Total Pageviews

Nissy's Personal Blogging Purpose

I started this blog on August 5, 2021, as a space where I can freely share my thoughts and emotions. Opening up to others has always been hard for me, but this blog helps me work through my feelings and be real with myself. Feel free to read anything here, but please do so with kindness and without judgment. ^_^

Wednesday, January 22, 2025

Lord, Nagdududa Na Naman Ako

"If there is one thing that you regret doing, what is it? "

    Last Monday, January 20, our professor on Data Analysis asked us the question above, at hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung ano nga ba talaga? Ang sinagot ko non... "wala dahil ginawa ko yung best ko" pero kung sasabihin ko yung totoong sagot na isinisigaw ng puso ko nung mga oras na 'yon, sasabihin ko na nire-regret ko na masyado kong binababa yung sarili ko.

    Lagi kong paalala sa blog ko na ito na sana hindi ako masyadong maging harsh sa sarili ko, but what is happening in real life is that lagi kong pine-pressure yung sarili ko to the point na ubos na ubos na ako. Bakit ba ako lumaking ganito? Gusto ko lang naman maging masaya itong college life ko. Gusto kong makatakas, makawala, sobrang pagod na pagod na ako into chasing achievements and I feel like I have this imposter syndrome lalo na ngayon na simula na naman ng semester tapos masyado akong na-o-verwhelm sa mga mangyayari. Masyado kong dino-down yung sarili ko. Bakit nga ba ganito? Akala ko ba nissy, magkakampi tayo? 

    Hindi ko masabi sa iba itong mga nararamdaman ko, kasi siguro sa tingin ko, it's better to keep things like this private. Pero sa kung sino mang nakakabasa nito, kung meron man, sana ipagdasal niyo ako. Hindi ako nagbibiro, kasi ngayong mga oras na ito, pagkatapos nitong pagsusulat ko, si Lord nalang yung magiging kausap ko. Hindi ko gustong maging abala, maging perwisyo sa ibang tao, everyone has their own problems, tapos itong sa'kin parang sobrang babaw, hindi ko alam, siguro kaya ganito yung nararamdaman ko ngayon kasi pagod ako sa mag-hapon.

    Pero alam mo ba past nissy, napakalaking tulong ng mga nasabi mo, kasi your words comfort me during times like these. Sana in the future, ma-invent na ang time machine para makausap ko ang past at future nissy, ang cool kaya non!

    May mga pagkakataon na studying is my way of coping, pero bilang kapalit, masyado akong naiipit at nahihirapan. At ang mahirap dito, madalas nangyayari yung bad side, nagsisimula na naman akong magduda sa sarili ko. Sa lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko, isa lang yung negatibo, nagiging kaaway ko yung mga salita sa isipan ko. Those negative thoughts are always haunting me every damn night, kaya ako nahihirapan matulog, at worst, nahihirapan na tanggapin yung mga pagkukulang ko sarili ko.

    Sana sa paglipas ng mga panahon, sana mas maging maayos na lahat. Payapang isipan ang lagi kong hangad.

No comments: