Sobrang busy ng month na ito, masyado akong napagod.
Ngayong mga oras na ito, na-realize kong May 1 na pala bukas so kahit na inaantok na ako, gusto ko pa ring mag-update kasi naging tradition na para sa blog ko na I have to update my end of the month. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-sulat-sulat, hindi ko na rin nga ito nabubuksan masyado, halos nakakalimutan ko na yung mga nailagay ko rito. Pero ayun, susubukan kong alalahanin yung mga bagay na nangyari sa'kin sa month na ito.
April, my birthmonth, and also the birthmonth of this guy friend of mine. Alam mo yung feeling na I'm so comfortable to him, tipong I don't feel any awkwardness at all, pwede pala talaga mangyari yung platonic friendship, tipong i do care about him a lot. Napansin ko talaga na I am surrounded by kind people, na kahit ako napapatanong sa sarili ko, bakit parang hindi ko deserve?
Since nabanggit ko nga na birthmonth ko, wala namang masyadong ganap, ni hindi ko nga gustong i-celebrate yung sarili kong birthday, pero this blog is not about myself, appreciation lang for my friends, kaso minsan napapaisip ako, paano na ba sa 3rd year? Ngayong April din nangyari yung pilian ng major and most of my friends, BA sila, which is iba sa pinili ko. Kaya ngayong mga oras na ito, napapaisip ako, tama ba yung pinili ko? Future nissy, kakayanin kaya natin ang cisco?
Ngayong April din nangyari yung foundation day, and now that I have experienced na maging isa sa mga member sa isang org, I have come to realize na hindi talaga ako para don. I know it takes time to adjust, pero hindi ko nakikita yung sarili ko na umulit ulit, parang never again. Okay na yung naranasan, basta huwag mangyayari ulit.
Ano pa ba? Hmmm, ngayong month din, ang puro event lang yung naaalala ko, nalalapit na matapos ang school year na ito, 2 weeks to go. And oh! may hindi pala ako naku-kuwento sa'yo...
There was once a guy whom shall not be named to respect his privacy, and they said he had a crush on me, though never ko naman cinonfirm kasi it is something so light na hindi ko na ginawang big deal. We talked for a short span of time kaso I told that person something na I do not want to disclose. Sayang, same wavelength kami sa music and movie taste, pwede sana maging tropa eh. Dami kong what ifs, friendly naman akong tao, pero during those time, gusto kong mag-isolate (tutal yun naman talaga yung lagi kong gusto) But things were not simple as I wish them to be, alam kong hindi ko dapat na kausapin pa siya because he was just curious to me.
Future nissy, sa mga panahong ito, 20 years old, parang hindi ko alam kung makikilala ko pa ba yung taong para sa’kin, because everytime I like someone, I distance myself from them but whenever I feel like someone likes me, I pushes them away.
I am currently listening to filipino old songs, na nagpapa-comfort sa gabi kong mapayapa na walang kahit naong iniisip. Gusto ko yung ganito lang, yung walang kahit anong dinadalang problema, kung pwede lang, kung maaari lang sana.
Back to my realization, siguro ano nalang, huwag magmadali sa mga bagay-bagay, at kapag may gustong sabihin, sasabihin agad, para hindi na maging komplikado, at para na rin sa ikakapayapa ng puso at isipan ko. Maikli lang, parang gasgas na kasi mga realizations ko eh. Ngayong magsisimula na ulit ang bagong month, I want you nissy na maging mas bukas sa mga posibilidad, huwag kang matatakot to take a risk, ipaglaban mo yung mga gusto mo, yung mga nararapat sa'yo and I am so proud of you, you are not haunted by the past anymore, it took you a looong time. 2 weeks na lang, you deserve to rest a lot after this, sana ma-survive mo ang hell week. ^_^
No comments:
Post a Comment