Alam mo ba future nissy, talking to you during times like these na pagod ako sa maghapon, parang nawawala yung pagod ko. Kanina natatawa ako sa tanong ng friend ko, sabi niya nissy, sino ang pahinga mo? Sabi ko sa isip ko, sarili ko kasi ako lang naman yung kakampi ko. Pero ngayong mga oras na sinusulat ko ito, na-realize ko, si Lord yung pahinga ko.
If nababasa mo ito in the future, gusto ko sanang itanong sa'yo, "nissy, naging successful kaya tayo?" The whole month of January for me, parang ang tagal ng usad ng bawat araw. Siguro ganon talaga kapag simula ng taon.
Hmm before I formally start, isingit ko na lang dito yung last question dun sa assignment namin kasi medyo swak yung topic.
"How will you answer the question, “Who am I?”
The question may seem simple and short, but for someone like me, it takes a while to answer it completely. If I were to ask myself, “Who am I?” I would instantly say, “I am J.D., but I prefer other people to call me Nissy." But on a deeper level, I would say that I am a person full of dreams for herself, a girl who always wishes for her future self to become successful. That is who I really am.
Do I truly know myself? That's the question I face every day. I do not know what my purpose in life is or if I’m on the right path since being in this IT field was not even my first choice to begin with. Despite all the uncertainties I worry about concerning my future, I know that this person called "Nissy" will always find her way back and will eventually discover her purpose in life. That’s who she really is, a girl who dreams bigger for a brighter future, believing that every step she takes is part of the path to becoming the person she is meant to be.
Medyo kalat-kalat yung thoughts ko for tonight, but ang pinaka-purpose talaga nito kaya ko ito ginagawa ay para pagtagpi-tagpiin ang aking mga iniisip hehe. So... where do I start nga? Paanong realization ba ang iyong nais nissy hahahaha.
Month of January for me was like a fresh new start, kasi ganon naman talaga 'di ba kapag simula ng taon. Tipong napupuno ako ng pag-asa, and ang pinag-pray ko talaga ay sana maging maayos at payapa yung 2025 ko. Alam mo ba nissy, mas natututunan ko nang maging open sa mama at papa ko, which I am not comfortable doing for the past years kasi siguro naging part ng transitioning phase ko nung teenager yung pagiging distant sa kanila, but right now na year 2025 na and I am living for almost 2 decades, napapansin ko na hindi na sila bumabata pa, unti-unti ko nang binubuksan ulit yung sarili ko sa kanila. For those who may not know, hindi talaga kami close ng parents ko ever since I was a kid kasi they are always working but like what I always remind myself, naiintindihan ko sila, at alam kong lagi silang bumabawi, by simply asking me every dinner time kung pagod ba ako, gutom na ba ako, those simple questions are what I am always looking forward to every time na uuwi ako after a long tiring day na nasa school ako. Lalo na kahapon, sobrang lakas ng ulan, para akong basang sisiw.
Mas natututunan ko na rin na mag take easy at huwag maging pressure sa mga bagay-bagay. I always say here it in my blog na I am always being hard to myself, halos yun yung problema ko gabi-gabi but as time goes by mas pinipili ko nalang na maging kampante. I had a talk with one of my guy classmate kahapon. Wala kasi yung prof namin non, tapos nakita ko may tatlong lalaki na nasa loob ng room eh nakabukas yung aircon. Masyado na akong overstimulated sa mga ingay sa labas kaya mas pinili kong makinig sa mga kuwento nung 3 guys. Iba pala yung kuwentuhan ng mga lalaki compared sa mga babae. Sabi nung guy classmate ko, "lahat naman tayo nahihirapan, wala namang madali. Siguro sa iba mukhang madali pero when you experience it on your own, ikaw lang makakapagsabi if it works for you." Kaya nissy, kailangan mo talagang kumalas diyan sa pagkakahawak mo sa sarili mo. You have to be free from your own thoughts.
To my friends naman, lagi kong nakikita yung sarili ko na I tend to get shy when talking to other people. Kahit sa mga friends ko dati parang may na-fe-feel akong awkward moment na napapaisip ako, bakit hindi ko ito nararamdaman sa current friends ko ngayon? Hindi ko alam kung dahil ba sa nalipasan na ng panahon, o wala na akong matandaan, pero minsan napapaisip ako, kumusta na kaya yung mga taong naging parte ng buhay ko? Mababalik pa kaya yung dati? Pero sa nangyayari ngayon, kuntento na ako sa kung anong meron ako. May mga tao akong nakilala ngayong college life ko na nagiging dahilan kung bakit kahit hindi ko gusto itong ginagawa ko, sila yung isa sa rason kung bakit pinagpapatuloy ko ito. Syempre, isa rin sa malaking rason ay ang sarili ko.
Na-realize ko rin talaga na time heals everything and I totally relate to it based on my experience. I have this girl classmate, na tinuturing ko na siyang friend ngayon I don't know if siya rin sa'kin pero sa pagtagal ng panahon na alam ko na okay na pala kaming dalawa, natatanggal na yung ilang ko sa kanya. Siguro sa nangyari dati, naging lesson nalang din sakin na huwag ako masyadong magpapadala sa bugso ng damdamin hahahaha but just like what I always say, it is all in the past now at masaya ako na okay na kaming dalawa.
In terms of my relationship with God, alam mo ba my future nissy, sa mga panahong pagod na ako at nanghihina, siya yung lagi kong pinupuntahan. Hindi ko talaga maintindihan dati si mama kung anong purpose nung lagi nyang pagadarasal tuwing gabi at kapag may sakit ako, pero ngayong nararanasan ko na yung mga bagay na walang kung sino mang magpapagaan ng mga mabibigat kong nararamdaman, maisip ko lang na hindi ako kailanman pababayaan ni Lord, ayos na ako. Sino ba naman yung may gusto na iwan ka 'di ba? Iwan na ako ng lahat, huwag lang si Lord. Nandito na ako sa point ng life ko na I am surrendering all my will to him, siya na ang bahala sa mga plano ko, hindi ko na ipipilit pa yung hindi para sa'kin, hindi ko na hahanapin yung mga hindi pa dapat hinahanap.
And lastly, let's talk about the current status of my heart miss nissy. For the past 2 years, para akong nasa isang rollercoaster of emotions. At yung sa latest, parang napapansin ko na hindi na talaga ito tama. A good friend of mine, sinabi niya sa'kin, "why would you settle for someone na hindi good enough for you, bakit ba ganon pa yung nagugustuhan mo?" and an old classmate told me "you deserve what you tolerate, kaya kailangan mong ayusin sarili mo para maging maayos din yung preferences mo" Hindi ko alam kung bakit ba sumisingit sa buhay ko yung mga ganitong pangyayari, ang tanging gusto ko lang maging thrilling itong life kong sobrang boring but what really is happening is that umuulit ako sa sikulo. Nissy, you have to let it all go. Para saan pa lahat ng natutunan mo 'di ba?
Anyway, let's not make it into a big deal. Let's make a promise to ourselves. From now on, you need to do the right thing, yung nakakabuti sa sarili mo, at hindi sa ibang tao. Become the best version of yourself before turning 20, right nissy, that's the goal!
Katapusan na ng buwan at umuulan, every time na umuulan kapag katapusan I always tell to myself, siguro blessing ito ni Lord kasi magiging maganda yung next month. Manifesting!