The only limit is my imagination...
It's been almost 2 weeks since I started advanced studying for real. I admit, it's super challenging lalo na sa katulad kong napakaikli ng attention span. Naiintindihan ko naman yung topic, but hindi pa ako gaanong nakakapag-write ng code on my own.
Naalala ko nung mga paunang araw ng pag-aaral ko, yung laman lagi ng mga panaginip ko eh all about coding stuffs, but yung mga panaginip ko these days ay wala na akong natatandaan.
Honestly, sa pagtagal, parang nasasanay na ako na mag-aral tungkol sa mga stuffs na ganito. Totoo pala yun, pwede ko palang matutunan na mahalin yung course na pinili ko for practicality.
Dati, I thought coding is all about html, which is favorite topic ko dati nung grade 6 and 8 since lagi akong nag-e-excel don. But html is not a programming language pala. It's just for starters, I guess? Madaming types ng totoong programming language like Java, Python, SQL, C++ and many more.
Dati talaga masyado akong napanghihinaan ng loob kasi pinasok ko itong course na ito nang wala akong alam. Pero basta may sipag, lahat matututunan, lahat mapag-aaralan.
Tiwala lang, nissy! Rooting for you :)
No comments:
Post a Comment