You gotta keep your promises to yourself, miss nissy
Dahil simula na naman ng bagong month, parang isang malaking sign na ito para sa'kin na makapagsimula ulit. To all the feels that I am feeling na hindi umaayon sa aking principles and values in life, kailangan ko nang i-remove sa aking heart.
April 1 has always been a special day for me, but right now, as of this moment, tinatanggal ko na lahat ng memories ko attached within this day. Sobrang random talaga ng pag-u-update ko ng blog ngayon, hindi ako makatulog. Nakikinig na lang ako ng wave to earth and the ridleys playlist kasi sobrang relaxing ng kanta nila.
I do not actually know kung anong kakaharapin ko na mga challenges ngayong month na ito. Masyado kasi akong napagod at na-burnout nung March kaya pakiramdam ko, kahit anong ibigay sa'kin ng buwan na ito, parang immune na ako. Kada linggo nalang akong napapagod eh, tipong walang kahit anong "time freeze", laging nasabak sa giyera. For sure, academic stress lang din yung dala-dala sa'kin ng April.
Pero kahit na ganon man ang nangyari, ituturing ko pa rin na privilege lahat ng paghihirap na nararanasan ko ngayon, mami-miss ko ring ma-stress sa bakasyon, pero right now, gusto ko na makaramdam ng bakasyon, fast forward to holy week please. KAILANGAN KO NG PAHINGA!
Ano bang pwede pang nilalaman ng first blog entry ko for this month? Ayun, my birthday is also near, which is on April 11. Gosh, 20 years old na si Nissy? Parang hindi ko ramdam, na-stuck ata yung age ko sa 16. Bilang isang almost 20 years old, I feel like ang dami ko pang kailangang matutunan, hindi pa sapat yung mga napagdaanan ko, pero sobrang thankful ako sa mga naranasan ko during my teenage years.
Naging kumpleto yung pagiging teenager ko. Naranasan kong ma-inlove sa isang tao, nagkaroon ako ng rebel stage, nagkaroon ako ng napakaraming pimples, I had my glow-up during pandemic, and also, I liked a girl and right now, sa girl na talaga ako na-attract. Damn, that's the highlight of me as a teenager. In terms of my mental well-being, ang dami kong experiences na nagpatatag ng loob at ng mindset ko. I have a long way to go para lang mas mag-improve yung way of thinking ko, because katulad nga ng lagi kong sinasabi, lagi kong binababa yung sarili ko kahit na may mga achievements ako.
Naranasan ko ring maging isang typical kpop fan, pagiging k-drama addict, at hindi matulog nang maaga para lang matapos ang isang episode ng series. Sobrang enjoy ko naman ang buhay ng pagiging teenager. But right now na I am turning 20, kailangan ko nang mag-improve sa everyday life ko lalo na sa social skills ko. Ganito pala yung feeling ng young adult, bakit parang isip bata pa ako? hahaha joke lang.
Sobrang random talaga nung mga sinabi ko, but as I conclude this blog entry for the first day of the month, sana nissy, you always try to find a way para mas mag-grow, huwag kang matataot na magkamali at sumubok, at sana, kapag pipili ka ng mga decisions and life choices, pag-iisipan mo nang mabuti, doon ka sa hindi ka mapapahamak. ^_^
No comments:
Post a Comment