Total Pageviews

Nissy's Personal Blogging Purpose

I started this blog on August 5, 2021, as a space where I can freely share my thoughts and emotions. Opening up to others has always been hard for me, but this blog helps me work through my feelings and be real with myself. Feel free to read anything here, but please do so with kindness and without judgment. ^_^

Wednesday, April 30, 2025

End of Month, April 2025

 Sobrang busy ng month na ito, masyado akong napagod.

    Ngayong mga oras na ito, na-realize kong May 1 na pala bukas so kahit na inaantok na ako, gusto ko pa ring mag-update kasi naging tradition na para sa blog ko na I have to update my end of the month. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-sulat-sulat, hindi ko na rin nga ito nabubuksan masyado, halos nakakalimutan ko na yung mga nailagay ko rito. Pero ayun, susubukan kong alalahanin yung mga bagay na nangyari sa'kin sa month na ito.

    April, my birthmonth, and also the birthmonth of this guy friend of mine. Alam mo yung feeling na I'm so comfortable to him, tipong I don't feel any awkwardness at all, pwede pala talaga mangyari yung platonic friendship, tipong i do care about him a lot. Napansin ko talaga na I am surrounded by kind people, na kahit ako napapatanong sa sarili ko, bakit parang hindi ko deserve? 

    Since nabanggit ko nga na birthmonth ko, wala namang masyadong ganap, ni hindi ko nga gustong i-celebrate yung sarili kong birthday, pero this blog is not about myself, appreciation lang for my friends, kaso minsan napapaisip ako, paano na ba sa 3rd year? Ngayong April din nangyari yung pilian ng major and most of my friends, BA sila, which is iba sa pinili ko. Kaya ngayong mga oras na ito, napapaisip ako, tama ba yung pinili ko? Future nissy, kakayanin kaya natin ang cisco?

    Ngayong April din nangyari yung foundation day, and now that I have experienced na maging isa sa mga member sa isang org, I have come to realize na hindi talaga ako para don. I know it takes time to adjust, pero hindi ko nakikita yung sarili ko na umulit ulit, parang never again. Okay na yung naranasan, basta huwag mangyayari ulit. 

    Ano pa ba? Hmmm, ngayong month din, ang puro event lang yung naaalala ko, nalalapit na matapos ang school year na ito, 2 weeks to go. And oh! may hindi pala ako naku-kuwento sa'yo...

There was once a guy whom shall not be named to respect his privacy, and they said he had a crush on me, though never ko naman cinonfirm kasi it is something so light na hindi ko na ginawang big deal. We talked for a short span of time kaso I told that person something na I do not want to disclose. Sayang, same wavelength kami sa music and movie taste, pwede sana maging tropa eh. Dami kong what ifs, friendly naman akong tao, pero during those time, gusto kong mag-isolate (tutal yun naman talaga yung lagi kong gusto) But things were not simple as I wish them to be, alam kong hindi ko dapat na kausapin pa siya because he was just curious to me. 

Future nissy, sa mga panahong ito, 20 years old, parang hindi ko alam kung makikilala ko pa ba yung taong para sa’kin, because everytime I like someone, I distance myself from them but whenever I feel like someone likes me, I pushes them away. 

I am currently listening to filipino old songs, na nagpapa-comfort sa gabi kong mapayapa na walang kahit naong iniisip. Gusto ko yung ganito lang, yung walang kahit anong dinadalang problema, kung pwede lang, kung maaari lang sana. 

 

Back to my realization, siguro ano nalang, huwag magmadali sa mga bagay-bagay, at kapag may gustong sabihin, sasabihin agad, para hindi na maging komplikado, at para na rin sa ikakapayapa ng puso at isipan ko. Maikli lang, parang gasgas na kasi mga realizations ko eh. Ngayong magsisimula na ulit ang bagong month, I want you nissy na maging mas bukas sa mga posibilidad, huwag kang matatakot to take a risk, ipaglaban mo yung mga gusto mo, yung mga nararapat sa'yo and I am so proud of you, you are not haunted by the past anymore, it took you a looong time. 2 weeks na lang, you deserve to rest a lot after this, sana ma-survive mo ang hell week. ^_^ 

Tuesday, April 1, 2025

Happy 1st Day Of April!

