12 months have already passed. Marami-rami akong gustong i-kuwento sa'yo pero hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Wala talaga akong maalala for the past months, paano ko ba ito gagawin? Hindi ko naman kayang isa-isahin yung 12 months. May physical journal naman ako rito wherein doon ko nilalagay yung mga nangyayari sa'kin everyday kaso masyadong ma-trabaho and masyadong overshare if I will tell here in detailed yung mga nangyari.
But I will try my very best para itong last entry ko for this year 2024 ay makabuluhan, may patutunguhan, at may pinanghuhugutan. May nakikita ako somewhere around my feed on threads and ig reels na parang different era raw yung January-August compared sa September-December and I totally relate with that. If you may ask, bakit nga ba?
Nagsimula ang taong 2024 ko na punong-puno ng pag-asa, na sana maging okay na ako, na sana umusad na ako, no more looking back ikanga sabi ni past nissy. Tapos yung ig stories ko noon, puro about self healing, self love, all about prioritizing myself. My journal entries during January to August was full of those stuffs, and suddenly one day, nagulat nalang ako sa sarili ko na bakit parang ang gaan na? Wala na akong nararamdaman. That's when I knew, oh my dear nissy, you have finally moved on. But ofcourse before doing that, I have made a huge mistake, there was overflowing emotions, punong-puno ng galit yung puso ko. Napupuno ng mga regrets, and also mga masasakit na salita na siguro naging dahilan para mawasak ako, hindi ko na nakilala yung sarili ko. Hanggang sa lumala na yung sitwasyon, may mga taong nadamay, may mga nasira, pagkakaibigan, dating bond, at alam ko na sa sarili ko na sa pagkakataon na 'yun, ako yung nagkamali.
I still think of that mistake, and that's the burden that I carry everyday. One friend of mine only knew what actually happened, at alam kong hindi na mababalik pa yung dati between me and that friend, and also to that guy who was also involved. Pero sa kabila ng lahat ng mga negatibong bagay na nangyari sa buhay ko, Sa kalagitnaan ng August of 2024, I have finally freed myself from the past. Hindi nga lang buo, and I know it will take me a lot of time to heal from that.
During the first half of year 2024, second sem ko as a 1st year college student. Honestly wala na akong matandaan na kahit ano sa mga ginawa ko nung first year, but all I just want to say to myself, paulit-ulit na reminder ko talaga na sana kapag dumating yung panahon na nagdududa ka sa sarili mo, labanan mo lang. Magtiwala ka, kasi alam kong malayo yung mararating mo, kaya huwag kang matakot na sumubok.
Hmmm, fast forward to September, it was the adjusting phase kasi marami yung nagsasabi na mahirap daw yung 1st sem as a second year. Sa experience ko naman, hindi ako gaanong nahirapan. Siguro may mga pagkakataon lang na nangangapa ako, kasi bagong prof na naman, tapos may time na iniyakan ko yung prof namin kasi napahiya ako. Pero hindi ko naman dinamdam masyado, sabi ko sa sarili ko, babawi ako. Kaya ipinakita ko sa prof na 'yon yung galing ko and I am proud to say na napakita ko naman sakanya. Although a lot of us really hope na sana hindi na siya maulit, na sana hindi na namin siya maging prof ulit. Nahirapan ako mentally. Not because mahirap yung subject, but becuase I doubted myself so much. Because during the first meet, nung napahiya ako ng prof na 'yon, biglang pumasok sa isip ko na shocks, tama ba na nandito ako sa field na ito? But again, after crying for like 20 minutes, I was able to realize na that prof doesn't know me well yet, hindi ko pa napapakita sa kanya yung kakayahan ko. Kaya everytime na may meeting or lab kami, nagpapakitang gilas talaga ako. Dahil sa pamamahiya niya, lagi akong nag-a-advanced study para sa subject niya, eh dalawa yung handle niya. That pamamahiya, it was a blessing in disguise, right nissy? Someone also told me na, "alam mo, once na mag-excel ka sa kanya, it will be an achievement for you" at ngayon na nangyari nga yon, I think I can handle things better now. Yung pamamahiyang 'yon nung first day yung naging motivation ko para mas galingan ko.
And speaking of motivation, the reason kung bakit ba talaga ako masipag mag-aral is because, wala gusto ko lang. Sabi ko minsan sa sarili ko, nissy uhaw ka ba sa academic validation? Pinag-iisipan ko talaga ng matagal kung ganon ba, pero parang sa pagtagal, gusto ko lang itong ginagawa ko, hindi dahil sa mga parangal, pero dahil dito lang ako nagiging malaya. Kasi iniisip ko, ano bang pagkakaabalahan ko kung hindi ako nag-aaral? I always want to be productive, at sa pag-aaral ko lang yun nararanasan. Wala naman kasi akong ibang hobby, siguro just like what I always say, mahilig akong manood ng mga anime, kdrama, series, and movies. Pero ano pa nga ba? Ayun lang talaga.
Hmmm, pero ang lagi ko talagang paalala, nissy don't overdo it. May mga times na kulang ako sa tulog para lang mag-aral, minsan napapabayaan ko na yung sarili ko, isinasantabi ko yung pag-kain, which is totally wrong. Kaya ngayong bakasyon ay bumabawi na talaga ako sa sarili ko.
