Total Pageviews

Nissy's Personal Blogging Purpose

I started this blog on August 5, 2021, as a space where I can freely share my thoughts and emotions. Opening up to others has always been hard for me, but this blog helps me work through my feelings and be real with myself. Feel free to read anything here, but please do so with kindness and without judgment. ^_^

Sunday, June 15, 2025

Late Night In The Middle Of June

Lately, I've been thinking na I might stop publishing new entries for this blog simply because I want to live my life privately now. Medyo nawawalan na rin ako ng gana na magsulat but what's holding me back is that this blogspot has been my safe space for almost 4 years. Ito yung naging paraan ko para i-kuwento yung mga happy memories ko, and also naging listener ko everytime na dinadalaw ako ng mga multo ng nakaraan ko.

However, with what's happening to my life right now, nagiging masaya na ako sa takbo ng buhay ko and a big part of it ay dahil nakilala ko yung taong tanggap ako nang buong-buo. Hindi ko na kailangan pang magtago rito sa blog na ito para lang mapakita ko yung sarili ko. Siguro sooner or later, baka maisip ko na mag-update dito from time to time, pero hindi na katulad dati. Lalo na yung End of Month blogs ko na lagi kong ginagawa, baka hindi na rin ako masyadong maging consistent.

June 15... half of the month na and at the same time, half of the year. If I may look back to my old post (both draft and published), masasabi ko na ang dami talagang nagbago sa buhay ko at sa mga pananaw ko in terms of living.

Medyo na me-mental block na ako at hindi ko na alam ang mga pwede ko pang sabihin. I have 9 weeks bago mag-start ang pasukan, lagi akong natatakot at kinakabahan sa mga posibleng mangyari, pero just like what I always say to myself...

kaya natin ito! Go with the flow lang :)

Friday, June 6, 2025

2nd Semester (Finals) Grades Are Released!

 


As you guys can see, medyo puffy pa yung eyes ko. Sa mismong moment na sinusulat ko ito, hindi ko pa rin ma-proseso. Ang bilis ng panahon, 3rd year na ako sa pasukan!

Looking back to my old blog posts, punong-puno ako ng pagdududa sa sarili ko. Sa simula ng school year, naramdaman ko sa sarili ko na parang "bakit hindi ko kayang makasabay? bakit parang nahuhuli ako?" hanggang sa umabot sa time na kailangan kong mag-advanced study before going to class to lessen the feeling of doubt and negativities to myself. 

Maraming taong nag-re-remind sa'kin na hindi ko dapat masyadong pinapahirapan yung sarili ko. Pero one time, may nakausap ako. Sabi niya sa'kin, para saan pa yung nakukuha mong matataas na grades kung hindi naman yan yung gusto mo? That is the moment when reality hits me, gabi-gabi pa rin akong minumulto nung mga decisions ko in life. I wanted to study dentistry, but I was a coward to pursue it.

Pero life goes on, hindi tungkol sa negativities yung blog ko for today. My future nissy, this is a reminder for you na kaya mo naman talaga, mahirap sa umpisa, pero during the process, alam kong nakikita mo sa sarili mo na nasa tamang direksiyon ka. Naiiyak ako (happy tears) sa mga panahong ito kasi hindi ko inaakala na kaya ko pala ito. Takot na takot ako dati at sobrang stress sa dami ng gawain. Tapos bumabalik yung takot ko ngayon kasi alam kong mas mahirap pa yung kakaharapin ko sa 3rd Year. 

but hey, kaya natin ito. Lagi nating nakakaya. Goodluck sa'tin!
 



Sunday, June 1, 2025

My Sweetest Guy



I love experiencing my first times with you, my love.

As a girl na no boyfriend since birth, never ako nakaranas ng mga bagay like maligawan, magpakilala sa magulang, maharanahan, maging clingy, maging komportable sa isang lalaki na hindi kapamilya, mayakap, makatanggap ng isang bulaklak, at marami pang iba. Sa kanya ko lang naranasan lahat-lahat, pati na rin ang makaramdam ng tunay na pagmamahal.

I admit that two years ago, I once fell in love, but that love turned into an obsession, making me emotionally dependent on that guy. It shattered my heart into pieces, at masasabi ko na yung pagmamahal na 'yon, iba sa nararamdaman ko ngayon kay Rhon. Kaya I am willing to do my very best para hindi maging deja vu at maulit yung mga bagay na naranasan ko dati. Gusto kong maging healthy at payapa yung love na nararamdaman namin sa isa't isa.

So, for today's blog, all I just want to say is that I am so lucky to find someone like him, lalo na sa panahon ngayon, he is like a rare gem whom I will forever cherish and treasure, kaya Lord, sana umayon yung plano niyo para sa'ming dalawa.

If only there's no limitations and boundaries which keeps on holding me back, lagi kong sasabihin sa kanya na mahal na mahal kita. I hope he knows what I am feeling even if sa ibang bagay ko pinapakita. But just like what he always say, darating din tayo diyan, my love. So there's no need to rush, things will fall into place.

