Total Pageviews

Nissy's Personal Blogging Purpose

I started this blog on August 5, 2021, as a space where I can freely share my thoughts and emotions. Opening up to others has always been hard for me, but this blog helps me work through my feelings and be real with myself. Feel free to read anything here, but please do so with kindness and without judgment. ^_^

Wednesday, December 18, 2024

Take All The Rest That You Definitely Need

I became so busy for the past weeks so hindi na ako masyadong nakakapag-update dito but since today is the first day of the semester break, marami na akong time na pwedeng ilaan para dito sa blogspot ko. 

Tungkol saan nga ba yung pwede kong sabihin sa'yo? Walang kahit anong pumapasok sa isip ko, siguro thankful lang ako na sa lahat ng mga inaral ko sa 1st sem na ito, all of it was worth it. Wala akong kahit anong regret na I should have done better kasi alam ko sa sarili ko na I did all my best.

As I have said here on my blog, ever since I was a kid, academic achiever na talaga ako. Now that it is already december at isang sem na ang nairaos ko, sobra akong na-p-proud sa sarili ko, to all the things I've worked hard for, those sleepless night and sacrifices that, sobrang hindi ko pinagsisisihan. Kaya ngayong bakasyon, isang malaking reward na gawin ko yung mga bagay na gusto ko.

My friend once told me, "may hobby ka ba? Parang puro pag-aaral lang yung inaatupag mo" That time napaisip tuloy ako, mukhang totoo yung sinabi niya. Pero ngayong I have the freedom to do things that I like, hobby ko manood ng movies at magsulat ng ganito. Hindi ako katulad ng iba na naglalaro, o baka wala lang akong interest. Ano pa bang ginagawa ko pampalipas oras? Makinig ng music, oo. 

Hmmm, ano pa ba? Our grades on 2 subjects was released today and yesterday pala. Yung prof namin doon, I was so scared of him during our first meetings. Kung magiging honest ako, kaya lang ako natuto, yun ay dahil sa panonood ng youtube tutorials, hindi dahil sa pagtuturo niya. He told us during our first meeting that he won't spoonfeed us, tapos sabi ng kuya ko sa'kin, normal lang daw yun. Kaya I did everything para lang mag-excel sa subjects niya, kasi sabi ko dati sa blog ko "I will have that feeling of satisfaction if I exceed his expectations." Ngayon na natapos na nga ang buong semester, nung nakita ko yung grade ko, napasabi nalang ako sa sarili ko na "oh damn nissy! Diba sabi ko naman sa'yo kayang-kaya mo yan!" 

Sa susunod na pagdudahan ko pa yung sarili ko, iisipin ko nalang itong point na ito ng college life ko na even if things seems impossible to happen, as long as you believe that you have the capability to do it, you will definitely make it. 

Sobra din akong nap-proud sa sarili ko kasi yung isa sa mga weakness at kinakatakutan kong major subject, I successfully passed its exam yesterday. Napapabilib nalang talaga ako kasi kahit ako, hindi makapaniwala sa mga nagagawa ko at kayang ko pang gawin. 

That's all that happened regarding my acads. Ibang topic naman, if you may ask, kumusta ang puso nissy? What all I can say right now is there will always be a peace when I don't know anything. Hinahayaan ko nalang talaga kasi if it happens, it happens. But if you may ask what I am feeling? A lingering feeling of contentment.

Masaya ako sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko, wala akong kahit anong problema, wala akong iniisip, wala akong kahit anong dinadama. Kalmado at payapa.

Malapit nang matapos ang taong ito, I was so different if I may compare myself to January nissy. Mas lalong sa July nissy. Sa buong year na ito, noong july talaga ako sobrang wasak na wasak, to the point na I want myself to dissapear, I was so helpless, I can't find myself way out. But I'm so so proud of myself kasi I was able to get through it. At ngayon na I have a lot of time again at walang kailangang isipin na kahit ano, I will take all the rest that I need, even if it means disappearing from everyone for a while. 

No comments: