Total Pageviews

Nissy's Personal Blogging Purpose

I started this blog on August 5, 2021, as a space where I can freely share my thoughts and emotions. Opening up to others has always been hard for me, but this blog helps me work through my feelings and be real with myself. Feel free to read anything here, but please do so with kindness and without judgment. ^_^

Tuesday, June 14, 2022

Surprise!

Nakapag-surprise ka na ba?

Kanina after umalis ni mama para mag-work, sinabi ni kuya na gumawa kami ng cheescake. Ako yung nagcrush ng graham crackers tapos bigla nalang umusok yung magic bullet so I had no choice, nag manu-mano ako. Inilabas ko lahat ng hinanakit ko dun sa grahams na sinusuntok ko para ma-crush, cheret!

Ayun, medyo successful naman tapos nilinis ko na yung mga bagay-bagay and then pinawisan ako ng big time so I took half bath and napag-desisyunan ko na maglaba habang nakikinig ng dear Mor sa spotify na nakabluetooth sa radyo namin. After ko maglaba and magsampay, sabi naman ni kuya na may balloon dun sa taas ng cabinet niya.

Wala kaming pambomba kaya humiram ako sa pinsan ko so naglakad kami ni kuya sa labas kahit na halos 11 na ng gabi. Maraming doggy sa malapit sa bahay ng pinsan ko kaya sobrang kapit ko kay kuya kasi medyo may trauma ako sa aso.

The moon is so so pretty kanina, ang liwanag ng langit na para bang hindi hatinggabi. Nakauwi naman kami ng maayos.

Papunta palang tayo sa exciting part kasi ang hirap gawon nung luminous light balloon woth roses. Pero after halos 2 hours, nagawa ko naman. At eto ang naging resulta! 

Sabi ni kuya, maganda raw yung kinalabasan pero para sa'kin, so-so lang. Siguro dahil matagal ko naring tinitigan kaya ganon.

And the last agenda is nagdesign kamo nung cheesecake. Merong hello panda, pepero, at oreo na red velvet ang flavor. I will take a photo of it tomorrow, hindi ko napicturan kanina.

After ng lahat ng yon, I'm still not sleepy. Hinfi ako makatulog, 2:47 na ng madaling araw.

I hope I will fall asleep asap.

Happy birthday, mama <3

sincerely, nissy

Monday, June 13, 2022

Midnight thoughts

I can't fall asleep

Natulog ako nung hapon pero it feels like gising yung utak ko so di ko naramdaman na tumulog ako pero my eyes are closed ng isang oras. 1:20 ng madaling araw ngayon and sobrang wide awake ako, medyo nagugutom narin kasi 7 pa yung last na kain ko but I won't eat kasi makakatulog din naman ako.

There are lot of things that are going on inside my mind, sa sobrang dami naghalu-halo na. 

Buti nalang naglaba na ako kanina para hindi ko na kailangan gumising ng maaga mamaya.

Sana makatulog na ako :(

Yours truly, nissy

Saturday, June 11, 2022

MBTI personality type

Have you ever tried taking that test to know your personality?

Ginawa ko yun nung isang araw tapos logistician yung lumabas, ISTJ which stands for introversion, sensing, thinking, judgment.

Akala ko talaga dati may mali sa'kin kasi hindi ako pala-usap na type ng tao. I always prefer to talk online instead of face to face. Madali lang sadya maubos social battery ko which directly explains why I'm not that talkative with the people around me. I'm more on observant type of person, kaya alam ko yung mga nangyayari sa paligid ko.

Pero minsan, gusto kong kumausap ng mga tao, without awkwardness. Gusto kong malaman nila na hindi ako masungit, tahimik lang.

Marami ring nagsasabi sa'kin na the way I talk is mahinhin, pero ewan ko ba, siguro ganon lang talaga yung pagsasalita ko. 

Hindi ko alam kung kakayanin ko ba kapag obligated nang pumasok na face to face, medyo nagwo-worry ako kasi panibagong adjustment nanaman ang magaganap. 

:(

sincerely, nissy

Saturday, June 4, 2022

Insecurities

Random thoughts about my insecurities

Ever since I was a kid, laging simasabi sa'kin na baby damulag, napabayaan sa kusina, and mostly talaga, mataba. Hanggang ngayon, dala-dala ko pa'rin yung mga insulto na yon at yun yung nagiging motivation ko to workout. Not for them, but for myself. Napakalusog ko nung bata ako, I remember my teacher in pe, tinuro niya lahat ng overweight saming magkakaklase kasi BMI yung lesson namin that time and I felt so so sad to myself, required ba na pinopoint out kung gaano ka kataba? Simula pagkabata, sobrang insecure na ako sa weight ko, idagdag pa yung mata ko na para daw kwago. Kasalanan ko ba na pinanganak akong malaki yung mata ko? Bakit kailangan pang sabihin? 

Before this pandemic happens, 65 kg yung weight ko but I'm so glad that naging 50 kg nalang. Pero ngayon, hindi ko alam pero nag sstress eating ako since march and I gained 4 kilograms. I don't know what to do, I should start eating less. 

Kasi ayaw ko nang bumalik sa dati, ayaw ko nang masabihan na mataba ako.

J, you can do this. You did it once, you can do it again!

fighting, nissy

Friday, June 3, 2022

Grade 11 life update

 Did I make any new friends? What does it feels like to survive grade 11?


Binasa ko yung mga past blogs ko about wanting to have a new friend since puro transfeees yung naging kaklase ko. To answer my own question, no. Hindi ako nagkaroon ng bagong kaibigan. Maybe naging close pero panandalian lang because of collaborations and tasks. Siguro hindi lang talaga click yung vibes, or sadyang tahimik lang ako.