May mga tao ring nagiging dahilan kung bakit pinagpapatuloy ko ito, siguro sila yung pangunahing rason kung bakit hindi ko pinagsisisihan na sa BSU Malvar ako pumasok, kasi masaya ako kapag kasama ko sila. Masaya ako na nakilala yung mga taong ito. To my girlies, which are jayn, shia and yuan. Ever since first day, they never left me behind. And that is the most precious thing that ever happened to me in my college life. Ever since elementary, hanggang sa mag senior highschool, hindi ako nagkaroon ng solid na circle na girls sa section. Siguro may mga naging kaibigan ako, pero hindi yung circle talaga. Do not get me wrong, masaya ako sa mga naging hs friends ko, pero iba yung bond sa'min ng girlies ko. Nasanay na ako na sila yung lagi kong kasama. Kapag wala yung isa, nararamdaman kong kulang talaga. And also to rhon and carl, na sobrang unexpected nung friendship. Kay Lorenz, Mharl at Limuel din, na nung una, medyo nahihiya pa akong makisama, lalo kay Limuel kasi nung first year kinakapa ko pa siya. Sa kanilang tatlo, si Lorenz yung unang naka-close ko, ang saya makipag-bardagulan sa kanya, and also sobrang na-appreciate ko yung mga pagtuturo niya sa. Si Wency naman, masayang kasama, joker ng barkada. Tapos si Yesha at Aye. Ever since 1st year, maluwag na yung loob ko sa kanila. Si Yesha yung lagi kong tutor sa mmw noon, tapos ngayong taon, gusto ko siya laging ka-duo sa physics, marami akong natutunan sa kanya. At kapag seryosong usapan, may mga laman yung mga sinasabi niya. Si aye naman, siya yung tipo na may substance talaga kausap, but eventually some things happened that I totally respect and understand. So all in all, yung mga taong nabanggit ko, sila yung pinakadahilan kung bakit hindi ko pinagsisihan na IT yung kinuha ko.
Ano pa ba? Hmmm, sabi ko sa past blog ko, yun na yung huling beses na i-fea-feature ko siya rito sa blog ko. But I also want to include her in my last entry of year 2024. My dear nissy, just like what I told you sa mga naunang blog, there was this transferee who caught my attention, maganda siya, ang cute ng boses niya. She always answers sa mga recitation sa ASEAN, which made me liked that subject. Si Jade talaga yung reason bakit ako ginaganahan pumasok every Wednesday, it was all because of her. But if you may ask me about her, I don't know much. This was all just an infatuation, to be honest. It was during first week of October nung nagkagusto ako sakanya. Happy crush lang, not that deep pero may part sa'kin na affected ako. I want to always see her, to admire her even just from afar. Kaso maraming tao yung nag-warning sa'kin, kahit siya mismo, sinabi na huwag kasi red flag daw, hindi ko pinansin, kasi una sa lahat, hindi naman talaga gaanong kalalim yung pagtingin ko sakanya. But then, kahit na ipilit ko sa sarili ko na happy crush lang ito, alam kong sa pagtagal magiging dehado na ako at delikado. Kaya I eventually told myself na huwag na siya, kasi masasaktan ka talaga. Dumating na rin talaga sa point na kailangan ko pang maging apektado para itigil ko na yung pagkagusto sa kanya, I forced myself na hanapan siya ng mga mali, yung tipong ma-o-off na ako completely at kahit hindi ko hanapin, kusang nagpapakita. Kaya nung last week ng pasukan, I refrain myself from looking at her. Kahit na hindi ko man siya gaanong nakilala, kahit na hindi kami naging close or naging mag-kaibigan, masaya pa rin ako na I liked her for almost 2 months.
May mga bagay din akong ginawa this year na nakapagpaalis sa akin sa comfort zone ko. Tulad nalang ng lagi kong pag-akyat sa stage during our ROTC para manumpa at mag-panata. Although ang dami kong fail moments, proud pa rin ako. Kasi naman, wala akong choice noon, hindi na ako makatanggi sa ROTC officer kasi baka pag-initan pa ako ng ulo. Tapos yung isang beses pa ay sumali ako sa isang Spoken Word Poetry Contest ng guidance sa'min. And ang nag-push talaga sa'kin para sumali ay dahil sa theme. About Mental Health. Eh nung time na 'yon, may parang urge sa puso ko na kaya kong gumawa ng tula about don. Plot twist, tatatlo lang kaming sumali sa contest na 'yon kaya matic sure win ako! Ayun, nanalo ako! hehe.
So while I am typing this, it is currently 11:11 and I am listening to Frank Ely's song entitled Kay Ganda Mo. Every 11:11 talaga, my habit was always crossing my fingers, tapos yung wish ko lagi, payapang puso at isipan. Walang kahit anong hinihiling, yun lang talaga. Speaking of wishes, naniniwala ako na kapag na-kumpleto raw yung simbang gabi, pwede raw mag-wish but no proof na magkakatotoo , sadyang paniniwala lang ng matatanda. Pero wala namang mawawala, kaya ginagawa ko. And ever since 2022, I've been attending simbang gabi, kumpletong 9/9. Though minsan, hindi ko masayadong naiintindihan yung sermon ng pari kasi yung speaker masyadong mahina, and yung mga tao, masyadong maingay. So everytime we sing Ama Namin, doon ko nararamdaman si Lord, kaya dun ko siya kinakausap.
Masyado nang all over the place yun mga sinasabi ko, ang random na nga nung iba. Mahaba na ba itong nilagay ko? O mag-iisip pa ba ako? Sige, i-co-conclude ko na. Hmmm, itong year 2024 para sa'kin, sobrang dami kong natutuhan. I have learned to be more mature, to let go, to accept uncontrollable things, to not doubt myself anymore, and to trust the plan that God has for me. Ano kayang mangyayari sa 2025? Just like the beginning of my 2024, tatapusin ko yung taong ito na punong-puno ng pag-asa. I may not know what the future holds, but I know na whatever happens, I will always stick to my values and principles, and I know na hindi Niya ako pababayaan. So cheers to new beginnings, and let go those negativities that happened to you, my nissy <3
No comments:
Post a Comment