"Do you really want to feel this?"
Commitment. Ever since talaga, allergic na ako sa word na 'yan. Probably because I'm not yet ready but most especially because I don't see myself as someone with a relationship. That's a major red flag for me.
If I could totally describe myself, "isang taong may attachment at commitment issues." Gusto ko yung malalaman ng tao na gusto ko siya pero no strings attached, kahit ako yung mas nahuhulog at mas talo sa huli, hindi ko gugustuhing magkaroon ng commitment sa isang taong hindi ko mapapanindigan kasi kahit sarili ko hindi ko magawang mahalin at alagaan.
Bakit nga ba ako nagmamadali? Wala naman akong hinahabol.
19 years old, ang age na kung saan I still have to figure things out myself at hindi ko na ulit hahayaan na magpapasok pa ng tao sa buhay kong magulo at komplikado. No more flings, no more distractions. Hey, focus more on those things na mas important. Huwag mong hahayaan yung sarili mo na magpadala sa emotions mo, remember, you know in yourself hindi pa ito yung tamang pagkakataon at panahon para sa'yo.
Halos lahat na siguro ng mga tao sa paligid ko meron nang mga partner, kahit nga mga batchmates ko may sari-sarili na ring lovers. Pero Bakit ko nga ba ito kinukumpara sa sarili ko? Hindi dapat ako napre-pressure sa takbo ng buhay ng ibang tao. At our own pace, right nissy?
Haaay nissy, your midnight thoughts are so random.
Ah basta! I can't handle commitments and relationships. Platonic pa nga lang hirap na hirap na akong i-maintain, what more pa kaya kung romantic?
No comments:
Post a Comment