Pagdating kasi sa collaborations, I'm not that talkative on our gc. Minsan pa nga may ichachat lang ako na isa and then after that, siya na lang yung kakausapin ko buong activity. Ang ending hindi ko na nakausap yung iba kong kagrupo. Every new collaborations, hinihiling ko na sana may ka-close man lang ako na member kahit isa, but ang naging result naman non is hindi ako makakapag-socialize sa iba. Pero kahit once man lang, if ever na possible ang face to face, sana makita ko yung mga kaklase ko. Kasi may nabuo naman kaming samahan. Kahit panandalian man lang, masaya ako na sila yung naging kaklase ko.

Yung second question naman, it feels like nabunutan ako ng tinik. Yung final examination, sobrang stressful. Hindi ko alam kung papaano ko yun na-suvive peo I'm happy na nakaraos ako. Akala ko dati, madali lang ang STEM, basta alam ko lang kung papaano yung steps on finding the corrrect answer. Kasi ang lagi kong perspective when it comes to Mathematics, laging iisa lang yung tamang sagot. You just have to find the right way on how to solve it which is completely opposite to humms, na puro essays and talagang nakadepende sa'yo kung makakakuha ka ng mataas na marka. Iba rin sa ABM dahil may mga dapat na intindihin na related sa accounting. Akala ko dati madali lang ang accounting, pero nung nasubukan ko na nung grade 10, halos mabagsak ko na, kasi hindi ko talagang alam kung papaano. Hindi masyadong nag-proproseso sa utak ko. Sa kabila ng lahat ng akala ko, alam ko na ngayon sa sarili ko na hindi talaga madali ang STEM. Kailangan ng sipag at tiyaga, pati narin ng lakas ng loob.


Dahil wala talagang madali sa kahit anong bagay, kailangang pinagsisikapan. Kung alam mo sa sarili mo na pinagpaguran mo, masasabi mo na deserve mo ng mahabang pahinga at yun yung gagawin ko ngayon, dahil natapos ko na ang grade 11. Alam kong mas mahirap pa ang grade 12 dahil physics na. Nandon parin ang kinatatakutan kong trigonomety, pero alam ko sa sarili ko na kakayanin ko. Kahit na may takot, kahit na alam kong maaari akong bumagsak, hindi ako papasindak. Kaya ko ito!

Fighting!

yours truly, nissy


What do you want to do in your life?

I don't know what to do in my life.

Nasa point na ako ng buhay ko na sobra na yung worries ko about what am I going to do in the future. Magiging successful ba ako? Magiging proud ba ako sa sarili ko? Magiging tama ba yung mga desisyon na gagawin ko?

I know I have said this on my past blog, yung about sa career na gagawin ko sa college. Malapit na akong maging ganap na grade 12, and pagkatapos non graduation na, at college na. Pero kailangan kong isipin yung magiging buhay ko, na dapat hindi na ako aasa sa parents ko. I always wanted to be an independent person, who can freely do whatever I want pero alam ko yung hangganan. Gusto ko matuto na tumayo sa sarili kong mga paa, at hindi na umasa sa parents ko sa mga pangangailangan ko. Marunong ako maglinis ng bahay, maglaba ng mga damit ko, pero pagdating sa pagluluto hindi ko talaga kaya. Lagi akong sinasabihan ni mama na dapat matuto na ako, kasi hindi na ako bumabata pa. Pero hindi ko talaga kaya. O sadyang wala lang akong tiwala sa sarili ko.

Sa simpleg pagluluto, hindi ko napagkakatiwalaan ang sarili ko na kaya ko itong gawin. Paano pa kaya sa college? Ako yung tipo ng tao na punong-puno ng problema, peero hindi ko na ma-distinguish kung anu-ano. Andaming kong inaalala, andami kong dapat na malaman. Pero takot ako na mag-take ng risk sa mga bagay-bagay.

I just hope na soon, malalaman ko na talaga kung saan ako naka-destino, kung saan ba dapat yung lugar ko, kasi buong buhay ko, hindi ko alam kung anong purpose ko dito sa mundo.

Yours truly, nissy.

Vacation Mode! (Grade 11)


Achievements, Recognitions, Worries, and Frennies

Matagal-tagal narin akong hindi nakakapagsulat dito. Recently, naganap yung recognition namin and kasama ako sa top! Can you believe that? I made that happen. Pero sa totoo lang, medyo napalitan ng pangamba yung saya ko nung nalaman ko na kasama ako sa highest honors. Kasi ang hirap kapag overachiever ngayon tapos sa susunod na mga taon, ma-dissapoint ako sa sarili ko. 

Sa kada tapos ko ng isang grade, nararamdaman ko na papalapit na nang papalapit ang college life. Hindi ko alam kung anong course yung kukuhanin ko. Sobrang hindi ako sigurado sa desisyong tatahakin ko sa kolehiyo.

Pero sa kabila ng lahat ng yon, may nagsabi sa'kin na huwag ko muna alalahanin kung anong mga posibleng mangyari in the future, mag-enjoy lang muna dahil bakasyon na!!! <3

Thankyou for being a part of my shs life, my wonders. Thankyou for motivating me to do better. Thankyou for being with me habang sabay-sabay tayo na nagrarant. Special mention to Ryle who is always helping me. Congratulations to us, nakakaproud kayo, sobra!

I think I should sleep na, it's currently 3:49 in the morning oh goodness gracious!

Yours truly, nissy.