At habang hinihintay nating dumating ang tamang panahon para masabi ko nang buong-buo at walang alinlangan ang “mahal na mahal kita,” pinipili kong iparamdam ito sa bawat maliit na paraan na kaya ko. Sa bawat pag-alala ko sa'yo kahit abala ako, sa mga simpleng mensahe ko ng "ingat ka" o "kumain ka na ba?", sa mga tahimik na sandali nating magkasama, sa mga ngiting hindi ko mapigilan kapag ikaw ang kausap ko, lahat 'yan ay patunay na mahalaga ka sa akin.

Minsan naiisip ko, paano kaya kung hindi ko siya nakilala? Baka hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano maging totoo sa sarili ko. Baka patuloy ko pa ring pinagdududahan kung karapat-dapat ba akong mahalin. Pero dumating siya, isang taong hindi ako sinubukang ayusin, kundi tinanggap ako ng buo.

Hindi ko rin akalaing darating ako sa punto na magiging sweet at clingy ako sa isang tao. Alam kong dati, I built my walls high. Takot masaktan, takot umasa, takot ibigay ang lahat. Pero ngayon, unti-unti ko ‘yong binababa. Okay lang pala maging mahina. Okay lang umiyak. Okay lang tumawa nang malakas. Okay lang maging ako.

At sa bawat araw na lumilipas, lalo kong napapatunayan na hindi coincidence ang lahat ng ito. May dahilan kung bakit sinaktan ako nung nauna, kasi siya ‘yung dapat magturo sa akin kung ano ‘yung tamang pagmamahal. Hindi ko man alam kung anong mga possible na mangyari in the future, but as long as he's with me, hindi ako kailanman matatakot.

And maybe that’s what love truly is, not just the butterflies or the grand gestures, but the consistency, patience, and kindness that make you feel safe and seen. At ikaw 'yon, Rhon. Sa mundo na puno ng uncertainties, ikaw ang isa sa mga bagay na gusto kong ipaglaban, ipagdasal, alagaan, at patuloy na mamahalin.

Kaya habang sinusulat ko 'to, hindi ko mapigilang mapangiti. Kasi kahit na maraming “firsts” pa akong pagdadaanan, basta ikaw ang kasama ko, handa akong harapin ang lahat ng 'yon. Isa-isa, dahan-dahan, at sabay nating tatahakin with formalities.

Marami pa tayong kuwento na mabubuo. At kapag dumating ang araw na wala nang kailangang itago o pigilan, ipagmamalaki kong sabihin sa lahat na "minamahal ko siya sa paraang alam ko, at minamahal niya ako nang higit pa sa inaakala ko."

I love you most, my love <3

Saturday, May 31, 2025

End of Month, May 2025

This month has brought so much joy onto my life, pero sa kabila ng lahat ng saya, may nakakubling mga pagluluksa.


    Nagsimula ang Month of May ko na punong-puno ng stress related sa academics, katulad nalang ng mga pinapagawa sa subjects like Information Management na case study na hindi ko naman naintindihan, also this mock interview for Purposive Communication who kept me anxious for 2 weeks, and yung final requirement for Computer Networking na naging dahilan para pagdudahan ko yung naging decision ko in terms of choosing my major. But despite that, ang magandang bagay na nangyari sa'kin ngayong May is to finally accept my feelings towards my friend i have met during the 2nd Semester as a 1st year college student.

Paulit-ulit na pangako ko sa sarili ko dati, nissy huwag sa kaibigan, ekis tayo diyan. Pero nag-iba talaga yung perspective ko ever since Rhon and I confessed our feelings to each other. Nagkaroon ako ng mas malalim na rason at dahilan para bumangon nang masaya araw-araw. Instantly nagkaroon ng kulay yung buhay kong parang robot na academics lang ang inaatupag. Iba talaga ang nagagawa kapag mag nararamdaman romantically, nagbabago yung buong katauhan ko. Yung sweet at clingy side that I never thought na meron ako, sa kanya ko lang pinapakita, exclusively for him.

I've always been a man-hater, ang tingin ko dati sa lahat ng lalaki (except family and friends), pare-parehas na manloloko or red flag, but totoo nga yung nasa kanta na in a world of boys, he's a gentleman. Siguro masyado lang akong na-trauma on my past kaya ganon yung naging tingin ko sa mga lalaki, pero meron namang nag-e-exist na guy out there na matino, just like my sweetest guy, Rhon Russell ^_^

Change topic, I lost a loved one ngayong May, sobrang nakakabigla na tuwing tinitingnan ko sa mata si Ninong, naiiyak ako kasi he is so strong lalo na ngayong time na ito. His wife, my ninang, passed way last May 25, tapos ang naaalala kong memory sa kanila, they were my favorite ninong and ninang, na tipong masaya yung childhood ko dahil sa kanila. Nung bata ako, sobrang close namin but sa paglaki since hindi rin nakakadalaw sa isa't isa, medyo hindi na nakakapag-usap-usap. All in all, sa nangyari na ito sa buhay ko, na-realize ko na life is too short, so take all the risk, do whatever makes you happy hangga't hindi pa huli ang lahat.

