Naalala ko dati nung Elementary ako, lagi kong hate yung subject na Araling Panlipunan at Sibika kasi puro maraming sauluhin. May naalala pa akong name, si Gen. Arthur McArthur at ang kanyang famous line na "I shall return" tapos inaral din namin yung iba't ibang uri ng anyong lupa at anyong tubig. Pinag-aralan din namin yung ranking system dati ng gobyerno ng pilipinas na hindi ko na matandaan.
Nagkakaroon kami dati ng "daily history" na kung saan, yung teacher namin ay nirerequire kami na mag-research ng significant history sa mismong araw na yun. Eh lagi akong takot na mag-report sa unahan kaya yung teacher namin sa sibika noon yung pinaka least like ko.
Nagbago yung pananaw ko pagdating sa history nung naging prof namin si sir Jethro nung first year, siya yung prof sa rizal. He's strict but at the same time friendly. He became my favorite prof, dahil sa way ng pagtuturo niya, doon ko natutunan na hindi natin kailangan kabisaduhin ang kasaysayan, dapat lang na maintindihan at pahalagahan.
Ano nga bang connect nito sa pulang araw? History itself. Sobrang ganda nung kuwento kahit 2 weeks pa lang ine-ere, katulad ng Maria Clara at Ibarra, gusto ko itong subaybayan.
Naging interesado talaga ako sa history dahil sa naging subject namin! Sumagi nga sa isip ko na gusto ko nalang maging historian, hehe salamat Rizal, at iba pang mga bayani, sa pagmamahal niyo sa bayan!
No comments:
Post a Comment