Hello my dear nissy, it is currently 4:48p.m. Walang kuryente ngayong araw na ito, kasalukuyan akong nakikinig ng dear MOR, ang laging puntahan ko everytime na wala akong ginagawa at mas gusto nalang makinig ng kuwento.
Kanina, nakasama ko si Miles at pumunta kami sa may cafe. She's so kind kasi she always treats me. Nagkaroon din kami ng simpleng kuwentuhan about random things, tapos dami kong na-realize na mga bagay-bagay.
-Having a true friend is not really easy
Ever since I was a kid, aminado akong ang dami kong naging akala na kaibigan ko, pero seasonal lang pala. Sa panahon ngayon, kaunti nalang yung cino-consider ko na kaibigan talaga. Hindi naman masama na ang turing ko sa iba eh acquaintance, yung iba mutual friend of a friend, tapos may ilang tao din na kilala ko lang talaga just because naging kaklase ko, and it is totally okay since not everyone is maituturing ko na kaibigan talaga.
May mga pagkakataon din na napapaisip ako, ano ba talagang definition ng isang tunay na kaibigan? Kasi ngayong college student na ako, my friends that I met during highschool ay madalang ko nalang nakakausap, maybe because they found their "lovers" and some of them are just busy with their acads, since super stressful talaga ang college, hindi talaga maiiwasan yung hindi kami mag-catch up for a very long long time.
My friends from other school, I miss them, but I understand that they are busy with their own lives, pero matagal-tagal ko na talaga silang hindi nakakausap, kumusta na kaya sila?
As I have said to my past blog, hindi ako yung tipo ng tao na nag-i-initiate talaga ng convo just because hindi talaga ako ganoon. Ever since talaga, I always like being on my own. Pero hindi ko maiiwasang hindi sila isipin, kasi I do care about what's going on with their lives, sana nasa maayos silang kalagayan, yun ang lagi kong pinagdadasal.
I also see myself as someone who isolate myself too much whenever I'm so stressed. Mas lalo kong gustong mapag-isa kapag ang dami kong problema, kasi nasa mindset ko, hindi ko gugustuhing ipasa sa iba yung mga problema ko kasi alam kong meron silang sariling dala-dala.
okay! 5:00p.m. na at eksaktong nagkaroon ng kuryente. Anyway, dami ko pang na-realize pero siguro sa other blog nalang!
: )
No comments:
Post a Comment