 You gotta keep your promises to yourself, miss nissy


And I know it's getting hard to remember where we started
We're in the middle of the road to the promised land
If we hold on I promise we'll see a better plan
And I know it's getting hard to remember how we got here
We're in the middle of the road to the promised land
If we hold on I promise we'll see a better plan


    Dahil simula na naman ng bagong month, parang isang malaking sign na ito para sa'kin na makapagsimula ulit. To all the feels that I am feeling na hindi umaayon sa aking principles and values in life, kailangan ko nang i-remove sa aking heart. 

     April 1 has always been a special day for me, but right now, as of this moment, tinatanggal ko na lahat ng memories ko attached within this day. Sobrang random talaga ng pag-u-update ko ng blog ngayon, hindi ako makatulog. Nakikinig na lang ako ng wave to earth and the ridleys playlist kasi sobrang relaxing ng kanta nila. 

    I do not actually know kung anong kakaharapin ko na mga challenges ngayong month na ito. Masyado kasi akong napagod at na-burnout nung March kaya pakiramdam ko, kahit anong ibigay sa'kin ng buwan na ito, parang immune na ako. Kada linggo nalang akong napapagod eh, tipong walang kahit anong "time freeze", laging nasabak sa giyera. For sure, academic stress lang din yung dala-dala sa'kin ng April.

    Pero kahit na ganon man ang nangyari, ituturing ko pa rin na privilege lahat ng paghihirap na nararanasan ko ngayon, mami-miss ko ring ma-stress sa bakasyon, pero right now, gusto ko na makaramdam ng bakasyon, fast forward to holy week please. KAILANGAN KO NG PAHINGA!

    Ano bang pwede pang nilalaman ng first blog entry ko for this month? Ayun, my birthday is also near, which is on April 11. Gosh, 20 years old na si Nissy? Parang hindi ko ramdam, na-stuck ata yung age ko sa 16. Bilang isang almost 20 years old, I feel like ang dami ko pang kailangang matutunan, hindi pa sapat yung mga napagdaanan ko, pero sobrang thankful ako sa mga naranasan ko during my teenage years.

    Naging kumpleto yung pagiging teenager ko. Naranasan kong ma-inlove sa isang tao, nagkaroon ako ng rebel stage, nagkaroon ako ng napakaraming pimples, I had my glow-up during pandemic, and also, I liked a girl and right now, sa girl na talaga ako na-attract. Damn, that's the highlight of me as a teenager. In terms of my mental well-being, ang dami kong experiences na nagpatatag ng loob at ng mindset ko. I have a long way to go para lang mas mag-improve yung way of thinking ko, because katulad nga ng lagi kong sinasabi, lagi kong binababa yung sarili ko kahit na may mga achievements ako.

    Naranasan ko ring maging isang typical kpop fan, pagiging k-drama addict, at hindi matulog nang maaga para lang matapos ang isang episode ng series. Sobrang enjoy ko naman ang buhay ng pagiging teenager. But right now na I am turning 20, kailangan ko nang mag-improve sa everyday life ko lalo na sa social skills ko. Ganito pala yung feeling ng young adult, bakit parang isip bata pa ako? hahaha joke lang.

    Sobrang random talaga nung mga sinabi ko, but as I conclude this blog entry for the first day of the month, sana nissy, you always try to find a way para mas mag-grow, huwag kang matataot na magkamali at sumubok, at sana, kapag pipili ka ng mga decisions and life choices, pag-iisipan mo nang mabuti, doon ka sa hindi ka mapapahamak. ^_^