For today's blog, as you can see on the title, it's all about finding that true love. Ever since I was a kid, sobrang idealistic nung tingin ko sa love, hanggang sa mas naging mature yung perspective ko. Akala ko nakaramdam na ako ng pagmamahal, but then I realized, it was all just an infatuation. Oo, I do love my friends and family but never umabot sa point na I loved someone romantically.
As a 19 years old girlie, I feel like sobrang layo pa ng right time para sa'kin, pinangarap ko dating magkaroon ng highschool sweetheart because I am fond of watching teenage romantic movies, but tulad nga nung sinabi ko kanina, sobrang idealistic nung tingin ko sa love, to the point na lumalayo na ako sa reality.
Kung tatanungin ko yung sarili ko ngayon kung handa na ba akong pumasok sa isang commitment, I will immediately say na no, not yet, and not too soon. Nararamdaman ko na sobra ko pang immature para pumasok sa isang bagay na hindi ko kayang panindigan nang pangmatagalan.
Ngayon na napupuno ako ng mga tao sa paligid ko that have finally found their partner, I honestly feel like kailangan ko munang maging stable sa career ko, because I personally do not have a plan on my future, sumasabay lang ako sa agos ng buhay.
Pero hindi pa rin maaalis sa'kin na ma-pressure, na ma-curious, at minsan na rin sumagi sa isip ko na kailan ko kaya makikita yung taong para sa'kin? Pero yung totoo pala, hindi natin dapat hanapin kasi kusa 'yang darating.
Kaya ang focus ko right now ay ang sarili ko, kailangan ko munang maging buo para kapag may dumating, wala nang dapat pang ayusin.
Tulad nga ng sinabi ko dati...
Naniniwala ako na ang pagkagusto sa isang tao sa kahit anong pagkakataon ay laging mayroong nakalaan na tamang panahon. : )
No comments:
Post a Comment