Total Pageviews

Nissy's Personal Blogging Purpose

I started this blog on August 5, 2021, as a space where I can freely share my thoughts and emotions. Opening up to others has always been hard for me, but this blog helps me work through my feelings and be real with myself. Feel free to read anything here, but please do so with kindness and without judgment. ^_^

Thursday, December 19, 2024

Ikaw? Anong Kuwentong Pasko Mo?

     It is December 19 today, 6 days nalang pasko na. Sa totoo lang, hindi ko masyadong nararamdaman yung paglapit ng pasko kasi siguro wala kaming kahit anong decorations, or sadyang hindi na ako bata para maramdaman yung ganito. Kaya mag-reminisce tayo!

    Saan ba ako magsisimula? Yung una kong memory nung bata ako about christmas ay lagi kaming napunta sa Balagtas para mag-celebrate ng pasko at new year. Tapos lagi kaming nag-aabang sa labas kasi yung bahay ng ninang ko, nasa loob ng isang subdivision tapos yung mga kapitbahay nila ninang, punong-puno ng mga fireworks.

    Meron din akong memory nung bata ako na dapat mangangaroling kami kasama yung mga tita at pinsan ko, eh sobrang iyakin ko nung bata sabi ko huwag muna tayong aalis wala akong bulsa panlagay dun sa mga barya tapos sila, umalis na tapos ako iniwan lang dun sa bahay kasi iyak ako nang iyak kasi wala akong bulsa.

    Naniniwala ba kayo kay santa dati? Ako kasi, oo. Hindi ko lagi naabutan yung noche buena kasi sobrang antukin ko rin nung bata kaya lagi nalang akong naglalagay ng medyas, kami ni kuya, dun sa may bintana tapos pagkagising namin ni kuya sa umaga, may mga chocolates tapos pera doon sa medyas, tapos kami ni kuya tuwang-tuwa. 

    Hilig ko rin makatanggap dati ng doll house! Mayroon akong ninang tapos ang pangalan niya ninang Gie na laging complete attendance kapag pasko, hindi ko pa siya nakikita ulit kasi lagi lang niyang pinapabigay kay mama dahil magkatrabaho sila, at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam yung mukha niya.

       Dati talaga sa tuwing sumasapit yung pasko, may mga core memories talaga, lalo na yung happy feeling kapag nakakatanggap ng pera at nakakakain ng iconic fiesta ham. If only I could turn back time and experience being a kiddo again, kahit isang araw lang, para maramdaman ko ulit yung kakaibang feeling kapag pasko na. Pero ito talaga yung reality and we cannot do anything about it. In the future, if ever lang, I'm not manifesting nor hoping, but kapag nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ako ng sarili kong family, I would let my kiddos experience the spirit of christmas.

    Do not get me wrong, I had the most wonderful childhood dahil sa parents ko, honestly parang nagkaroon ako ng normal na childhood yung tipong walang ihe-heal na innerchild, kasi lahat talaga ng bagay na pwedeng maranasan ng isang kabataan, naranasan ko. Naging gentle din yung parenting sa'kin ng parents ko, not too strict.

    All in all, Christmas will always be my favorite holiday of the year! ^_^

No comments: