st year, ang nagho-hold back lang sakin ay yung mga bagay na kinakatakutan ko, natatakot akong pumalya, natatakot ako na baka hindi ko kayanin, na baka sa una lang ako magaling. Lagi akong napapangunahan ng takot. Pero ano naman kung mag-fail diba? Hindi naman end of the world kung mangyari yun.

Nakatatak na sa isip ko yung "hindi ka natatalo kung hindi ka gumagalaw" dami ko na namang what ifs ngayong gabi, pero what can I do, I just have to go with the flow, right?

Ano pa bang thoughts ko? Alam mo ba nissy, naiisip ko rin paminsan-minsan yung mga atraso ko sa mga tao, at ngayong lumipas na nga ang panahon, parang hindi ko na alam kung magiging maayos pa ba? pero sa part ko, I think bumabawi na ako sa sarili ko, masyado ko kasing sinisi yung sarili ko sa mga nangyari dati, kaya tuwing may pagkakataon na dapat masaya, iniisip ko na hindi ko ito deserve. Sa pagtagal, napapalaya ko na yung sarili ko sa mga maling nagawa ko. 

Hmm, ano pa ba? Tumila na ang ulan. Wala na ring thoughts na dumadaloy sa aking isipan. 1 minute nalang 1 a.m. na, future nissy, I hope you're doing fine sa mga panahong binabasa mo ito. Okay 1 a.m na, bye! I'll read muna on medium to ease my mind. : )


No comments: