Hello my dear future nissy! Tinatamad ako pumasok ngayong mga oras na ito.
It is currently 9:37 a.m., tapos nakikinig ako ng Misteryoso by my beloved Cup Of Joe hehe. Mamaya na yung first class namin na Data Analysis. Si miss Mye yung prof namin doon. Honestly, kung ikukumpara nung 1st year ako, yung pagiging anxious ko ngayon ay medyo nabawasan. Siguro kasi hindi pa nagsi-sink in sa'kin na pasukan na nga talaga. Pero totoo na ito, kailangan ko nang maghanda dahil magsisimula na ang delubyo.
Katulad nung dati, hindi ko alam kung ano ba dapat yung i-expect ko. Hindi ko alam yung mga gagawin namin, hindi talaga ako nag-research ng kahit ano. Naging sulit nga ba ang break ko? Masasabi ko naman na oo (kahit na tatlong beses lang akong nakagala sa buong bakasyon) pero okay lang, mas pipiliin ko naman na mag-stay dito sa bahay kaysa lumabas-labas.
I think nagawa ko naman yung pahinga na kinailangan ko. Kasi I had a blog dati about rest: Take All The Rest That You Definitely Need which I wrote nung unang araw ng bakasyon. Nabibilisan nga ako sa usad ng panahon. January 20 na agad ngayon. Pero kung tatanungin mo kung ano nga bang ginawa ko, ang masasagot ko lang ay "wala lang, kung ano-ano lang"
But if you may ask me on a deeper level, I took this vacation to have a moment of reflection. Kasi grabe rin yung pagka-drain ko nung 1st sem and it was all because of acads. Nagawa ko naman lahat ng pahinga na gusto kong makamtam. Although not physically but mentally. Kasi kung physical ang pag-uusapan, I kid you not, lagi akong puyat! Sulit na sulit talaga kasi pinanood ko lahat ng gusto kong panoorin. Pero wala akong pinagsisisihan na kahit ano kasi sa panonood lang ako nagkakaron ng kapayapaan sa isip ko. It might be a small thing to others, pero sa introvert na kagaya ko, watching alone during nighttime is so peaceful and therapeutic.
Ngayong pasukan na nga talaga, mas sisipagan ko pa mag-aral. Honestly, kinakabahan nga ako kasi malapit-lapit na ako sa 3rd year. Ibig sabihin lang non, magkakahiwa-hiwalay na kami ng mga kaklase kong nakasanayan ko nang makita every school days. Pati na rin yung circle ko na nakasanayan kong makasama at maka-usap. Masasabi kong huge step na naman para sa'kin yung pagpili ng major, kasi doon nakasalalay yung future ko. Malaking pagbabago 'yun sa'kin kapag nagkataon.
Pero I am always reminding myself na one step at a time, at kung may problema, mahahanapan 'yan lagi ng solusyon.
Kaya future nissy, don't you worry, I got your back! ;)
No comments:
Post a Comment