It is currently 11p.m. at ang naisipan kong gawing blog entry ay ang mga paborito ko in all aspects!
Paboritong pagkain
Hmmm, dati nung SHS ako, lagi akong stress at ang comfort food ko ay siomai. Pero kung tatanungin niyo ako kung anong siomai ang dabest, walang makakatalo sa siomai ni mama! Gusto ko rin ng mga tinapay sa bakery, katulad ng kababayan, pan de coco, kalihim, at kung ano ano pa. I like strawberries too! Hmm, tapos in terms sa mga snacks, I like cheesecake, hansel, tapos pagdating sa mga sweets, butterscotch ang pinakadabest! Sa mga ulam, adobo ni mama talaga, at tulingan na may kape ang best combo.
Paboritong kanta
Nabanggit ko dito sa blog ko na I am fond of bands. Naging fan ako dati ng the Juans, day6 at ngayon ay Cup of Joe and The Ridleys. Puro banda talaga yung taste ko but I also listen to some solo artist naman. Kanina habang nasa bus ako, bigla kong naalala yung song na tugtugan ko dati, "Binibini sa MRT" yung title, parang ang saya talaga balikan lahat ng mga pinapakinggan ko kasi bumabalik ako sa moment sa fan pa ako nung kumakanta. Sa ngayon, more on opm talaga yung mga pinapakinggan ko, para mas feel ko yung message nung kanta.
Paboritong libangan
Kasalukuyan akong nakikinig ngayon ng dear mor, dati pa talaga akong sumusubaybay lalo na nung si dj jasmin pa yung pinaka-dj sa programa. Paborito ko rin manood ng kdramas and series pero hindi na gaanong kadalas ngayon. Paborito kong manood sa YouTube ng random stuffs!
Paboritong kulay
I like everything with color orange! Honestly kaya ako nag come up sa content ng blog na ito na paborito ay dahil may nakita akong medium post... "It’s okay to keep asking for favorite colors, even if the answers keep changing. Because in the end, it’s not just about remembering the colors of those who left, but loving the ones who are yet to come." tapos naisip ko, sabihin ko kaya yung mga bagay na paborito ko? Para mas malaman at makilala ko yung sarili ko.
Kanina I saw the sunset, pink with a touch of orange. Ever since I was a kid, the color orange always amazes and excites me and as I grow older, sa tuwing may nagtatanong sa'kin mung anong paborito kong kulay, I say na it's orange and since I love watching and seeing sunsets, I just connected them both! So therefore, I love color orange because it reminds me of sunsets!
Sunsets are a great reminder that endings can be beautiful, too.
Paboritong quote
"Everything happens for a reason" sounds cliche right? Pero totoo talaga 'yan. Dati, hindi ko pa maintindihan yung totoong meaning nung quote na yun, pero ngayong present moment, sobrang dami kong nalaman at napagtanto and I'm really thankful for the universe at syempre kay Lord, kasi they made me do those things para msging ganito ako, experience will always be the best teacher, proven and tested!
Paboritong way to spend a weekend
After a whole week na super pagod (kapag pasukan szn) all I want to do during weekend ay matulog nang matulog buong araw. Chill and relax, stay at home all day ang aking paboritong reward sa sarili ko.
Paboritong trait sa sarili
I honestly downgrade myself every damn time. Pero kung titingnan ko yung sarili ko sa perspective ng ibang tao, hmmm wala akong maisip puro atraso lang nakikita ko sa sarili ko eh TwT
Siguro yung ano nalang, whenever needed, I express what I feel, I want to make people to know what I truly feel, yung hindi nila ako kakapain kasi vocal and expressive ako. Not always, kapag kailangan lang talaga.
No comments:
Post a Comment