Total Pageviews

Nissy's Personal Blogging Purpose

I started this blog on August 5, 2021, as a space where I can freely share my thoughts and emotions. Opening up to others has always been hard for me, but this blog helps me work through my feelings and be real with myself. Feel free to read anything here, but please do so with kindness and without judgment. ^_^

Sunday, August 11, 2024

Kamay Ni Hesus

 


Yesterday, August 10 (SATURDAY), we went to Lucban to visit the Kamay ni Hesus. The whole ride was about 2 hours and 30 minutes.  Buong byahe, paulit-ulit na I want to vomit but I tried not to, and I survived! Di ako nagvomit papunta at pabalik. 

Kapag ganitong mga sitwasyon, I'm really blessed and grateful na pinanganak ako sa mundong ito para maging bunso, like sa buong biyahe, wala akong ginawa kundi magpahinga, hindi ako yung naka-assign sa google maps. 

Sa mismong kamay ni hesus, the moment I stepped my foot inside the church, I felt so emotional. During the mass, gusto ko nalang umiyak sa Diyos pero I didn't do it kasi katabi ko si mama. Nung kinakanta na yung Ama Namin, sobra akong emotional, parang sa mismong part talaga ng misa, dun ako pinaka-connected kay Lord. I feel like he's there, his presence. 

Actually, before talaga ng araw na pumunta kami, 4pm-7pm yung itinulog ko tapos onwards I wasn't able to sleep at all. So nilalaban ki yung antok ko simula nung pumunta kami don. Bigla akong na-challenge kasi inakyat pa namin yung taas, pero medyo illusion lang pala yung mga hagdan kasi mas malala pa yung pinagod ko sa La Virginia kaysa dito. 

Masasabi kong isang "experience" talaga yung pagpunta namin dito. Ikuwento ko lang din na nung madaling araw, nung hindi talaga ako makatulog, kinausap ko si Lord sa pamamagitan ng bright light dito sa labas ng bintana namin. And when that light gets brighter, I feel like kinakausap ako pabalik ni Lord. Ever since last year, yung ilaw talaga na yon yung tinitingnan ko sa tuwing gusto kong makipag one on one talk kay Lord, it may be a weird thing for others, but I always felt connection within that light, na parang kaharap ko si Lord, kahit na realistically, it is just a bright light. 

No comments: