This month has brought so much joy onto my life, pero sa kabila ng lahat ng saya, may nakakubling mga pagluluksa.
Nagsimula ang Month of May ko na punong-puno ng stress related sa academics, katulad nalang ng mga pinapagawa sa subjects like Information Management na case study na hindi ko naman naintindihan, also this mock interview for Purposive Communication who kept me anxious for 2 weeks, and yung final requirement for Computer Networking na naging dahilan para pagdudahan ko yung naging decision ko in terms of choosing my major. But despite that, ang magandang bagay na nangyari sa'kin ngayong May is to finally accept my feelings towards my friend i have met during the 2nd Semester as a 1st year college student.
Paulit-ulit na pangako ko sa sarili ko dati, nissy huwag sa kaibigan, ekis tayo diyan. Pero nag-iba talaga yung perspective ko ever since Rhon and I confessed our feelings to each other. Nagkaroon ako ng mas malalim na rason at dahilan para bumangon nang masaya araw-araw. Instantly nagkaroon ng kulay yung buhay kong parang robot na academics lang ang inaatupag. Iba talaga ang nagagawa kapag mag nararamdaman romantically, nagbabago yung buong katauhan ko. Yung sweet at clingy side that I never thought na meron ako, sa kanya ko lang pinapakita, exclusively for him.
I've always been a man-hater, ang tingin ko dati sa lahat ng lalaki (except family and friends), pare-parehas na manloloko or red flag, but totoo nga yung nasa kanta na in a world of boys, he's a gentleman. Siguro masyado lang akong na-trauma on my past kaya ganon yung naging tingin ko sa mga lalaki, pero meron namang nag-e-exist na guy out there na matino, just like my sweetest guy, Rhon Russell ^_^
Change topic, I lost a loved one ngayong May, sobrang nakakabigla na tuwing tinitingnan ko sa mata si Ninong, naiiyak ako kasi he is so strong lalo na ngayong time na ito. His wife, my ninang, passed way last May 25, tapos ang naaalala kong memory sa kanila, they were my favorite ninong and ninang, na tipong masaya yung childhood ko dahil sa kanila. Nung bata ako, sobrang close namin but sa paglaki since hindi rin nakakadalaw sa isa't isa, medyo hindi na nakakapag-usap-usap. All in all, sa nangyari na ito sa buhay ko, na-realize ko na life is too short, so take all the risk, do whatever makes you happy hangga't hindi pa huli ang lahat.
Nagtataka lang ako kasi ninang was such a kind and genuine person, maraming tao pa siyang matutulungan, she was such a hardworking woman na nag-aral ng law for many years tapos nakapasa as Attorney last 2019. Bakit ang aga siyang kinuha ni Lord? :(
To conclude it all, natutunan ko sa month na ito na I have to fight my fears. Nung madaling araw na nag-confess kami sa isa't isa ni Rhon, it was a core memory na kulay yellow and violet (inside out reference) kasi mixed emotions na joy and fear. Joy kasi masaya ako na hindi lang pala ako yung nakakaramdam, our feelings are mutual. Pero natatakot ako sa maaaring mangyari -- either he will be the father of my kid (NOT TOO SOON, 10 years from now hehe) or my biggest heartbreak. Sa lahat ng napagdaanan ko related sa love, sa kanya ko lang nararanasan at nararamdaman kung ano ba talaga yung totoong pakiramdam ng pagmamahal. With him, I always feel at peace, na hindi ko naramdaman during my past. Isa rin sa natutuhan ko ay hindi tayo forever nandito sa mundong ibabaw, so sa araw-araw, I will always choose to live, not just to survive.
Nagkaroon ako dati ng phase sa buhay ko na ayoko nang magpatuloy kasi sa lahat ng nangyayari, hindi na umaayon sa gusto ko. Pero ngayon, sa present moment na ito, everything made sense. Dati, during june - july 2024, it was also vacation day, I was so helpless, to the point na hindi ko na makilala yung sarili ko, hindi na tama yung mga ginagawa at mga desisyon ko. Pero naniniwala ako na lahat ng bagay na ginawa ko na hindi tumutugma sa prinsipyo ko bilang isang babae at isang tao, nagawan ko naman ng paraan para bumalik ako sa sarili ko. From now on, gagawin ko na yung mga bagay na nararapat.
Lastly, I will always be grateful to Rhon for bringing back the colors to my life. Iba yung naging impact nung existence niya kung bakit mas lalo kong na-a-appreciate yung sarili ko. :)
No comments:
Post a Comment