I love experiencing my first times with you, my love.As a girl na no boyfriend since birth, never ako nakaranas ng mga bagay like maligawan, magpakilala sa magulang, maharanahan, maging clingy, maging komportable sa isang lalaki na hindi kapamilya, mayakap, makatanggap ng isang bulaklak, at marami pang iba. Sa kanya ko lang naranasan lahat-lahat, pati na rin ang makaramdam ng tunay na pagmamahal.
I admit that two years ago, I once fell in love, but that love turned into an obsession, making me emotionally dependent on that guy. It shattered my heart into pieces, at masasabi ko na yung pagmamahal na 'yon, iba sa nararamdaman ko ngayon kay Rhon. Kaya I am willing to do my very best para hindi maging deja vu at maulit yung mga bagay na naranasan ko dati. Gusto kong maging healthy at payapa yung love na nararamdaman namin sa isa't isa.
So, for today's blog, all I just want to say is that I am so lucky to find someone like him, lalo na sa panahon ngayon, he is like a rare gem whom I will forever cherish and treasure, kaya Lord, sana umayon yung plano niyo para sa'ming dalawa.
If only there's no limitations and boundaries which keeps on holding me back, lagi kong sasabihin sa kanya na mahal na mahal kita. I hope he knows what I am feeling even if sa ibang bagay ko pinapakita. But just like what he always say, darating din tayo diyan, my love. So there's no need to rush, things will fall into place.
At habang hinihintay nating dumating ang tamang panahon para masabi ko nang buong-buo at walang alinlangan ang “mahal na mahal kita,” pinipili kong iparamdam ito sa bawat maliit na paraan na kaya ko. Sa bawat pag-alala ko sa'yo kahit abala ako, sa mga simpleng mensahe ko ng "ingat ka" o "kumain ka na ba?", sa mga tahimik na sandali nating magkasama, sa mga ngiting hindi ko mapigilan kapag ikaw ang kausap ko, lahat 'yan ay patunay na mahalaga ka sa akin.
Minsan naiisip ko, paano kaya kung hindi ko siya nakilala? Baka hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano maging totoo sa sarili ko. Baka patuloy ko pa ring pinagdududahan kung karapat-dapat ba akong mahalin. Pero dumating siya, isang taong hindi ako sinubukang ayusin, kundi tinanggap ako ng buo.
Hindi ko rin akalaing darating ako sa punto na magiging sweet at clingy ako sa isang tao. Alam kong dati, I built my walls high. Takot masaktan, takot umasa, takot ibigay ang lahat. Pero ngayon, unti-unti ko ‘yong binababa. Okay lang pala maging mahina. Okay lang umiyak. Okay lang tumawa nang malakas. Okay lang maging ako.
At sa bawat araw na lumilipas, lalo kong napapatunayan na hindi coincidence ang lahat ng ito. May dahilan kung bakit sinaktan ako nung nauna, kasi siya ‘yung dapat magturo sa akin kung ano ‘yung tamang pagmamahal. Hindi ko man alam kung anong mga possible na mangyari in the future, but as long as he's with me, hindi ako kailanman matatakot.
And maybe that’s what love truly is, not just the butterflies or the grand gestures, but the consistency, patience, and kindness that make you feel safe and seen. At ikaw 'yon, Rhon. Sa mundo na puno ng uncertainties, ikaw ang isa sa mga bagay na gusto kong ipaglaban, ipagdasal, alagaan, at patuloy na mamahalin.
Kaya habang sinusulat ko 'to, hindi ko mapigilang mapangiti. Kasi kahit na maraming “firsts” pa akong pagdadaanan, basta ikaw ang kasama ko, handa akong harapin ang lahat ng 'yon. Isa-isa, dahan-dahan, at sabay nating tatahakin with formalities.
Marami pa tayong kuwento na mabubuo. At kapag dumating ang araw na wala nang kailangang itago o pigilan, ipagmamalaki kong sabihin sa lahat na "minamahal ko siya sa paraang alam ko, at minamahal niya ako nang higit pa sa inaakala ko."
I love you most, my love <3