It is currently 12:16 in the midnight during the time that I am typing this blog entry. Nanonood kasi ako ng random videos sa Youtube and then this song was suddenly recommended. Nagkaroon tuloy ng feeling dito sa heart ko, it's like a bittersweet feeling kasi I used to listen to this song during those times na I still have feelings for my first love. Pero ngayong binabalikan ko, like a reminisce, ngayong kalagitnaan ng gabi, I realized that it's a time in my life na naramdaman ko talaga kung paano yung feeling kapag may puppy love ka.
These days, na-kuwento ko na I binge watch Alex's vlogs tapos dumaan ako dun sa video niya na nag-propose na sa kanya si Mikee, tapos shinare niya yung mga naranasan niya before she met her husband and it feels like yung mga napagdaanan ko pala dati, hindi malayong nararamdaman talaga ng mga kapwa kong teenagers, but what's important naman at the end of the day ay alam ko na yung mga dapat at hindi dapat gawin in the future.
My dear future nissy, kung iisipin ko ngayon, sa buong buhay ko --19 years, dalawang tao pa lang naman yung minahal ko, --maybe in a childish way and obsessive type of love, but I'm not rushing anymore at this moment of my life. Lagi ko rin naman na sinasabi at ipinapangako sa sarili ko na studies at sarili ko lang muna yung uunahin ko.
4 days nalang pasukan na talaga, hindi ko pa gustong pumasok pero at the same time ayaw ko rin naman na inaamag na itong utak ko.
Haaay my nissy, hindi mo dapat hinahayaan yung sarili na magpalamon sa mga nangyari sa'yo. Kailangan nating umusad : )

No comments:
Post a Comment