Sobrang bilis para sa'kin ng month na ito. Bakit nga ba?
Masyadong maraming binigay na gawain, halos sunod-sunod nung mga nakaraang linggo, kaya siguro hindi ko na namamalayan yung bawat oras at mga araw na lumilipas. Ngayong mga panahong sinusulat ko ito, tanging hiling ko lang, makapagpahinga nang payapa.
My February started as a brokenhearted girlie (tinatawanan ko nalang ngayon) and I am confidently saying na tinatapos ko ang February ko na ito with a happy heart. Ano nga bang nangyari sa month na ito? Teka, isa-isahin ko.
As I've read thoroughly on my online journal, there is one thing that I am usually talking about and those are the people that became part of my every day. I won't mention any names here, code name nalang.
First of all, I want to appreciate this guy friend of mine, whom I call someone na soft boy. I like how soft spoken he is, although alam ko naman na may mga kalokohan siyang ginagawa together with his two friends. But all in all, sobrang grateful ako to meet someone like him na matatawag ko talagang platonic friend that I care so much.
Also to these two girls whom I can call "dog lovers girlies" Hindi ako makaisip nang kahit anong code name, kaya yun nalang kasi parehas silang may doggies. Ang gaan ng loob ko sa kanilang dalawa.
Ano pa bang pwede ko i-kuwento? Ang naging realization ko sa month na ito ay I should be considerate more to the feelings of other people. Hindi ako sanay mag-sorry, hindi rin ako sanay na ilagay yung sarili ko sa isang complicated situation na kung saan ico-confront ko yung isang tao para lang malaman niya yung side ko. Siguro yun yung kailangan kong i-improve sa sarili ko, to be someone who can stand up on her own, and own up her mistakes. Hindi ako yung ma-pride na tao, pero once na magka-conflict, the initial reaction that I am having is silent treatment and avoiding that person.
I do not know why ganon yung actions ko, but the only thing that I am certain is, lumaki akong hindi nalalaman ng iba yung tunay na nararamdaman ko, I tend to keep things on my own, ayaw ko na magkaroon ng malaking away, gusto ko ire-resolve ko yung negative feelings ko on my own, hanggang sa maging magaan na ulit yung loob ko.
Month of February also for me is something stressful. Hindi ko man nasasabi sa iba, maging sa mga taong malalapit sa'kin ngayon, pero sobra na akong burnout with what's currently happening in my life. Gusto ko nalang na mag-pause, pwede ba yung patitigilin ko muna for 10 minutes yung oras? Para makapag-isip-isip? Hindi na ako nagkakaroon ng urge to study hard, nawawalan na ako ng gana ipagpatuloy ito lahat, hindi ko na gusto yung mga ginagawa ko, I'm just accomplishing task para lang hindi ako matambakan but in reality, gusto ko nalang na hindi ito gawin lahat. Tinatamad na ako sa lahat.
For the concluding part, what I have learned for this month of February is that... I'm so blessed to have friends that are so nice. Minsan napapaisip ako, am I a good friend? Gusto kong mas mag-improve and become a better person and a better friend. Sumagi sa isip ko ang shs friends ko, kumusta na kaya sila? Hindi ko na alam kung paano sila i-approach, kailan kaya magkakaroon ng pagkakataon na mag-reconnect ulit kami? I hope they are doing fine.
No comments:
Post a Comment