Nagtataka lang ako kasi ninang was such a kind and genuine person, maraming tao pa siyang matutulungan, she was such a hardworking woman na nag-aral ng law for many years tapos nakapasa as Attorney last 2019. Bakit ang aga siyang kinuha ni Lord? :(

To conclude it all, natutunan ko sa month na ito na I have to fight my fears. Nung madaling araw na nag-confess kami sa isa't isa ni Rhon, it was a core memory na kulay yellow and violet (inside out reference) kasi mixed emotions na joy and fear. Joy kasi masaya ako na hindi lang pala ako yung nakakaramdam, our feelings are mutual. Pero natatakot ako sa maaaring mangyari -- either he will be the father of my kid (NOT TOO SOON, 10 years from now hehe) or my biggest heartbreak. Sa lahat ng napagdaanan ko related sa love, sa kanya ko lang nararanasan at nararamdaman kung ano ba talaga yung totoong pakiramdam ng pagmamahal. With him, I always feel at peace, na hindi ko naramdaman during my past. Isa rin sa natutuhan ko ay hindi tayo forever nandito sa mundong ibabaw, so sa araw-araw, I will always choose to live, not just to survive.

Nagkaroon ako dati ng phase sa buhay ko na ayoko nang magpatuloy kasi sa lahat ng nangyayari, hindi na umaayon sa gusto ko. Pero ngayon, sa present moment na ito, everything made sense. Dati, during june - july 2024, it was also vacation day, I was so helpless, to the point na hindi ko na makilala yung sarili ko, hindi na tama yung mga ginagawa at mga desisyon ko. Pero naniniwala ako na lahat ng bagay na ginawa ko na hindi tumutugma sa prinsipyo ko bilang isang babae at isang tao, nagawan ko naman ng paraan para bumalik ako sa sarili ko. From now on, gagawin ko na yung mga bagay na nararapat.

Lastly, I will always be grateful to Rhon for bringing back the colors to my life. Iba yung naging impact nung existence niya kung bakit mas lalo kong na-a-appreciate yung sarili ko. :)

Thursday, May 29, 2025

Have You Ever Cried Because You're Way Too Happy?


As I am scrolling through my screenshots here in my laptop, puro mukha ni Rhon yung nakikita ko tapos while listening to the song above, hindi ko mapigilan yung sarili ko, tears kept on falling, but in a good way. 

Damn, first time kong umiyak sa lalaki pero because of a positive reason.

Bigla tuloy akong naging thankful sa mga decision ko sa buhay that led me sa buhay na meron ako ngayon. Naiisip ko, what if hindi ko pinili itong course na ito or what if sa ibang university ako nag-aral, edi hindi ko siya makikilala? Parang sobrang saya ng puso ko ngayon to the point na words can't even describe it, gusto ko na lang na umiyak at magpasalamat kay Lord for letting me meet someone like him.

Short blog lang for appreciation sa mga nangyayari ngayon sa life ni nissy 

My Only Certainty Among A Thousand Doubts


I want to write more about you here, my love

I remember, I once had a blog titled Love Is... and ang context lang nito ay hindi ko dapat hinahanap sa iba yung love na makikita ko naman sa sarili ko. Love also should make me calm and at peace, not make my heart go crazy and chaotic.

Sa nararanasan ko ngayon kay Rhon, I feel so secured to the point na lahat ng mga ino-overthink ko that could possibly happen in the future, nagagawan niya ng paraan para mapagaan yung loob at isipan ko. Minsan ko siyang tinanong... "how do you know if love mo na ba yung isang tao?" and he said na love is something na nag-a-accumulate over time. That's when I suddenly knew, this man has so much more inside of him. Mas gusto ko siyang makilala. Hindi ko na kailangang mangamba, and I feel like may patutunguhan lahat ng ito.

Yesterday, it was May 28 and eksaktong Wedding Anniversary nila mama at papa. The day before that, I posted a video on tiktok about me and Rhon. Mama saw that video of us tapos tinanong ako. During that time, alam kong yun na yung right moment na sabihin ko na sa kanila yung tungkol sa'min ni Rhon. 

Never ako nagpakilala ng kung sino man sa parents ko in formal, Rhon was the first guy. Kahit na sobra akong natatakot at kinakabahan sa possible response nila, nilakasan ko yung loob ko nung gabi para officially na ipakilala. Everything that happened yesterday's night was so chaotic, ang bilis din to the point na hindi ko ma-proseso lahat-lahat. Akala ko pagbabawalan kami, yung mga in-overthink ko na negative things, hindi nangyari. 

Natapos ang buong araw na gumaan yung pakiramdam ko, hindi ko na kailangang maging careful kasi kilala na si Rhon ng parents ko. I feel so glad, na para bang gusto kong ipagsigawan si Rhon sa buong mundo. That's too exaggerated, right? 

Everytime na tinititigan ko si Rhon, ang dami kong nare-realize -- sobrang swerte ko sa kanya. I've never expected to experience something like this in my life, buo na yung desisyon ko dati na mag-isa nalang akong tatanda at magiging isang single rich tita na nags-spoil ng pamangkin pero nagbago na ngayon. Sobrang happy ko na I get to do all my first time together with him and sana matupad yung pangarap naming dalawa nang magkasama. ^_^